4

22.9K 244 20
                                    

4

"Be his mistress."
Yun ang mga salitang nagpatigalgal sa kaniya.

Ano ba itong sinasabe ng kaibigan niya?!

Mistress? Kabit? Diba't kasalanan yun? Ang makiapid sa taong may asawa na?!

At isa pa. Hindi niya kaya ang bagay na yon. Hindi niya kayang maging kabit.

"Ano bang pinagsasabe mo Georgina?! Kabit?! Gagawin kong kabit ang sarili ko?! Hindi ko kaya!"
Sabe niya rito.

Matiim siyang tinitigan ng kaniyang kaibigan at hinawakan nito ang magkabila niyang balikat.

"Nisha naman! Papairalin mo pa ba yang kabaitan mo huh kung nasasaktan ka na?! Diba gusto mong mabawe si Ashton?! Yun na lang ang paraan Nisha! Yun na lang!"
Sigaw nito sa kaniya.

Marahas niyang tinabig ang mga kamay nitong nakahawak sa kaniyang balikat at inis na lumayo dito.

"Pero hindi ko sinabeng gagawin kong kabit ang sarili ko! Hindi ko sinabeng makikiapid ako!"
Sagot niya rito.

Frustrated na tinignan siya nito.

"Nisha, tinutulungan lang kita. Kasi bilang bestfriend mo, masakit para sakin ang lage na lang kitang nakikitang nasasaktan."
Worried na saad nito sa kaniya.

Naiintindihan naman niya ito eh. Naiintindihan niyang nag-mamalasakit lamang ito sa kaniya. Pero hindi niya matanggap amg sinabe nitong gawin niyang kabit ang sarili niya. Hindi niya kaya itong gawin.

Lumapit sa kaniya si Ina at niyakap siya nito.

"Pag-isipan mong mabuti Nisha. At kapag nakapag-isip ka na, lapitan mo agad ako. Tandaan mo, I'm always here for you."
Saad nito habang yakap yakap siya nito.

Hindi siya sumagot. Nanatili na lamang siyang tahimik.

(Ashton's)

"Hon, sinong hinahanap mo? Bat kanina ka pa hindi mapakali?"
Tanong sa kaniya ng kaniyang asawa na si Jessica.

Nasa VIP area sila ng bar at napansin siguro ng asawa niya na kanina pa siya palinga linga na tipong may hinahanap.

Ang totoo niyan ay may hinahanap talaga siya. Hinahanap niya ang kaniyang secretary.

Diba inimbitahan niya ito kanina? Sinabe pa niyang bawal tumanggi, so asan ngayon ito?

Palihim siyang napabuntong hininga at sumimsim sa baso niyang may lamang vodka. Hindi niya pinapansin ang kaniyang asawa na nasa tabe niya at parang tuko na nakalingkis sa kaniyang braso.

"Hon? Hon."
Tawag nito sa kaniya. Hindi niya pa rin ito pinansin.

'Tss. Ano bang kailangan ng babaeng to?!''
Inis na sabe ng kaniyang isipan.

Ang totoo, kanina pa siya naiinis sa babae. Simula kasi ng dumating sila dito sa bar ay hindi na ito humiwalay sa kaniya. Hindi tuloy niya makausap ng maayos ang mga empleyado niya. Imbis na nakikipagbonding siya sa mga ito ay heto siya't nakaupo sa isang sulok at kasama ang napakaclingy niyang asawa. Hindi niya maenjoy ang gabe.

But honestly, he had fun dancing with her awhile ago. Nakakainis lang na para itong tuko after nila sumayaw.

Ayaw niyang sungitan ito ngayon kaya hindi na lamang niya ito pinapansin.

"Hon!"
Inis na kinulbit siya ni Jessica. Nainis na ata dahil sa hindi niya pagpansin dito.

Malamig na lamang niya itong tinignan.

"What?"
He said coldly.

Nabahiran ng pagkainis ang maganda nitong mukha sa inasal niya.

"What's your problem, Ashton? Bat di mo ko pinapansin?!"
Naiinis na tanong nito sa kaniya.

The MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon