"Ma'am Allysa,nandito na po tayo."
Ang kaninang kabang naramdaman ko ay mas lalo pang nadagdagan nang tumigil ang kotseng sinasakyan ko ngayon sa harap ng isang engrandeng garden. Tanaw ko sa gitna noon ang isang sosyal na pagoda na mayroon pang mga puting kurtina sa bawat haligi.
This is it!
Bumukas ang pintuan ng kotse sa gilid ko.Pinagbukas ako ni manong driver na siya sigurong inutusan ni Yael para ihatid ako dito.Feeling ko isa akong prinsesa ng mga oras na 'yon lalo na nang tumapak sa lupa ang mamahalin kong heels, na siyang regalo sakin ni Yael my darling."Ang ganda niyo po Ma'am,siguro po akong matutulala sa inyo si Sir Yael 'pag nakita kayo.Alam niyo po, ang swerte niya po sa inyo. Kung ako po si Sir, hindi ko po iiwan ang katulad niyo." magalang na sabi ni manong na nakangiti pa sakin.Amaze na amaze sa beauty ko. Siyempre naman noh,ito yata ang nanalong Ms.Brgy. Hilayan sa Bicol at pinagkakadarapaan ng mga lalaki at binata roon, ehem, hindi naman sa pagmamayabang,ehem,pero totoo ho 'yon ano.
Tinakpan ko lang ang bibig ko para itago ang pagbungisngis ko, ginagawa ng mga dalagang Pilipina. Kunwa'y hinampas ko si Manong."Ikaw talaga manong, masyado kang mapangbola." mahinhing sagot ko sa matanda.
"Totoo po ang sinasabi ko Ma'am. Ah eh,bueno ho, baka hinihintay na po kayo ni Sir Yael. Goodluck po." magiliw na bati nito saka nagpaalam nang umalis.
Huminga muna ako ng malalim para pawiin kahit papano ang kaba na kanina pa hindi mawala-wala.Sobra akong kinakabahan. Paano kasi,bigla-bigla na lang kasing magyayaya ng date 'tong isa,eh wala namang okasyon. Tapos pinagsuot niya pa ako ng magarang dress at mamahaling sapatos. Pero isa lang ang nasa isip at nahuhulaan kong gagawin niya ngayong gabi.
Ngumiti ako ng malapad habang iniisip na 'yon nga ang gagawin niya ngayon. Ok lang. Handa naman na ako, at alam kong mahal na mahal niya rin ako kaya ok lang talaga kahit twenty-one pa lang ako.Alam ko rin naming hindi niya ako pababayaan. Ngayon pa ba ako magdadalawang-isip? One year,two months,four days and ten minutes na kaming magkasintahan. Kilalang-kilala na namin ang isa't-isa.
Panatag at puno ng confidence na naglakad ako sa pathwalk na napagigitnaan ng matataas na halaman na may nakasabit na mga Christmas light na nag-iiba-iba ng kulay. Christmas light ba tawag d'on? Oo siguro kasi maliliit 'yung mga bombilya tapos ber months naman na. Haha hayaan na nga.
Sa dulo ng pathwalk ay malinaw na natanaw ko ang malawak na garden pagoda na napapalibutan ng maliit na lawa sa paligid. Sa loob noon ay may lamesa at dalawang upuang magkaharap.Sa ibabaw naman ng lamesa ay nakapatong ang malalaking kandila,ewan hindi ko alam ang tawag d'oh eh. Basta, sobrang romantic ng paligid. Pakiramdam ko ako 'yung leading lady sa mga napapanood kong mga drama. Leading lady na hinihintay ng leading man,isang napaka-gwapong leading man."Hon." tawag niya sakin mula sa loob ng pagoda. Parang inihip na yata ng hangin ang diwa ko nang makita ko siya na palapit sakin. Pa'no kasi, ang gwapo-gwapo niya sa suot niyang puting polo.Napaka-simple lang ng ayos niya pero labas na labas pa rin ang kakisigan niya. Humahapit ang suot niya sa matipuno niyang katawan. Lagi kasi siyang nasa gym at hindi nakakalimutang magwork-out.Ang hot. Unlimited rice na lang ang kulang.
"Hon.Ang pogi mo.Pa-kiss." wala sa sariling nasabi ko.
"What? Hey hon. Are you awake?"
"Pa-kiss."
"Ha?"
Doon tuluyang bumalik ang tulala kong diwa.Pasimple kong kinapa ang labi ko,baka may tumutulong laway.Wala naman. Pinakiramdaman ko rin ang loob ko,baka nahulog 'yung panty ko. Ah hindi rin naman. Pagkatapos ay ngingiti-ngiting hinarap ko si Yael.
BINABASA MO ANG
Help Him Get Over Her
HumorPosible nga bang maturuan at pahilumin ng isang pusong nasugatan ang puso ng iba gayung kung ang sarili niya ay hindi niya magawang tulungan? O sasabay na lang siya sa agos ng kapalaran ‘san man siya dalhin nito.