-07 Picture-

17 0 0
                                    

Liana's POV

Pagkalabas ko sa c.r nakita ko si kris na nakasandal sa pader, aba kala mo model lang na nagpophoto shoot. Ngapala nagpalit ako ng uniform, buti na nga lang at laging may extrang uniform na nakalagay sa locker ko.

"Psstt."

Tumingin naman sya sakin
"Ang tagal mo naman"reklamo nya

"Sorry na, ang lagkit kasi masyado eh"paliwanag ko naman dito saka naman sya ngumiti pero agad naman napangiwi dahil sa sugat nya sa labi

"Tara punta tayo sa clinic para magamot yang sugat mo"sabay turo ko sa sugat nya saka ko sya hinawakan sa wrist nya at hinila na

Habang naglalakad kami ay wala ng mga studyante sa mga corridor may klase na kasi e.

"LG may klase na bakit di kapa pumasok?"tanong nya

"LG?"tanong ko naman sakanya
Sang lupalop naman nya nakuha yung lg

"Eh kasi diba Liana Gabriel? Kaya LG, yun nalang ang tawag ko sayo para naman iba"paliwanag nya saka ngingiti sana kaso hindi natuloy dahil sa sugat nya

"Ewan ko sayo"Sabi ko saka napangiti nalang

"Pumasok kana may klase na"sabi nya

"Hindi na ko papasok,gagamutin natin yang sugat mo"

"Wala lang to,malayo sa bituka kaya pumasok kana"pangungumbinsi nya

"Wag ka ngang makulit ako kaya may kasalanan kaya ka nagkaganyan!"sabi ko

"Bakit ikaw ba sumapak sakin?"pamimilosopo nya

"Aish!"saka ko sya pinandilatan

"Joke lang"sabi naman nya sabay akbay sakin. Chansing to ah! haha joke lang

Nang makarating kami sa clinic ay wala namang tao kundi yung nurse, sabi ko ako nalang din yung gagamot sa sugat ni kris ayun pumayag naman saka binigay yung first aid saka nagpaalam din naaalis sya sandali.

Habang inaayos ko yung gagamitin ay naalala ko yung nangyaring usapan nila kris at jaxen, close ba sila? bakit parang may ibang meaning yung usapan nila? Haayy! naku umiral na naman ang pagkatsismosa ko! >,<

"Kris anong meron sa inyo ni jaxen? close ba kayo? magkakilala? Childhood friend?"walang humpay na tanong ko

"Hahah-- ouch!"

"Yan sige tumawa ka pa!"sarkastiko kong sabi

"Kasi naman ang dami mong tanong, daig mo pa reporter!"sabi nya saka ngumisi ng nakakaloko

"Aray naman!"reklamo nya ng diinan ko yung bulak sa sugat nya, kasi naman napaka!

"Sumagot ka kasi ng maayos!"sabi ko saka ko sya sinamaan ng tingin

"Alam ko naman curious ka pero wag mong intindihin yun wala lang yun!" paliwanag nya saka umiling iling pa

"Pero ka--"hindi ko pa natatapos yung sasabihin ko ng sumabat nanaman sya

"Teka nga! natouch naman ako sa thank you mo!"sarcatic na sabi nya
Pero alam ko namang iniiba lang nya yung topic, baka ayaw nya pagusapan kaya di ko nalang kukulitin, siguro di ko na dapat yun malaman.

"Tss. Oo na thank you natouch talaga ko sa ginawa mo"sabi ko saka pinisil pisil pa yung pisngi nya

"Ikaw naman kasi bakit di ka lumaban? Saka ano ba kasi yung nangyari?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 03, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When he existTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon