Isang munting tula
Para sa minamahal kong sinta
Hindi basehan ang kanta
Kundi ang bagbagsak ng araw na namumula
Ang pagtibok ng puso sumasabay sa mga araw
At bawat araw parang bago pa rin
Ang pagmamahal natin
Dalawampu't dalawang taon at tuloy-tuloy pa rin
Naninibago kahit namumuti na ang buhok natin
Oo, nagkakainisan tayo
At nawalan ka na ng ipin
Ako naman nagkadiabetes
Limampu na ako at medyo malapit ka na rin
Gusto ko lang sabihin, kahit umabot pa tayo ng isandaan
Araw-araw ganun pa rin
Isang munting tula para sa aking asawa
Sa bawat ikot ng buwan iniisip kita!
BINABASA MO ANG
Snow White: Tagalog Poetry
PoesíaEvery talent, whether inborn or acquired, has a root; a thing, place or person that sprung the weapon from the depths of the human psyche. In my case, it all started with a girl. It's a bit cliche to use the word, but boy, was she amazing. It was th...