Kapag napapa-tugs-tugs-tugs niya ang puso mo?
Kapag nabablangko ang isip mo sa tuwing nakikita mo siya?
Kapag kinikilig ka sa tuwing ngumingiti siya?
Kapag napapatili ka sa tuwing nagtetext siya?
Kapag tuwang-tuwa ka kahit sa simpleng “hi” lang niya?
Kapag nauutal o natatameme ka sa tuwing kausap siya?
Kapag gusto mong hawakan ang kamay niya pero nahihiya ka?
Kapag lumalakas ang kabog ng dibdib mo kapag nararamdaman mo ang presensya niya?
Kapag palagi kang nagnanakaw ka ng tingin sa kanya?
Kapag nagseselos ka sa tuwing may kasama siyang iba?
Kapag nagagalit ka kahit wala ka namang karapatan kasi hindi naman kayo?
Kapag nagsisimula ka nang mag-ayos ng sarili para magmukhang presentable sa kanya?
Kapag palagi kang nangangarap ng gising dahil sa kanya?
Kapag ang mga love songs na dati ay tinatawanan mo, ngayon ay sinasaulo mo at kinakanta mo na?
Kapag nakahiligan mo na ang pagbabasa at paggawa ng love quotations?
Kapag nagiging baduy ka na?
Kapag siya ang una mong naiisip pagkagising at bago matulog?
Kapag hinahanap-hanap mo siya palagi?
Kahit na mukha na siyang sira kung minsan at sa kabila ng mga kapintasan niya sa pisikal o sa ugali ay gusto mo pa rin siya?
Kapag gumawa ka ng komposisyong gaya nito dahil hindi mo na malaman ang gagawin?
Paano nga ba?