CHAPTER ONE

10 0 0
                                    

Hi guys! Ria Ralde here. :) 16 years old. Andito nga pala ako sa waiting area ng dati kong school. Yes you heard it right. I decided kasi na magvisit dito sa Quinton High after 4 years na hindi pagpapakita. Namimiss ko na yung mga old friends dito. *sigh* nilibot ko nalang yung mga mata ko at tinignan ang mga pagbabago hanggang sa mahagip ng mata ko si kuya Jom na papunta sa direksyon ko at tumabi sa kinauupuan ko, non teaching staff siya dito sa Quinton High.

"Kumusta na?" -kuya jom (smiling face)

"Ay kuya naaalala mo pa pala ako. Hahaha. Okay naman po. Andami na rin ho palang ipinagbago dito no? kumusta po?"

"Okay naman ako. Tsaka paano ba naman kita makakalimutan e isa ka sa pinakamakulit dito noon. Haha. Buti napadpad ka uli dito." -kuya jom.

Nahiya naman ako. Naalala ko isa siya sa mga kinukulit namin noon ng kambal ko pag break time. Hahaha.

"Hehe. Kuya naman e. Sa lahat ng pwedeng maalala yung kakulitan ko pa talaga. Namiss ko po ang Quinton high e. Lalo na po yung mga kaklase ko dati. Ay kuya, mga anong oras ho pala ang labasan ng high school dito?"

"Mga 3:50 pm. pa ang labasan nila. Osya, alis muna ako ha. Maglilinis pa kasi ako e. Kumusta mo nalang ako sa kambal mong si Gino." Tumayo na si kuya at nagpaalam na. Haaay.. nilibot ko nalang ulit paningin ko. Hanggang sa mapadpad ang mata ko sa isang puno.

--- **flashback '4 years ago'** ---

Sa ilalim ng isang puno sa loob ng Quinton High ay may magkakaibigan na nakaupo na tila nakasanayan nang tambayan ito.

"Guys, promise natin sa isa't-isa na sabay-sabay tayong ga-graduate dito sa Quinton High ah. -Ria-

"Oo naman." -Zane- sabay akbay nila sa isa't-isa

"Guys, wala sanang magbabago." -Thea- nagsitanguan naman sila sa sinabi nito.

"Para saan pa't naging magkakaibigan tayo diba. Siyempre gagawin nating lahat yan. Tsaka wag niyong kakalimutan na pwede niyong takbuhan ang barkada if ever na magkaproblema kayo. Andito lang ang barkada at hinding hindi kayo iiwan. -Cath-

Si Gino naman ay tulad parin ng dati na walang imik.

---**flashback stops here**---

Kilala pa kaya nila ako? Excited na talaga akong makita sila. Ang totoo niyan two weeks before nagkausap na kami ni cath na pupunta ako ng Quinton High ngayon. Sinabi naman niya sakin na naiintindihan daw nila. Na baka may importanteng rason kung bakit bigla nalang kaming nawala ng kambal ko.

Natigil ang pag-iisip ko nang biglang may umupong lalaki sa harap ng inuupuan ko. Siyempre si ako kinilatis ang itsura ni boy. Hahaha. Infairnessssss. Guwapo si kuya.

"Uhm. Hi. Raven nga pala and you are?" habang nakaabot ang kamay. Smiling face si kuya o. Mas lalo pa tuloy siyang gumwapo. Inabot ko na din ang kamay ko at nagpakilala.

"Hi Raven. My name's Ria Ralde but you can call me Ria. Uhmm. May kailangan ka ba?"

"Ah wala naman. Napansin ko kasi na iba ang school uniform mo. Saang school ka galing?" -Raven- Wow ah. Smiling face si kuya. Hindi ba nangangalay panga nito sa kakangiti. Hahaha.

"Taga Pemberton High ako. Actually  nag-aral din ako dito ng two years kaso kinailangan magtransfer kaya ayun."

"Ah sa Pemberton High School ka. Sino pala ang hinihintay mo? Mukhang kanina ka pa kasi nandito e. Wala ka bang kasama?"

"Kasama ko dapat yung kakambal ko ngayon kaso nagkataong may lakad ata sila ngayon ng girlfriend niya kaya ayun. Tsaka di pa naman ako ganun katagal dito e. Hinihintay ko lang yung mga dati kong kaklase dito. Teka, anong year mo na ba?"

"Fourth year. Ikaw ba?"

"Same year lang tayo. Ano nga palang ginagawa mo dito sa waiting area? Tapos na ba klase niyo?"

"Katatapos lang ng klase. Pinauna na kasi ako ng mga kabarkada ko at may mga kanya-kanya pa daw silang dadaanan kaya napag-isipan kong hintayin nalang sila dito sa waiting area. Tutal iisa lang naman ang daan palabas at papasok dito e."

"Ahh. Ganun ba." nilibot ko uli tingin ko. Nareceive ko kasi text ni Cath na palabas na daw sila.

"Ahh. Ria."

"Yes?"

"P-pwede ko bang makuha number mo?" Okay. Okay. Nabaling ulit tingin ko sakaniya dahil sa tanong na yun.

"Ha?" Baka kasi namali lang ako ng dinig diba. Naninigurado lang. Mamaya sabihan pa akong feeling. Mahirap na. Hahaha.

Medyo namula siya dahilan ng pagyuko niya. Ang cuuute. Haha.

"Pwede ko ba makuha num--"

"Ria!!!"

Two Different WorldsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon