Sam's POV
Takbo ! Takbo ! Takbo ! Naku ! 5 minutes na lang male'late na kami sa next class namin , shete ! Nakalimutan namin na may last subject pa nga pala kami this 1:00. And gosh ! Sa lahat ba naman ng makakalimutan na Subject dun pa sa sobrang terror naming Prof. sa Personality Development -.-"Eto kami ngayon patikar ng takbo paakyat ng hagdan , bakit ba naman kase sa 5th floor pa yung Room namin e. At eto na , sa wakas nakarating na rin sa Room at hindi kami nalate kase naunahan namin si Sir ng almost 1 minute lang. Buti na lang kung hindi baka naihulog na kami nare dine sa 5th floor.
Sir : Good Afternoon. What is Personality ?
Ano ba naman tong si Sir , kapapasok pa lang tanong agad.
Sir : Mr.Rosales , answer ?
Rosales : Personality is blah blah blah ...
Sir : OK. Another answer , Ms.Ebora !
Hayst ! Nakakaantok ang init -3- , ahmmm. Napaisip ako dun kay Mr. P.V. na yon , di nga kaya si Prince yon ? Shesss ! Sabi ng wag assuming Sam !
Sir : Ms. Marasigan , answer !
Muntikan na ako matunaw sa mga titig ni Prince kanina habang nakain kami. HAHA akala niya di ko kita , kitang kita ko kaya sa Peripheral Vision ko XD kiliiiiiig !
Sir : MS. MARASIGAN , ANSWER !!
Hayst Prince ! Sana di ka na lang bakla , baka naman kase pag inamin ko mandiri lang siya no. HAHA
Boooogsssssh !
Ako : Ay kabayo !
Shete ! Si Sir pala , hinampas yung table ko. Lagooooot ! Im so dead ! Yung kilay ni Sir Salubong na salubong na. Tapos yung mga kaklase ko nautas ng tawa , ang epic siguro ng mukha ko , lalong lalo na yung tatlo utas na utas sa tawa. Tss ! Pataaaay talaga !
Sir : Shut up ! What's funny ?! ( then tumahimik na silang lahat).
Ako : Belaaaat , ano kayo ngayon. (Sabi ko sa mga kaklase ko)
Sir : Anong belat belat ka diyan , shut up ! Kanina pa kita tinatawag Ms. Marasigan , at kabastusan ang ginawa mong di pag'respond !
Ako : Sorry Sir , may naalala lang po.
Sir : maipapasa ka ba ng inaalala mo ?!! Answer my question !
Ako : Sorry po. Sir can you repeat the question ?
At binigyan lang ako ni Sir ng inuutusan-mo-ba-ako look. Kaya sinagot ko na lang yung kanina niyang tanong.
Ako : Sir Personality is blah blah blah .
Sir : Yan ba ang tinatanong ko ?!
What the ! Ano bang tanong nito ? Aysst ! Biglang may nagtaas ng papel na may nakasulat , " kung sino daw sasama si fieldtrip , yan ang tanong ni Sir " , ahhhh ! OK yun lang pala e , ang layo naman ng sagot ko. Teka bakit nagpipigil ng tawa yung tatlo na yun ? Yae na nga , makasagot na lang.
Ako : Yes Sir , sasama po ako sa fieldtrip. ( sabi ko kay Sir na naka'stand straight pa ! HAHA )
Sir : Binabastos mo ba talaga ako ! Ang tinatanong ko ay kung ilang Phases meron ang Personality !!
Puta ! Nanggigigil na si Sir , halata sa kamay niya na gustong gusto na ako sampalin. Linilindol na din yung mata ni Sir , nanginginig na e. Jusko ! Lagot sakin yung tatlo mamaya mga puta !
Sir : Go out in this room ! I don't wanna see your face here !!
At tinuro niya yung pinto para senyasan ako na lumabas na. Naiiyak na ako sa sobrang hiya.
Ako : Yes Sir , Im sorry. I won't let this happen again.
Then lumabas na ako , kita ko sa mata nung tatlo ang pagsisisi kaya nginitian ko sila bago ako lumabas para di nila isipin na galit ako. Non sense din naman kung magagalit pa ako , nangyare na e. Tsaka sanay na ako sa kanila.
Papunta ako ngayon sa parang park na nasa likod ng building 1. Secret hide out at favorite spot ko rin to. Konti lang nakakaalam na merong ganito dito kaya nakakarelax kase minsan walang tao dito. Tahimik. Umupo na lang ako sa bench.
(....) : Miss are you OK ?
Ako : Yes i am. ( sabay punas sa luha ko. sino naman to ? Ang epal naman. )
(....) : I know you're not OK. Here oh ( at may iniabot siyang panyo )
Ako : Thanks. Sige ah , dun lang ako gusto ko kase mapag-isa e. ( alam mo naman palang di ako OK , tatanong tanong ka pa diyan kung OK ako. Tss pasalamat ka gwapo ka ! )
(....) : Sige naintindihan ko. By the way I'm Jake Lee. ( inialok niya yung kamay niya para makipag-shake hands )
Ako : OK. I'm Sam. ( sabi ng gusto kong mapag-isa may pa'introduce myself pang nalalaman , nakipahshake hands na lang ako para matapos na. )
Jake : Smile ka lang Sam. Babye !
Ako : Sige thanks ( fake smile. Puta ang kulit ! Anong smile ka diyan , gusumutin ko yang labi mo e ! Ang hirap kaya ngumiti -.- )
Then humiga na lang ako sa may gilid ng isang puno , gusto ko magrelax.
Rensieboy's POV
Hala. Nagi'guilty ako sa ginawa namin kay Sam. Are naman kasing dalawa pinilit pa akong pagtripan si Sam.Ako : Guys nagi'guilty ako !
Mimi : Ala. Ako nga din e !
Neca : Bawi na lang tayo , di naman natin alam na ganon ang mangyayare e. At tsaka di yun galit saten , ngumiti pa nga bago lumabas di ba. Kaya don't worry guys.
Sir : Ms. Caringal ! Ms. Manalo ! Ms. Briones ! Gusto niyong sumunod kay Ms. Marasigan ?!
Rensieboy , Mimi , Neca : Yes sir ! Kriiiinnnnngggggg !
Ay shete ! Saktong nagbell naman , di tuloy napakinig ni Sir. Nag'Yes kami di para asarin si Sir kundi para masundan si Sam.
Sir : OK. Class dismiss !
Pagkalabas ni Sir , kinuha ko na yung mga gamit ni Sam at nagpatikar kami palabas ng Room para hanapin si Sam.
Nilibot na namin halos lahat ata ng Campus pero di namin siya makita. Sang lumalop naman kaya yun nagpunta , di manlang dinila yung Cellphone niya at iniwan lang sa Bag niya. Di tuloy ma'contact.
Neca : Baka umuwi na yun , 7:00 na oh.
Mimi : Oo nga , di natin makita e' nilibot na nga natin buong Campus.
Ako : Siguro nga. O sige tara na umuwi , ako na muna mag'uuwi nitong mga gamit ni Sam. Bukas na lang guys , ingat kayo sa daan.
Mimi : Rensieboy bakit kami mag'iingat sa daan ? Pumapatay na ba yung daan ngayon ? HAHA
Neca : Nice one mimi ! HAHAHA
Ako : Gago ! Bukas ka na mag'Joke ! Babatuhin kita ng sapatos e. HAHA
Loko talaga yung mga yon. Nakuha pa talaga mag'Joke e ! HAHA uuwi na kami kase di talaga namin makita si Sam. Sana nakauwi na yon.
![](https://img.wattpad.com/cover/48250179-288-kf6d45a.jpg)