Ang Una at Huling Yakap

6 0 0
                                    

Sa isang baryo ay may nag diriwang ng kaarawan sa isang malaking bahay, isang malaking kasiyahan ang nagaganap

"Íto po ba?" Umiling si gian bilang sagot sa kaniyang yaya. Tumayo siya at lumabas sa kaniyang silid.

Ang gusto lamang niya ay makasama ang kaniyang inang nasa kabilang bahay na,si Gian ang nag iisang anak ng kaniyang mga magulang laki sa maranyang buhay at nakukuha ang lahat ng kaniyang nais.

Habang nasa labas siya ng kaniyang silid nakakita siya ng babaeng nadapa dahil sa pagkabilis-bilis nitong tumakbo, napatawa siya malakas at ang babae naman ay nahihiyang tumayo.

"Nadapa na nga yung tao nakuha mo pang tumawa." Bulong niya hindi niya nalamang pinansin ang lalaki at iika ikang umalis, napatigil si Gian sa kaniyang nakita, dali dali siyang tumakbo at tinulungan ito.

"Saan ba ang bahay mo at ihahatid nalang kita." Tanong niya sa babae. Nananatiling tahimik at di sumasagot ito.

"Pasensya na kanina, natuwa lang talaga ako. Nga pala, gian." Sabay abot ng kamay ng binata sa dalaga. Nakatingin lamang ito sa kamay ng binata at napagpasiyahan niyang tanggapin ito

"Romeo." Nanlaki ang mata ni gian

"Lalaki ka?" Tanong nito napatawa ang dalaga sa reaksiyon ng binata

"Hindi, Gianna Romeo ang ngalan ko." Sabi nito tumango tango nalang si gian bilang sagot.

Inalalayan niya si gia papunta sa kotse ni gian. Itinuro niya ang daan patungo sa kanila nang makarating sila sa tahanan ni gia napatingin siya sa kanilang tahanan, maliit ìto kumpara sa kanilang tahanan.

"Dito na ako, ingat sa pag-uwi salamat." Nginitian siya ni gian at pinaandar ang kaniyang kotse. Pagdating niya sa kanilang tahanan ay agad siyang hinarang ng kaniyang ama.

"Bakit po?" Tanong niya dito.

"Saan ka galing? At bakit hindi ka nakisama kanina sa pagdiriwang?" Alam niyang ito ang itatanong ng kaniyang ama sakanya.

"Sa labas lang po nagpahangin, ayoko po kasi maki sama sakanila." Diretsong sagot niya sa kaniyang ama, ayaw niyang makipag plastikan sa mga dumalo sa kaniyang kaarawang hindi naman niya kilala.

"Sa susunod pag sinabi kong pumunta ka, sumunod ka." Ma awtoridad na utos ng kaniyang ama. Hindi sumagot si gian at nakayuko lamang

"Maaari na po ba akong umalis?" Tanong niya sa kaniyang ama di siya pinapansin, kaya't umalis na lamang ito.

Ganito lagi ang senaryo sa bahay nila.Kapag oras naman ng kainan ay mag isa lamang kumakain si Gian at minsan lamang makasabay ang kaniyang ama

Kinabukasan ay nakita niya si Gia na naglalakad sa tapat ng kanilang tahanan agad siyang napangiti at lumabas.

"Gia!" sigaw nito "Pauwi ka na?" tanong niya sa dalaga, "Oo. Eh" "Sige hatid na kita." yan ang laging gawi ng dalawa, madaling nagkapalagayan ng loob kaya't naging mag kaibigan sila, unti-unti din nahuhulog ang loob ng dalawa sa isa't isa. Isang araw, niyaya siyang pumasok sa loob ng bahay nila gia, maliit,masikip,mainit at dadalawa lamang ang kwarto.

"Juice? Kape? Wala kaming tea ha." pabirong tanong ni gia kay gian, tumawa si gian at umiling

"Hindi, Ayos lang." maya-maya may biglang pumasok sa pinto ng bahay nila gia,

"Nak? Sino yang kasama mo?" tanong nito. Lumingon si gian at tumayo. Parang dinurog ng paunti-unti ang kaniyang puso, ng makita ang kaniyang ina sa harapan niya. nanginginig, ang katawan niya sa gulat at galit. 'Bakit?' ang tanging tanong sa isip niya. Hindi niya alam ang kaniyang gagawin. Lungkot, at gulat ang kaniyang nararamdaman.

"G-Gian?" unti-unting lumapit ang kaniyang ina sa kanya

"T-teka, magkakilala kayo nay?" gulong-gulong tanong ni gia. Napatingin ng diretso sa mata ng kaniyang ina si gian, "N-Nay?" taong niya, "Bakit?" mabilis na tumakbo at iniwan ni gian ang kaniyang ina, sinundan siya nito "Gian!" sigaw niya ng patawid na si gian ay may isang kotseng paparating itinulak niya si gian at ang ina niya ang nabundol nito.

"Ma!" sigaw niya agad na bumaba ang nakabundol at idinala ito sa hospital. Laking pasasalamat niya ng ito ay nakaligtas sa bingit ng kamatayan, dahan-dahan siyang lumapit sa kaniyang ina. "Gian." mahina na tawag ng kaniyang ina sakanya

"Magpahinga muna kayo ma." napangiti ang kaniyang ina at tumulo ang luha nito. "Alam kong galit ka sakin, at madaming katanungan ang gumugulo sa iyong isipan,Sapilitan kaming ikinasal ng iyong ama, may iba akong mahal noon ngunit ayaw ng magulang ko sakanya at ang iyong ama ang gusto nila." Nakikinig lamang si gian habang nakayuko. "araw-araw kaming nag aaway dahil parehas kaming may ibang minamahal, dumating ang araw na gustong magka apo ng aming mga magulang kaya wala kaming nagawa. Nang na-isilang kita, laking tuwa ang naramdaman ko. Napawi ang lungkot sa damdamin ko. Hindi pa din nawala ang pag aaway naming dalawa ng iyong ama. Dumating yung araw na sinaktan niya ako. Kaya umalis ako sa bahay na iyon, naiwan ka. Pinangako kong babalikan kita, binalikan ko ang mahal ko noon, si rohelyo, masaya niya akong tinanggap ng buo,pagbalik ko sa dating tirahan niyo ay wala ka na, inilayo ka sa akin ng ama mo." patuloy na umaagos ang luha ng kaniyang ina.

"Nay? ayos lang po ba kayo?" agad na tanong ni gia pagpasok niya sa hospital.

"Si Gianna, anak. Kapatid mo siya. Magkapaid kayong dalawa." pakilala ng kaniyang ina kay gia. Agad na napatunghay si gian at tumulo ang luhang kanina niya pa pinipigilan.

Bakit siya pa? tanong niya sakanyang isipan. Ngumiti siya ng mapait.

"Bakit ang babaeng mahal ko pa ma?" tanong niya sakanyang ina. Nagulat ang kaniyang ina sa binitawan nitong salita.

"Totoo yun kuya, kapatid kita. Sinabi sakin lahat ni inay noon. Hindi ko alam na ikaw pala ang sinasabi niyang kapatid ko." malungkot na saad ni gianna. Lumabas si gian upang kumalma ito.

"K-kuya." tawag sakaniya ng kaniyang kapatid na si gia, Oo gusto niya magkaroon ng kapatid pero bakit ang mahal niya pa?

"Kaya pala parehas tayo ng pangalan, Gia at Gian, Gianna at Gian, Akala ko noon kasi tayo para sa isa't isa. Napaka baliw ko pala at naniwala ako sa mga ganon." Umiiling na sinasabi ni gian habang nasa likod niya si gia at tahimik na nakikinig.

"Nakita ko na si mama, alam ko na kung bakit niya ako iniwan. Okay na eh pero nalaman kong kapatid ko pala sa ina ang babaeng minamahal ko. Gia, bakit ikaw pa?" Hinarap niya si gia na nakayuko.

"Kalimutan nalang natin ang nararamdamn natin sa isa't isa, madami ka pang makikilalang babae gian, hindi lang ako, yung babaeng nararapat sa iyo. Gian, magkapatid tayo." tumulo ang luha ni gian habang sinasabi ni gia ang bawat linyang iyon.

"Kung gannon lang sana kadali na limutin iyon gia." sagot niya, nakita niya ang kaniyang inang nakasilip sa pinto at malungkot itong nakatingin sakanila, napabuntong hininga siya "Pero para sa ating ina, gagawin ko. Ang lahat." napangiti si gia sa sinabi ni gian.

"Salamat, Kuya." napangiti si gian, masarap palang may tumawag sakaniya ng kuya. Niyakap niya si gianna ng mahigpit. Nagulat si gia sa ginawa nito.

"Ang unang yakap sa kapatid ko, at ang huling yakap naman sa mahal ko."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Short Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon