Prologue

1.9K 41 6
                                    

Richard ang pangalan niya. Naaalala ko pa noong una kaming nagkita. Hinawakan niya nag aking kamay at sinabing "Wag ka na umiyak, magiging okay ang lahat. Tutulungan kita hanapin ang mommy mo". Pitong taong gulang lang ako noon. Naligaw ako sa nun sa isang park. Sa sobrang dami ng tao at sa sobrang laki ng lugar, hindi ko mahanap yung mga magulang ko. Siya ang unang nakakita sa akin na umiiyak. Hindi ko makakalimutan yun, noong nginitian niya ko. Lahat ng takot ko sa katawan ay nawala nung tumingin ako sa kanyang mga mata. Napatahan niya ako at doon ko naramdaman na ako ay ligtas kasama siya.

Naaalala ko yung sinabi ng mommy ko sa akin. Sabi niya, huwag na huwag ako makikipag-usap sa mga hindi ko kakilala, lalo na yung mukhang mga nakakatakot at manloloko. Ni minsan, hindi ko naramdaman yun nung kasama ko siya. Siguro,dahil bata rin siya katulad ko. Mas nakakatanda lang ng kaunti. Hindi ako marunong tumantya ng edad noon, pero ngayon, ang hula ko ay mga dalwa o tatlong taong gulang lang siya na mas matanda sa akin. "Dito tayo. Mas madadalian sila makita tayo kung sa isang lugar lang tayo at hindi palakad-lakad." Napaka kalmado niya para sa isang bata noon. Dinala niya ako sa carousel doon sa park. Ang sabi niya, iyon ang pinakamaliwanag na lugar doon at mas madali kaming makikita ng mga magulang namin. Hinwakan niya ko papunta sa carousel, tinulungan umupo doon sa isang kabayo na kulay pink, tsaka siya tumayo sa tabi ko.

"Makikita din nila tayo. Eto oh, punasan mo yung mga luha mo." Binigay niya sa akin yung panyo niya para punasan ang aking mga luha. Gusto niya lumakas ang loob ko. Ngumiti siya, hinawakan ang kamay ko at tsaka nagsabi "May sinabi yung mommy ko sakin dati. Wag mong hahayaan ang takot na kainin ka ng buo. Kailangan mong tatagan ang loob mo." Hindi importante sakin yung mga sinabi niya noon pero naaalala ko pa ito. Ang naging importante sa akin ay katabi ko siya, dahil nawala ang takot ko simula nung sinamahan niya ako.

Pagkapunas ko ng luha ko, iniabot ko sa kanya yung panyo. "Sayo muna yan. Hindi mo alam kung kelan mo ulit kakailanganin." Ngumiti siya sa akin. Para akong sumaya na kinabahan na hindi ko malaman. Hindi ko alam ang tawag noon sa naramdaman ko. Sabi samin sa school yun daw yung butterflies in the stomach. Pero ngayon naiintindihan ko na. Anxiety.Yun ang naramdaman ko.

Patuloy na umikot ang carousel ngunit hindi siya natinag sa pagkakatayo at pagkakahawak ng aking kamay. Pinaramdam niya sa akin na ako'y ligtas na ligtas sa kanyang mga kamay. Lagi niya akong nginingitian kapag ako'y napapatingin sa kanya.Hihigpitan ang pagkakahawak sa aking mga kamay. Isang bagay na nagsasabing hindi niya ako iiwan kahit anong mangyari. Parang tumitigil ang mundo sa tuwing ngingiti siya at lahat ng bagay mas madaling intindihin kapag nariyan siya.

Nang tumigil ang carousel, nakita ko si mommy at daddy. Nakita ko rin ang mommy at daddy niya. Sa sandaling iyon, napagtanto ko na hindi lang ako ang nawawala dahil pati siya ay natuwa at naiyak. Hindi siya nagpakita ng takot sa akin para lamang lumakas ang loob ko at para matigil ako sa pag-iyak. Ginawa niya iyon para ako'y manatiling kalmado at maramdaman kong ligtas ako kasama siya.

Tinulungan niya ako sa pagbaba ko sa pink na kabayo at nagsabi ng "Salamat ha." Tumakbo kami patungo sa aming mga magulang. Sinabi ko kay mommy and daddy kung ano ang nangyari. Doon na sila nagpasalamat sa kanya at sa kanyang mga magulang dahil sa pagiging mabuti ng anak nila. habang nag-uusap ang aming mga magulang at nag-sasabi ng kanilang paalam, lumapit siya sakin at nagsabi "Magkikita ulit tayo balang araw." at ngumiti siya. Hindi nakakasawang tignan ang kanyang mga ngiti. Iyon ang aking iniisip tuwing may mga pagsubok ako na pinagdaanan sa buhay at nalagpasan ko ang mga iyon. Nagpaalam na kami sa isa't isa at doon na kami naghiwalay ng landas. Hindi man lamang namin nalaman ang pangalan ng isa't isa.

Nang makauwi kami, naramdaman ko na naiwan niya sa akin ang kanyang panyo. Naka burda ang pangalan na Richard dito. Doon ko nalaman ang pangalan niya. At itong storya na ito ay kung paano kami pinagtagpo muli ng tadhana.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa Iyong NgitiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon