"Psst!"
Napatingin ako sa paligid para tignan kung sino yung sumitsit.
Sa paglibot ng mga mata ko sa paligid, nahagip ko na naman sya ng tanaw ko.
Nakatingin na naman sya sakin.
Agad naman nyang inalis ang tingin nya sakin ng makitang tinitignan ko din sya.
Maya -maya ay inalis ko na ang mga tingin ko sa kanya at nakinig na lamang sa aming guro.
Katabi ko lamang sya kaya't alam kong sya ang sumitsit sakin dahil sa kabilang tabi ko naman ay bintana na
at sa likod ko naman ay lumang banyo na wala ni isa mang ibig pumasok dahil matagal na itong nakalock at hindi mabuksan.Sa kalumaan narin siguro.At medyo umaamoy na rin.Hindi nga rin sila makapaniwala kung pano ko natatagalan yung amoy.
Paki ba nila e sa gusto ko malapit sa bintana e, di bale nang malapit sa CR, basta malapit sa Bintana.
Habang nakikinig ako sa amimg guro, hindi ko maiwasang tignan sya sa akimg peripheral vision, nakatingin talaga sya sakin.
Bigla tuloy akong naconscious nang mapagtanto kong ako nga ang tinitignan nya.
Kinuha ko ang isang maliit na pulbos sa aking bag at pinahiran ang aking nagmamantikang mukha, at ginawang salamin ang aking cellphone upang tignan kung pantay lang ba ang akimg pagkakalagay ng pulbos sa mukha.
Matapos ay naglagay rin ako ng kaunting lipgloss na nahingi ko kay Nina na aking bestfriend sa kabilang section.
Tinignan ko ulit sya at nahuli ko na naman syang nakatingin sakin habang nakangiti.
Agad na naman nyang inalis ang mga tingin nya sakin nang mahuli kong nakatingin na naman sya sakin.
Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing makikita ko ang mabilis nyang pagiwas ng tingin sakin at pamumula ng kanyang mga pisingi sa tuwing nahuhuli ko syang nakatingin sakin, samahan mo na rin ng paglabas ng kanyang mga cute na cute na dimples.
"Pssst"
Mabilis ko syang nilingon para mahuli sya, pero huli na, nakatingin na sya sa blackboard at parang namumutla, napansinnya sigurong tinitignan ko sya kaya tumingin sya sa likuran at sa paligid nya para makasiguradong nakatingin nga ako sa kanya.
Nang mapagtanto nyang siya nga ang tinitignan ko, mabilis na namula ang mga pisngi nya at napangiti sya.
Lumabas na naman yung mga cute na dimples nya.
Ilang araw ko na syang napapansing pinagmamasdan ako, pero wala naman akong lakas ng loob na tanungin kung may gusto din sya sakin.
Sobrang gwapo nya kase tapos top student pa.Parang ang kapal naman ng mukha ko kung mag-aasume akong may gusto sya sakin porket tinitignan nya lang ako.
Tsaka baka pag tinanong ko sya kung gusto nya ko, baka marinig pa nila Nicole na sobrang patay na patay sa kanya.
Pero wala na naman si Nicole.
Oo nga noh?Wala naman si Nicole dito kase ilang araw na yung hindi pumapasok nawawala daw kasi, nakipagtanan siguro, kaya baka eto na yung tamang panahon para komprontahin ko tong lalaking to.
Buong lakas loob akong tumayo at tumapat sa harap ng desk nya, nagulat sya pati yung mga kaklase ko sa ginawa ko.
"Alex.Sabihin mo nang makapal ang mukha ko pero, bat ka ba tingin ng tingin sakin, May gusto ka din ba sakin?"
Wait what???!!!May gusto ka din ba sa kin??Ay tanga, nagmukha tuloy akong desperada.
"AYYYYYYYYIIIIEEEEHHHHHH ALEX GUSTO KA DIN PALA"
"CONGRATS BRO"
"ALEX NAMUMULA KA NA DYAN, SAGUTIN MOY TANONG NI ANNE"
Sigawan ng mga kaklase ko na tinutulak tulak pa si Alex.
Hindi ako makapaniwala.Ibig bang sabihin nito, may gusto talaga sya sakin?Lord totoo ba to?Hindi ba ko nananaginip??!!Wahhhh!!!
"Oo Anne gustong gusto kita matagal na"
And the crowd goes wild.
"Sabi na nga ba eh, ikaw din yung laging sumisitsit sakin noh?"
Biglang tumaas yung kilay nya.
"Hindi ah, inaamin ko lagi kitang pinagmamasdan pero hindi kita sinisitsitan"
Biglang nabalot ng katahimikan yung classroom namin at napatingin lahat sa likuran ko.
Tumingin rin ako sa likuran ko upang makita kung ano ba yung tinitignan nila.
Nang biglang ...
"Krrrccckkk"
Unti unting bumukas yung pinto ng Cr at iniluwa ang duguan at nabubulok na katawan ni Nicole.
"AHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!!""!!!"
Nabalot ng malakas na sigawan ang classroom namin.
Agad kaming nagsitakbuhan palabas sa sobrang takot.
Nanatili kaming magkakatabi sa tapat ng pinto ng classroom namin dahil wala ni isa sa aming may lakas ng loob na makita ang nasa loob.
"Pssst"
Biglang tumayo lahat ng balahibo ko sa narinig ko.
Nang unti unti akong nilayuan ng mga kaklase ko na para silang nakakita ng multo.
"Ahhmm...A-Anne"
Nanginginig na tawag sakin ng isa kong kaklase sabay turo sa balikat ko.
Unti unti kong tinignan kung anong ibig nyang sabihin.
Nang makaramdam ako ng kamay na pumatong sa balikat ko. O____O
"AAAAAAAAHHHHHHHHHH!!!!"
-------------------
"Psst"
Oo ikaw.
Ikaw nga na nagbabasa nito.
.
.
.
.
.
.
.
Mukhang kanina pa may nakatingin sayo.