**Ria's P.O.V.**
"Ria!!!"
Mula sa di kalayuan ay nakita ko si Zane na naglalakad palapit sa inuupuan ko. Napatingin naman siya sa katapat kong lalaki at tumango rito. Mukhang magkakilala pa ata ang dalawa base sa reaction ng mukha ni Raven.
"Kanina ka pa ba diyan sa waiting area?" -Zane-
"Ah hinde. Halos kararating ko lang. Sina Cath pala? Di mo ata kasama?"
"May pinuntahan lang saglit sina Cath. By the way, kilala mo na ba si Raven?" -Zane- sabay turo sa katapat kong lalaki.
"Kakakilala lang. Haha. Matagal pa ba sina Cath? San ba sila nagpunta?" -Ria-
"Buti naman at magkakilala na kayo. Di ko na kayo kailangan pang ipakilala sa isa't-isa. Tara sa classroom pinapasundo ka nila sakin e. Dun nalang daw tayo magkita.. Raven gusto mo sumama? Mamaya ka nalang umuwi para sabay-sabay na tayong lahat." Saglit pang natigilan si Raven at tila nakikipag-usap sa mga mata ni Zane.
Hmmm. Mukhang nag-aalinlangan pa si Raven kung sasama o hindi kaya ako na mismo ang humila sakanya at dumiretso papunta sa room nila.
"Ria sandali lang. Hintayin mo naman ako." Halos patakbong sumunod si zane samin. Kahit papaano kabisado ko pa rin naman pasikot-sikot nito no. Hahaha. Nakahabol naman na samin si zane kaya nagawa niyang maka-akbay sa akin. Binitawan ko naman na ang kamay ni Raven at niyakap ng patagilid si Zane.
"Hindi ka pa rin talaga nagbabago bunsoy!" -Zane- sabay gulo sa buhok ko dahilan ng pagsimangot ko at pagbitaw sa pagkakayakap sakanya. Piningot ko naman si Zane sa kaliwang tenga.
"Hindi ka pa rin nagbabagooo." kinuha ko naman yung kabilang tenga kaya napahinto na siya sa paglalakad. "Ang hilig mo pa ring guluhin ang buhok ko. Ilang beses ko bang sasabihin na ayaw na ayaw kong ginagalaw ang buhok ko." Piningot ko pa lalo ang magkabilang tenga niya dahilan ng kaniyang pagsigaw pa ng mas malakas.
"Ehem. Baka gusto niyong tumigil diyan sa harutan niyo dahil pinagtitinginan na po kayo ng ibang estudyante. Baka nakakalimutan niyong nandito kayo sa quadrangle." Napahinto naman ako sa sinabi ni Raven. Totoo nga. Halos pinagtitinginnan na kami ng mga estudyante. Kahit yung ibang varsity players na nagttraining ay napahinto sa kanilang mga ginagawa. Tinignan ko naman si Raven na nakikipagtitigan nanaman kay Zane. Bigla namang ngumisi si Zane at umakbay ulit sa akin. Nagsimula na ulit kaming maglakad habang nauna nang maglakad si Raven.
**Zane's P.O.V.**
Kahit kailan ang sarap talagang asarin ni Raven. Hahaha. Laughtrip.ang mukha mga dre. Hahaha.
"Problema nun?" -Ria-
"Hayaan mo na yun. Baka kailangan lang mag-cr kaya nauna na. Pasensya na pala bunsoy. Na-miss ko lang talaga pagkasadista mo kaya nagawa kitang asarin kanina."
"Alam mo nakakaasar ka talaga kahit kailan. Bahala ka na nga diyan!!" -Ria-
'Tsk. Tsk. Tsk. Wala ka pa rin talagang pinagbago sa tagal nating di nagkita. Maganda ka pa rin.' napangiti nalang ako sa mga pinagsasabi ko. Isinuot ko nalang ang headphone ko na nakasabit sa mga leeg ko at ibinulsa ang dalawa kong kamay sa pantalon at sumunod nang maglakad. Hindi ko na hinabol pa ulit si Ria dahil alam ko namang kabisado niya parin ang mga daan dito.
Hindi ko talaga makalimutan ang mukha ni Raven na namumula kanina at nahihiya sa tapat ng isang babae. Kanina pa dapat ako nakapunta sa kinaroroonan ni Ria kanina kung hindi ko lang napansin si Raven na papalapit sakanya. Sabagay. Di ko rin naman siya masisisi. Mas nagmature kasi ang mukha niya ngayon kumpara dati na mas lalong nagpaganda sakanya. Siguro kung di ko lang 'siya' nakilala baka pati ako nahulog na din sa kagandahan ni Ria. BUT, Loyal ako 'sakaniya' kaya hanggang kapatid lang talaga ang turing ko kay bunsoy.
At dahil good mood ako ngayon, may sasabihin akong 'napakalaking sikreto' sainyo. Ang totoo niyan matagal nang kilala ni Raven si Ria. Nung mga time kasi na nagtransfer si Ria sa Pemberton High e sakto namang pagdating ni Raven dito sa Quinton High. Sa bawat kwento kasi namin e hindi naaalis sa pagbanggit ang pangalan ni Ria. Dahil na rin siguro sa kasabihang 'curiosity kills the cat' nagtanong na ng nagtanong si Raven about sakanya. Sakto namang napadaan kami sa bulletin board at nakapaskil pa rin doon ang picture ni Ria with her drum set on stage na kuha mismo ni Thea. Mas lalo yatang tinamaan ang mokong kaya simula nun nagstart na siyang magstalk kay Ria..
Natatanaw ko na ang room namin. Naririnig ko na rin mula dito ang kaingayan nila. Mukhang nagsimula na ang kasiyahan ah. Di man lang ako hinintay. Mga yun talaga.
BINABASA MO ANG
Two Different Worlds
Teen FictionRia Ralde was just a simple girl who wants to be happy and contented in life. But everything changed as she transferred "again" into a new school with her twin brother. New school, new circle of friends. As they transfer to a new school they underst...