Ganyan nga ang nagagawa
Ng isang Sponge Cola na kanta
Napapasulat ako ng tula
Tungkol sa babaing mapapatulala ka
Kay tagal na pero parang kahapon lang
Nang ikaw ang naging rason
Na hindi ko pa tinapos ang daloy
Ng buhay sa aking sistema
Sa pagkarinig ko ng lumang kanta
Kahit natapos na, ang mundo ko
Sa'yo pa rin umiikot
Kung sana lang kinuha ang tiyansa
Naaalala mo pa ba ako
Nasayo pa ba ang mga regalo
O ang mga liham na isinulat
Kung maibabalik lang ang mga taon
Sa ilalim ng langit na umiiyak
Sa ilalim ng buwan na hinahatak ang mga alon ng dagat
Alalahanin mo na may taong umiisip sa iyo
Nandito lang ako, naghihintay
BINABASA MO ANG
Snow White: Tagalog Poetry
PoetryEvery talent, whether inborn or acquired, has a root; a thing, place or person that sprung the weapon from the depths of the human psyche. In my case, it all started with a girl. It's a bit cliche to use the word, but boy, was she amazing. It was th...