My CHEATmate ( a JaLec FanFiction)

330 4 8
                                    

Malapit na ang finals namin. Kaya heto ako ngayon, todo review. Grabe ha? Sino ba kasi ang nagibento ng exam exam na yan. Sinasayang lang nila ang mga punong pinuputol pa nila para lang sa mga nakakasakit ulong testpapers na yan na pinapasagutan sa mga kawawang estudyante.

Ako nga pala si Jai Agpangan. Hindi naman talaga ako masyadong matalino. Sapat lang.

At kapag ganitong nag rereview ay tumatambay kami ng mga barkada ko sa garden kung saan tanaw na tanaw ko ang "drop dead gorgeous" kong crush at kaklase na si Alec Dungo. Naku! pag ganito naman palagi eh, ginaganahan akong mag review. Dagdag inspirasyon kung baga.

Hindi naman mahina ang ulo ni Alec, sadyang ayaw nya lang talagang mag.aral. Palagi nga syang nagbabasketball eh. At halos hindi ako pinapansin. Parang di yata ako kilala nyan eh. :(

Pero okay lang. atleast kilala ko naman sya dba?  

At ito ako ngayon, inspired na inspired dahil sa kanyang exsistence. bwHahahahHha

okay, tama na muna ang pagpapantasya ... Review muna ulit ..

At ayun na nga .. lumipas ang mga araw.

Dumating na ang Finals.

Handa na rin akong mag take. Ilang araw rin akong napuyat dahil sa exam na ito,ano.

Ilang minuto lang, eh dumating ang Teacher namin.

"Okay, class. Ready na ba kayo sa inyong exams?" tanong ng teacher namin.

Eh kung sabihin kaya naming "hindi pa" may magagawa kaya sya? hays! 

Anong klaseng tanong ba yan. Edi syempre, "OO" .

"So, bago ko kayo bigyan ng testpapers, ililipat ko muna kayo ng seats okay.? Alternate, Girl-Boy ." instruct nya amin

"okay maam" sagot naman namin.

"Okay, Ms. Ferrer tabi kayo ni Mr. Gonzales. and sino yang natutulog dyan?" 

tanong nya sa amin.

"ahh. Maam si Alec po yan" sagot ng kaklase ko.

Agad namang ginising ng kaklase ko si Alec. Bakit kasi natutulog eh exam na exam.

"Mr. Dungo, we are going to have our examination here and you are not here to sleep, sit beside Ms. Agpangan" utos ng teacher namin.

HUWHAT? O_o Magkatabi kami? 

Ano ba dapat ang maramdaman ko? 

TUWA dahil katabi ko ang Ultimate Crush ko o KABA dahil baka ma distract ako sa presence nya.

NAKU NAMAN !

Agad naman syang sumunod sa utos ni teacher at tumabi sa akin. Ang Gwapo talaga! hahahaha

Jai, tama na muna yan. Baka bumagsak ka pa sa exam. hahahaha 

Tong kunsenya ko, masyadong nag.aalala. Kaya ko ihandle emotions ko noh. Galing ko kaya mag pigil. hahahaha xD

Nag start na ang exam kaya serious mode na ako. Una naming tintake eh, Filipino. Madali lang naman sya.

After ng Filino eh, Math naman. Parang umiikot na yung numbers sa paningin ko eh. 

Nabigla naman ako ng may kumalabit sa akin.

"psst. Jai"

paglingon ko, si Alec pala.

Hala,! Tinatawag ako?

"A-Alec? B-bakit?" nauutal kong sabi

"Anong answer mo sa number 8?"

My CHEATmate ( a JaLec FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon