Teaser

2.1K 40 8
                                    

     Si  Allysa dela Cruz, isang dakilang probinsyana, at bread winner sa nag-iisa at nakababatang kapatid na si Bebe Elle. Matapos iwan ng unang kasintahan ay napagpasyahan niyang bumalik ng Bicol para ipagpatuloy ang buhay at para na rin makalimot. Makalipas ang tatlong buwan at nang tila pinagkaisahan sila ng kamalasan at kapalaran ay nakita niya ang sarili at ang kapatid na palaboy-laboy sa lansangan ng Maynila. Nang akala niyang iyon na ang katapusan ng lahat ay biglang sumilip ang maliit na liwanang ng swerte sa kanya,tila may natitirang awa pa sa kanila ang tadhana.



Nabangga siya.



 Sa paggising niya ay nakilala at nakita niyang muli ang lalaking naging dahilan ng pagkawala ng una niyang trabaho at ang weirdong tao na nagtangkang angkinin ang singsing na bigay sa kanya ng unang kasintahan.Si Yohan Xandford Fontanilla, former member ng isang kilalang kpop group sa Korea, pure Filipino at bunsong anak at nakababatang kapatid ng mga kilalang business tycoon sa Pilipinas.

Matapos magmakaawa ng libong beses ay nakuha rin ni Allysa ang matamis na 'oo' nito para tulungan silang magkapatid. Binigyan siya ng trabaho ng binata. At kung ano 'yon?


Oo.Iyon ang title ng istorya.


 
 Posible nga bang maturuan at pahilumin ng isang pusong nasugatan ang puso ng iba gayung kung ang sarili niya ay hindi niya magawang tulungan? O sasabay na lang siya sa agos ng kapalaran 'san man siya dalhinnito.


08.31.2k15

Help Him Get Over HerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon