(Bench's POV)
Lulan ako ng kotse ni Jhake at papunta kami ngayon sa mall kung nasaan yung sinasabi niya na bagong restaurant..
Tahimik ako sa biyahe dahil siguro sa pagka-ilang na aking nararamdaman.. Nabasag lang ito nang tanungin ako ni Jhake.."Ayos ka lang ba? Bakit parang ang tahimik mo?" Tanung nito habang focus sa pagmamaneho..
"Yup ayos lang.. Hindi lang kasi ako sanay ng ganito.. First time lang kasi may gumawa sa akin nito.." mahinhin kong sagot..
Echossera rin ang lola niyo diba?? Syempre pa Maria Clara ako.. Pero totoo naman na first time ito.. Ngayon lang may gumawa sa akin ng ganito kaya parang nahihiya pa ako..
"First Time ang alin??" Ang nalilitong tanung ni Jhake sa akin..
"First time may nag approach na kagaya mo sa akin.. I mean yung ganito.. Yung isakay ako sa kotse at sunduin pa ako sa mismong bahay ko.." Mahaba ngunit nahihiya kong tugon..
"Madalas kasi akong lokohin ng mga lalake noon.. Liligawan ako sa pag aakala na mapeperahan nila ako.. But to their mistake hindi ako ganoong klaseng bakla at hihiwalayan na nila ako kasi wala rin silang mapapala sa akin.." dugtong ko pa..
"Hindi naman sa sinasabi ko na interested ka sa akin in a romantic way.. Alam ko naman na friendship lang talaga.. Pero kasi iba ito ngayon, Im with a guy na alam kong hindi interested na perahan ako at loko---.. Basta for I know mayaman ka.. kaya nahihiya ako.." dugtong ko pa ulet..
"I think I know what you mean.. Pero paano Bench kung interested nga ako sa iyo in a romantic way? Okay lang ba sa iyo?" Tanung ni Jhake na ikinabigla ko..
"H-hindi ko alam.." maikli kong sagot.. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maging reaksiyon.. Ramdam ko ang kilig sa dibdib ko dahil sa narinig ko.. Pero hindi ko dapat kalimutan na womanizer ang taong ito at maaring pimaglalaruan niya lang din ako.. Parang napaka imposible kasi.. Isang mayaman at gwapong babaero ay magkakagusto sa baklang katulad ko..
Nakarating kami sa mall at agad hamunap ng parking space.. Nang makahanap na ay agad naman kaming bumaba para puntahan ang restaurant na sinasabi ni Jhake..
Ramdam ko ang hiya dahil pinagtitinginan kami ng mga tao sa mall habang sabay kaming naglalakad..
Im very loud and proud pag mga kaibigan ko ang kasama ko sa mga ganitong lugar.. Pero ngayon parang daig ko pa si Mikko sa pagiging baklang Maria Clara dahil sa sobrang tahimik ko..Narating namin ang resto at agad kaming pumasok dito..
"Table for two.." bungad ni Jhake sa isang waiter..
Pinangunahan kami nung waiter sa bakanteng table para sa dalawang tao..
Pinag masdan ko ang paligid ng restaurant at namangha ako sa interior nito.. Napaka sosyal at mukhang mahal ang mga pagkain dito.. Mayayamang tao lang din siguro ang kumakain dito..
Habang pinagmamasdan ko ang paligid ay nahagip ng paningin ko ang tatlong babae na humahagikgik sa kilig habang nakatingin sa direksiyon ni Jhake..
Aba! Ke lalanding dalag.. este dilag..Nang makaupo na kami ay ibinigay sa amin nung waiter ang menu... Agad naman nakapili si Jhake ng order niya at sinabi na ito sa waiter samantalang ako ay hirap na hirap mamili..
Grabe ang mamahal at lahat mukhang masarap.. Parang nahihiya akong umorder.."Nakapili ka na ba?" Tanung ni Jhake na nakangiti pa..
Para akong nailang dahil sa mahal ng mga pagkain dito kaya binulungan ko si Jhake..
"Jhake sa iba na lang kaya tayo? Ang mahal dito eh.. nakakahiya naman.." pagbulong ko sa kanya..
But then he just chuckled at pabulong din na nagsalita..
"Dont worry Bench its my treat and wag ka na mahiya.." ani niya..
"Okay.. pero pwede ikaw na lang umorder para sa akin? Hindi ko alam alin masarap dito eh. Pero mukha namang masarap lahat.." nahihiya kong sagot..
Again he just chuckled at sinabi na sa waiter ang order niya for me..
BINABASA MO ANG
DnB!: Your LOVE and Your LIES!(BoyxBoy)
RomanceDiary Ng Beki Presents: Your Love and Your Lies! Im Bench Jimenez isang simpleng beki na na inlove sa isang womanizer and manwhore na si Jhake.. How will he affect me kung ang lahat ng sweetness niya ay puro kasinungalingan lang pala. He approached...