Chapter 1 : Kababatasss♡

9 1 0
                                    

Hi I'm Samantha Danielle Marasigan, ahmm SAM na lang for my nickname , 16 years old. Maganda SOBRA ( wag na umangal ) , mabait , maputi , matangkad , medyo bully , matalino , at anak ng isa sa pinakamayamang businessman sa mundo ( minsan lang mangarap XD ) , sa USV ako nag - aaral under AB COMM. program.

Sam's POV
Andito ako sa Park hinihintay yung mga demonyo XDD , ay este yung mga tropa ko pala. HAHA vacant kase namin ngayon , 1:00 pa next subject namin ' e 10:00 pa lang kaya. Kaya gala muna with friends ^^ , nakakabagot na dine , ako'y sasandal na lang muna sa puno.

" I Love You sam " sabi ng isang prinsipe na hawak hawak ang pisngi ko at tangkang hahalikan ako.

" I LOVE YOU TOO my Prince " kasabay ng pagtulo ng luha ko ang paglapit ng kanyang labi sa labi ko kaya pumikit na ako para maramdaman ang malambot niyang labi.

" SAM ! Lulubog na yung bangka !! " sabi ng malakas na boses na hindi ko pa mahinuha kung sino.

Nagulat ako dun kaya akala ko talaga nalulunod ako , kaya napasigaw ako ng nakapikit pa at hawak hawak ang dibdib ko " TULONG ! Nalulunod ako ! Asan ang life jacket !! HELP ! " , may narinig akong humahagalpak sa tawa kaya minulat ko ang mga mata ko , nakakahiya kasi naman lahat ng tao sa park nakatingin sakin. At umagaw ng atensyon ko ang mga babaeng tumatawa ...

" mga demonyo ! Lagot kayo sakin aaarrgg ! " asar na asar kong sabi sa kanila at hinabol paikot sa puno , paikot sa fountain at as usual naabutan ko sila , mga pabebe tumakbo e :D

Pinagsisipa at pinagsusuntok ko sila , brutal ako e' paki niyo ba XDD , lakas kase ng trip ng mga tropa kong to e. HAHA onga pala let me introduce them to you guys , sina Trexia Mae Manalo ( mimi ) , Rensie Caringal ( rensieboy ) at Neca Briones ( neca ). Same age lang kaming lahat at same school at program.

Hayst ! Panaginip lang pala yung prinsipe na yun , bwiset mga to e. Kung kailan naman hahalikan na ako ( prinsipe na to , choosy pa ba ? Kahit ilang halik ok lang. ) HAHA

" HAHAHA Sam ! Epic yon ah " sabi nila na nakahawak pa sa tiyan sa kakatawa.

" Tse ! Ang sama niyo talaga , matapos ko kayong hintayin dito -.- " sabi ko na may halong pagtatampo , nakakainis e. " gaganti ------ " naputol yung sinabi ko dahil may biglang nag'Back hug sakin , grabee yung puso ko parang sasabog. May naramdaman ako sa yakap na to na hindi ko pa nararamdaman noon pa man , di ko mai'explain e. Paglingon ko para tingnan kung sino yun , nagulat ako kaya nagkatitigan kami.

" yiieee ! " pag'aasar nina mimi sakin na siyang pumukaw sa katinuan ko.

" tse ! " sabi ko sa kanila at inirapan , " Prince ! Bitaw ano ga ? Ang touchy mo talaga ! Kung hindi ka lang bakla naisip ko ng manyak ka at bakit ka nandito ? " pagsusungit ko sa kanya pero gosh ! Kinikilig ako *_* , HAHA kase nga first love ko to. Pinilipit ko ang mga daliri niya para makakalas sa yakap niya.

Ahm he is Prince Leonard Valdez , 16 years old , gwapo Grabeee ! XD , mabait , sweet , matalino , rich kid , maputi at chinito. Parang bakla lang tong lalaki na to kase naman daig pa ko sa pag-aayos sa sarili , ang touchy touchy niya , minsan nahuhuli kong kumekembot at lagi siyang habol tingin sa mga lalaki. USV rin siya under Psychology program. Kababata ko siya.

"OUCH !! hindi ako bakla no ! akala ko kase kung napano ka , makasigaw ka parang nirape ka na ng pating e' at tsaka napadaan lang ako kase kikitain ko si Janna " sabi niya sakin at umirap ( bakla nga tu ) HAHA " Oy bye na ah ? Andon na daw si Janna e. Tsaka ingat ka Sam , see you if i see you " sigaw niya samin habang naglalakad siya patalikod at nag'smirked pa sakin with his killer smile.

" sige te ! Ingaaaat XD " yun na lang sinabi ko kase kinikilig akooo shete ! " guys Greenbelt 5 tayo ah ? Messa tayo maglunch. " sabi ko na nakahawak sa tiyan kase gutom na talaga ako.

" uy ha ! Akala ko di mo na crush si Prince pero nangangamatis yang mukha mo kanina " sabi ni neca na siniko pa yung tagiliran ko " sige messa tayo , miss ko na don e. " pahabol na sabi ni neca.

" oy di ko na crush yun ha , nabigla lang ako. O sige ' kotse ko na lang gamitin natin. Mabinyagan manlang si Ton " sabi ko sa kanya na halata namang namumula ako , si Ton name ng BMW ko.

" KAMATIS ! " sabay sabay nilang sigaw saken at tumatawa na naman.

Nakita ko si Rensieboy patakbo sa BMW ko , kaya tumakbo ako ng mabilis " OOPPSS ! I'll be the one to drive , baka gulong nalang matira kapag ikaw nagmaneho " sabi ko sa kanya na natatawa habang harang harang ko yung pinto ng Driver's seat.

" tss. Oo na ! " sabi ni Rensieboy sabay irap.

Sumakay na kaming lahat kay Ton. Mild lang yung pagdadrive ko. Bago kaya to :D , ayaw ko ipaubaya kay Rensieboy at baka gulong na lang talaga ang matira , para kasing kanya yung daan kung magmaneho. Reregaluhan ko to ng kalsadang naka'espalto e XDD

Rensieboy's POV
Grabe tong si Sam , aangal angal na gutom na daw siya e' kung magmaneho naman feeling mahinhin. Daig lang kase to' Professional kase ako magdrive ( napangiti ako sa compliment ko sa sarili ko ah )

" OUCH ! Ano ba Sam dahan dahan naman " sigaw ko kay Sam , ang ganda ganda ng pagde'Day dream ko tapos biglang preno ng malakas. Tumingin ako kay Sam at nakatitig lang siya sa Couple na patawid ng Pedestrian Lane.

" Mimi that's Vincent right ? " sabi ni Sam habang nakaturo sa Couple kaya napatingin ako , ahmm oo nga si Vincent nga may kaholding hands at todo landian. " Your boyfriend's cheating on you ! Puta naman ! " panggigil ni Sam kina Vincent kaya pumaharurot si Sam ng takbo sa sasakyan niya at akmang bubungguin ang dalawa.

You're Just my Everything ♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon