-02 New Friend-

39 1 0
                                        

LIANA'S POV

Waahhh!! Nakakainis yung lalaking yun feeling ko nag init ang mukha ko. Ano bang pumasok sa isip nya at ginawa nya yun? Pero kanina, kanina kinausap nya ko ng hindi aburido o hindi nakasimangot, mas lalo syang gumagwapo *_* (magtigil ka nga liana!!)hehehe joke lang kaso ang yabang pa din tss. Btw nakaalis na ko dun sa may garden nung lumayo na sya dali dali akong tumayo tapos lumakad paalis dun.

Oo nga pala yung mga kaibigan ko! anong oras na ba? *Tingin sa wrist watch* 3:18 na pala
matawagan nga si paigne
*ring ring ring ring*

"hello paigneeeeee"
"Oh? asan ka?"
"andito ko sa corridor"
"Jusme naman liana! ang laki ng school saang corridor ka andoon?!
hahahaha oo nga pala
"Ay sorry, ikaw naman galit agad"
"Di ako galit, asan ka nga?"
"Kita nalang tayo sa cafeteria nagugutom na kasi ako"
"Sige punta ka nalang dito nandito kasi na kami"
"Okay wait for me"
"Okay"
Pagkababa ng cellphone ay naglakad na ako papuntang elevator hahaha tinatamad na akong maglakad andito pa ko sa 4th floor tapos gutom na ako kanina pa buti nawala na yung sakit ng ulo ko
Nang malapit na ko sa elevator napansin kong magsasara na kaya hinabol ko kaso sa kaclumsyhan ko natisod ako sa kamamadali pero may pumigil ng pagsara ulit ng elevator siguro naisip nilang hinabol ko talaga pero kasi ang sakit eh
"ouch…"bulong ko nalang nakapalda kasi ako ngayon eh nagkasugat tuloy ako pero nagulat ako ng may humawak sakin para maitayo ako
"miss okay kalang ba?"tanong nya sakin tumingin naman ako sakanya mukha syang mabait ang amo ng mukha eh
"Ah…"hindi ko pa natatapos yung sinasabi ko umepal agad
"May sugat yang tuhod mo tara sa clinic para magamot" Napansin ko naman yung mga babae nakatingin samin yung iba parang naiinis yung iba naman kinikilig pero hinayaan ko nalang sila saka tumango nalang ako tapos pumasok kami sa elevator, nakakahiya nakita pa nila katangahan ko, sumusulyap ako sa kanila hmpp! Are they worried or they want to laugh because i was tripped?
nakakainis naman! Tumingin naman ako dun sa lalaking kasama ko he's staring at me binabasa siguro nya yung mukha ko and i think he's pretty popular here
"Tara"sabi nya ng bumukas na yung elevator ng nakaalalay pa din sakin
Ang sakit talaga di naman sya malaki di lang kasi ako sanay na masugatan
*Tok tok*
"excuse me nurse pwede mo po bang linisin yung sugat nya?"sabi nya sabay turo sa may tuhod ko
"Sige maupo muna kayo at kukunin ko lang yung first aid kit" tapos umalis na sya
"Dapat kasi nag iingat ka ayan tuloy nagkasugat ka"bigla naman nyang sabi
"Eh kasi hahabulin ko sana yung elevator magsasara na kasi"
"Bakit? Nagmamadali kaba?"tanong naman nya
"Nagugutom na kasi ako kanina pa kaya nagmamadali ako tapos ayoko naman maglakad kasi pagod na kong tumakbo dahil kanina.."sabay pout ko sobrang sama ng araw ko ngayon hayy..
"Hahahahahaha.."tumawa sya ng mahina teka may nakakatawa ba sa sinabi ko? Wala naman diba? Baliw ata tong lalaking to eh
"Wait anong nakakatawa sa sinabi ko?"
"wala lang ang cute lang kasi para kang bata na nagsusumbong sa daddy nya"paliwanag naman nya
Tumango nalang ako sakanya kasi biglang dumating yung nurse saka inumpisahang gamutin yung sugat ko
"Sa susunod mag ingat ka na ha ang ganda pa naman ng kutis mo tapos magkakamark ka lang"sabi nya
"Opo"
Habang nililinis nya eh ramdam ko yung hapdi sakit-_- tapos yung kasama ko naman focus na nakatingin sa sugat na nililinis
"Ayan tapos na"
"thank you po"
Pagsabi ay lumabas na kami
"Gusto mo bang kumain sa cafeteria?"tanong nya
Cafe....teria? oh shit sila paigne pala nakalimutan ko nanaman! agad kong kinuha yung phone sa bag ko at tinawagan si paigne
*Ring ring ring*
"hello paigne naku sorry may nangyari kasi kaya di ako nakapunta.."
"Naku liana kanina kapa namin hinihintay alam mo ba yun saka wala na kami sa cafeteria umuwi na kami kasi nabored na kami sa tagal mo!"sabi nya na medyo galit tapos parang pasigaw
Inis yun malamang..
"Ah ganun ba sige ingat kayo sorry ulit"
"sige kumain ka na ah! Nagtetext at missed call kami di mo sinasagot eh"
"Di ko napansin nakasilent kasi phone ko, kita nalang tayo bukas kakain muna ko gutom na kasi talaga ko"
"Oo sige na ingat ka" sabi nya tapos binabana
"Oh ano? Tara na?" ay! nandito pa pala to
"saan?"
"sa cafeteria nga diba sabi mo gutom kana?"
"sige tara" pumayag na ko wala naman na kasi sila paigne eh saka gutom na talaga ko hahaha
Habang naglalakad ay nakatingin samin tapos nagbubulungan pa naririnig ko naman
"Who's that girl?"girl 1
"Is she flirting my kris?!"girl 2
"Ngayon ko lang sya nakita at bakit kasama nya si kris?!"girl  3
sabi nila kaso hinayaan ko nalang bahala sila sa gusto nilang isipin

When he existTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon