**Ria's POV**
"Ayan na pala si Zane eh." narinig kong sabi ng isa ko pang kaklase dati kaya naman napalingon ako sa direksiyon ng pinto. Nginitian niya lang ako sabay punta sa may sulok kung san nakapwesto yung mga inumin. Sosyal sila e. Hahaha. Nagpacater pa ang mga baliw. Di naman halata na masyado nila akong namiss neto e.
Ang dami naring pinagbago simula nung umalis kame ng kakambal kong si Gino. Kung pwede lang talagang di na kami umalis non e. Pero hayaan na tapos na. Mukhang okay naman sila. Medyo nakakailang na nga lang kase di na kami ganun ka updated sa isa't isa. Wait... si Cath di ko pa nakikita simula nang pumasok ako sa kwarto na to.
Nilibot ko nalang uli yung mga mata ko sa mga pagkaing hinanda nila. Ang saya lang isipin na di pa rin naiba yung turing nila sakin kahit na lumipat akong public school.
Lalapitan ko na sana si Raven ng biglaang pasok ni Cath kasama si Thea. Dumiretso silang dalawa sa harapan at inalis yung kurtinang nakatakip. They never failed to surprise me. Nasa harapan ang isang drum set kasama ang ibang instruments. I reallllyyyyy missed them. Specially yung jamming naming magkakaibigan. I guess it's about time to play the piece that we used to play together.
Pumunta na rin sa harapan sina Zane, Cath at iniabot ni Thea yung cam niya sa isa pa nilang kasama para humalili sakanya at pumunta na rin sa harapan.
And.. yes, we used to play together dahil passion talaga namin ay music. Kumbaga isa yun sa mga bagay kung bakit kami nagkasundo.
_______________________Di ko na namalayan yung oras sa sobrang saya ng pangyayari. Namalayan ko nalang na nasa harapan na pala ako ng bahay namin at saktong kararating lang din ni Gino ng bahay.
"Kumusta naman ang pagpunta ng Quinton High?" —Gino
"Sobrang laki na ng pinagbago pero nung nakasama ko uli sina Cath.. I didn't felt like I was gone for so long. We even played the music we used to play back then."
"Buti naman at na-enjoy mo yung pagpunta. Sayang lang at di ako nakasama. Sinurprise ko si Gab e."
Napangisi nalang ako at inaya siyang pumasok sa loob ng bahay. Bihira lang kaya makahanap ng seseryosohin tong si Gino. Kapasok sa loob ay dumiretso nako sa kwarto ko at naghilamos at nagpalit ng loose shirt and boxers. Minsan cycling pag nasa madumi lahat ng boxers. Haha. Inalis ko na rin yung bra ko. Sabihin na nating ganito yung comfortable outfit ko pantulog. Matutulog na sana ako ng biglang nagvibrate phone ko.
From: Mamu
Ria, I hope you enjoyed the party we had a while ago. Sayang lang talaga at wala si Gino.. btw. Nakauwi ka na ba niyan?Hmm. Si Cath pala. Nakalimutan kong magtext na nakauwi nako. Hehe. Malamang ay umiiral nanaman ang pagkamaalalahanin niya. Wondering why 'mamu' nakasave na name niya? Siya kasi yung tumatayong parang "nanay" saming magbabarkada ever since. Nakasanayan ko nang mamu tawag sakanya.
To: Mamu
Yes poooo. Nakauwi na. :) si Gino di mo tatanungin if nakauwi na? Hahaha.Sa totoo lang crush ni mamu si Gino. Kaso wala pa sa isip ng kambal ko yung mga ganong bagay that time. Masyado pa raw silang mga bata para sa ganon. Hayyy. Ang aga magmatured ng kambal ko. Hahahaha.
From: Mamu
Bat ko naman tatanungin? Malaki na siya kaya alam niya na mga ginagawa niya. Besides, lalaki siya kaya kahit di siya umuwi ng bahay okay lang. May itatanong din pala ako kaya tinext kita. ;)"Defensive mo naman masyado mu. Hahahaha. Ano ba yung itatanong mo?" —Ako.
"Kanina pa kase ako kinukulit ni Raven na ibigay sakanya number mo. Ayaw ko naman basta ibigay kase privacy mo yn. Ano? Ibibigay ko ba? Ang kulit kulit e." —Cath
"Bakit niya naman hinihingi number ko mu?"
"Gusto lang daw makipagkaibigan sayo. -.- ano? Ibibigay ko? Matino naman si Raven." —Cath
"Hm. Sige mu. Mukha naman siyang matino e. Sabihan nalang kita pag kakailanganin ko ng resbak. Hahahaha."
"Baliw. Siguraduhin mo lang na wag mong isusuko agad ang bataan. Loko. Haha." —Cath
Tch. Si mamu talaga. Walang pinagbago haha. Makikipagkaibigan lang pala yung tao tas sasabihan akong wag isuko agad ang bataan? Nako.
"Noted po. Hahaha. Sabihan mo nalang na magpakilala siya pag nagtext para di siya mascreenzoned :)" —ako
"Osya. Goodnight bunso :) namiss ko kayo ni Ginooooooo. Wag masyadong pakapuyat ah. Bonding soon! Mwah!" —Cath
That's the last thing I remembered before I fell asleep.
BINABASA MO ANG
Two Different Worlds
Novela JuvenilRia Ralde was just a simple girl who wants to be happy and contented in life. But everything changed as she transferred "again" into a new school with her twin brother. New school, new circle of friends. As they transfer to a new school they underst...