The Fangirl : intro

840 26 0
                                    


The Fangirl : Intro

......................................................

"Holdap 'to,"

Nanigas s'ya sa kinauupuan n'ya matapos maramdaman ang matalim na bagay na nakatutok sa tagliran n'ya. Hindi s'ya makapalag dahil natatakot s'ya sa posibleng gawin sa kanya ng katabing holdaper. Tila wala ring ideya ang ilang pasahero ng jeep na iyon dahil narin sa unahan sa may driver s'ya nakaupo.

"Boss sa tabi lang,"

Huminto ang jeep sa madilim at halos walang dumadaan na kalsada. Bahagyang s'yang tinulak ng holdaper habang nananatili pa ring nakatutok ang matalim na bagay sa tagliran niya. Walang imik at puno ng takot na lamang s'yang bumaba sa jeep kasunod pa rin ang holdaper.

Hinablot ng lalaki ang bag n'ya. Sa takot sa mga susunod na posible pang mangyari,isa-isa na n'yang inalis ang hikaw,kwintas maging ang relo n'ya at nanginginig na iniabot sa lalaki. "Hayan,sa'yo na lahat 'yan. Pakiusap h'wag mo lang akong sasaktan,"

Ngumisi ang holdaper ng mahalungkat nito sa bag ang telepono n'ya. "Iphone ha...jackpot,tiba-tiba ,haha" pagkasabi niyon ay mabilis na umalis ang lalaki tangay ang mga gamit n'ya.

Wala sa sariling nagpatuloy s'ya sa paglalakad.Hindi ito ang unang beses na nakarating s'ya sa Maynila pero ito ang unang beses na maglakas-loob s'yang sumakay ng jeep. Madalas kasi ay taxi o di kaya'y kasa-kasama n'ya ang pamilya na nakasakay sa kanilang sasakyan sa t'wing may pinupuntahan sila.

Ilang sandali pa ay nakarating s'ya sa medyo maliwanag na lugar. Sakto pa na may dumaan na taxi. Wala sa loob na pinara n'ya ito. Dahan-dahan s'yang lumapit sa sasakyan at ibinaba naman ng driver ang salamin ng bintana. Hindi na s'ya nagdalawang isip na sumakay dahil sa itsura ng driver ay mukha naman itong walang gagawing masama sa kanya.

Pagkasarado n'ya sa pinto ay hindi na n'ya napigilan ang mapaiyak. Kung nakinig lang sana s'ya sa kapatid n'ya hindi sana mangyayari 'to.

" 'ne okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ng driver habang nakatingin sa kanya sa salamin. Tango lamang ang naisagot n'ya at nagpatuloy sa pag-iyak . "Sa'n ka?"

"Acacia lang po,"

Tipid n'yang sagot. Marahan n'yang pinunasan ang mukha at pinilit na tumahan. Hindi rin nagtagal ay natatanaw na n'ya ang patutunguhan n'ya. Inalis n'ya ang sapatos sa kaliwang paa at kinuha ang five hundred peso bill na inipit n'ya doon. Laking pasalamat na lamang n'ya at naisipan n'yang ilagay ang pera sa sapatos at sa bra n'ya kahit hindi s'ya kumportable.

"Kuya Rosewood lang," paalala n'ya sa driver bago sila pumasok sa compound ng Acacia. Hinarang sila ng gwardiya, naglabas naman ng id ang driver at ibinigay doon.

Iniabot n'ya ang bayad oras na hininto s'ya ng driver sa tapat ng Rosewood.Inayos pa n'ya ang sarili habang iniintay ang sukli. "Salamat po..." aniya pagkaabot ng sukli.

"Good evening ma'am!"

Bati ng gwardiya sa kanya.

"Good evening din." Pinong sagot n'ya. "Amber 513 kuya. Owner."

Dumire-diretso na s'ya sa gusaling kanyang pakay. Saglit s'yang naghintay sa elevator at nang magbukas iyon ay pinindot n'ya ang panglimang palapag.

Nagsinungaling lamang s'ya ng sabihin n'ya sa gwardiya na owner s'ya ng unit na nabanggit. Pag-aari iyon ng kanyang boyfriend at sinabi n'ya lamang iyon para mapabilis ang pagpapapasok sa kanya. Isa pa,kapag sinabi n'yang visitor s'ya,masisira ang plano n'ya sanang surpresahin ang kasintahan.

Napapitlag pa s'ya ng bumukas ang elevator. N'un n'ya lang narealize na nasa fifth floor na pala s'ya. Tumulak na s'ya palabas. Tila s'ya nabuhayan dahil malapit na n'yang makasama ang kasintahan at mayroon ng magko-comfort sa kanya pagkatapos ng dinanas na insidente.

Huminga s'ya ng malalim.

Isa-isa na namang naglandas ang luha n'ya ng dahil sa nasaksihan. Malayo pa lamang s'ya ay tanaw na tanaw na n'ya ang kanyang boyfriend na nakikipagharutan sa isang babae sa tapat ng unit nito. Tila napako naman s'ya sa kinatatayuan. Tinakpan na lamang n'ya ang bibig at pinigilan na mapahikbi ng malakas.

Bumukas ang pinto ng unit na katapat lamang ng kinatatayuan n'ya at may lumabas na lalaki. Napansin n'yang tumingin iyon sa kanya at tumingin sa bulto na kanya ring tinitignan.

"Tsk!" Pumalatak ang lalaki saka pa s'ya hinila papunta sa tapat ng elevator.

"Hey!!" Inis na sita n'ya sa lalaki.

"Here..." inabutan s'ya nito ng panyo. Nang una ay nag alinlangan pa s'yang kunin 'yon pero sa huli ay tinanggap na rin n'ya at pinunasan ang luha. "Thanks,"

Inakay ulit s'ya ng lalaki papasok naman sa elevator. Hindi naman pumindot kung anong floor bababa ang lalaki kaya sinulyapan n'ya ito.

"Basement." Aniya pagkapindot sa button. "Inakay-akay mo na rin lang ako e magkukwento na 'ko..." panimula n'ya. Wala s'yang pakialam kung nakikinig ba ito sa kanya o hindi at magmukha s'yang tanga,ang mahalaga lang sa kanya ay may mapagsabihan lang s'ya ng mga nangyari sa kanya dahil feeling n'ya ay sasabog na s'ya sa dami ng nangyari.

"Nag-jeep ako mula FTI papunta dito for the first time. Pinilit ko lang 'yung kapatid ko na payagan ako kasi sabi ko isu-surprise ko 'yung boyfriend ko kaso,wala e,ako 'yung nasurprise." natawa s'ya ng mahina sa sarili n'ya. "Nahold-up ako kanina sa jeep and kamuntik na akong patayin 'nung bad guy. Tinangay n'ya lahat ng gamit ko including my new iphone 6,na kabibigay lang ng tatay ko last week. Grabe! Ang swerte ko. Tapos ngayon,akala ko kapag nakita ko na 'yung lintik na gago kong boyfriend maaayos na 'yung pakiramdam ko 'yun pala mas lalo pang lalala. I'll mark this day talaga as the pinakamalas na day of my life, "

Pagsabi niyon ay bumukas na ang elevator at sabay silang lumabas. Tinitigan n'yang mabuti ang lalaki at nginitian ito.

"Sa super malas na nangyari sa gabing ito,ikaw lang ang naencounter kong swerte. Thanks for the handkerchief and thanks kasi kahit nagmukha akong tanga na kwento ng kwento kanina eh nandyan ka para makinig,wait nakinig ka ba? Oh well,wala ka namang choice kundi makinig eh." Natawa ang babae dahil sa mga pinagsasasabi nya. "Akin na lang 'tong panyo mo,thanks in advance kahit di ka pa pumapayag. Remembrance brod,"

Inilahad ng babae ang kamay n'ya sa lalaki. "Julie..."

"Elmo," nakangiting tanggap n'ya sa kamay ni Julie.

"Bye Elmo,see you when I see you."

...
8-26-15

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Fangirl(on-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon