CHAP. 11
CJ's POV
umalis na si Ms. Troublemaker sa harap ko habang naiwan akong nakatayo sa may pintuan ng kwarto at hawak yung cupcakes at yung gatas...
DUG.DUG.DUG.DUG.DUG.DUG.DUG.
ano ba yung ginawa niya tapos yung puso ko eto nanaman tumatalon....
after kong mahimasmasan sa ginawa ni Ms. Troublemaker bumababa ako at umupo sa sofa para manood ng TV ..ininom ko ng straight yung gatas hindi pa kasi tumitigil sa kakatalon yung puso ko..
kinain ko na rin yung cupcakes na gawa nya at wow ang sarap talaga..hindi nakakasawa...kumakain ako ng biglang dumating si mommy
"hi mom...cupcakes po"bati ko kay mommy at sabay alok nung cupcakes na gawa ni Ms. Troublemaker
"ah hindi na anak"
tumabi sakin si mommy sa sofa pero nararamdaman kong may problema sya ang tahimik nya kasi..
"may problema ba mommy?"tanong ko kay mommy
pero hindi sya nagsalita kaya nagkaroon ng nakakabinging katahimikan pero ilang minuto nagsalita na rin si mommy..
"nakakulong na ang mga magulang ni Thea"
"what!?...tha-that's great mas mabuti po yun"sabi ko kay mommy
"yeah I know but I don't know how to tell Thea about this since they are still Thea's parents"
"maiintindihan yan ni Thea mommy ....she will"
"sana nga anak sige pupuntahan ko muna sya sa kwarto nya"
umakyat na si mommy para puntahan si Thea at kausapin tungkol sa mga magulang nya...sana maintindihan ni Thea na mas makakabuti yun para sa lahat lalo na sa kanya..
Lia's POV
nasa tapat na ako ng kwarto ni Thea...
*TOK*
*TOK*
*TOK*
"ah tita kayo pala pasok po"
pumasok na ako sa kwarto ni Thea at umupo sa may bed nya...tinapik ko yung side ko sign na umupo sya sa tabi ko na mukha naman nyang naintindihan dahil umupo sya sa tabi ko..
"how's your day?"tanong ko kay Thea
"oh ...my day at EU was great...nagkaroon po ako ng bagong kaibigan si Ethan,,..Ethan white he's actually my seatmate and isa po syang exchange student from US but one fourth Filipino in blood kaya marunong po syang magtagalog....at si Calvin naman po binabantayan ako.."sagot nya naman sakin
"well that's great my dear.."
"ah ano po palang pinunta nyo dito?may sasabihin po ba kau sakin?"tanong nya naman sakin
"thea.......this is all about your parents"sagot ko naman
"bakit po Tita may ginawa na naman po ba sila...I'm very sorry po Tita"
"no Thea...pero nasa.....na-sa ku-kulungan na sila..."
"what!!??...Tita si nanay at tatay po na-nakakulong na...."malungkot at gulat nyang tanong sakin
"oo Thea ....sana maintindihan mo na mas mabuti na rin ang ganun para sa ikakabubuti ng lahat lalo na ng kalagayan mo..."paliwanag ko naman kay Thea
hindi na nakasagot si Thea sakin at unti-unti nang tumulo na parang gripo ang mga luha ni Thea niyakap ko na lng si Thea at tinapik ang ulo pero mahina lng..
"Tita susubukin ko pong tanggapin dahil alam ko po mas makakabuti ito sa lahat at dahil mahal na mahal ko rin po sila"sabi nya sakin habang umiiyak pa rin sya
nagstay muna ako sa kwarto ni Thea at maya maya ay umalis na ako sa kwarto nya..
CJ's POV
pagkatapos ko kainin lahat ng cupcake ay umakyat na ako nakita ko na rin na lumabas na ng kwarto ni Ms. Troublemaker si mommy .....pagkapasok ko ng kwarto ko nagshower muna ako pero nung pagkalabas ko ng cr may naririnig akong umiiyak
"ano ba yun....may multo ba?"
hinanap ko yung pinanggagalingan ng iyak pero nalungkot ako bigla ng kong narinig ulit yung iyak ng lalong mas naririnig nung lumapit ako sa pader na naghahati sa kwarto namin ni Ms. Troublemaker...
"umiiyak na naman sya..masyado kasing lapitin ng problema..."
hindi ko alam kung ano ang ginawa ko pero ang sumunod na ginawa ko ay umupo ako sa sahig at sumandal sa pader....habang tumatagal na naririnig ko ang pag-iyak ni Ms. Troublemaker gustong-gusto kong puntahan sya sa kwarto nya at patahanin pero wala naman akong lakas ng loob...
-FLASH FORWARD-
CJ's POV
umaga na naman di ako nakatulog ...nakakatakot kasi yung iyak ni Ms. Troublemaker parang multo na humihingi ng tulong...halos mag-uumaga na kasi sya natapos umiyak..
"good morning my dear son"bati sakin ni mommy sa dining nakita ko din si Ms. Troublemaker na tahimik na kumakain ng breakfast nya..na may suot na tinted brown glasses
"good morning mom *yawn*"bati ko naman kay mommy
"puyat ka na naman kita mo ba yang mga eyebags mo mukha ng maleta ano bang ginawa mo?"sabi sakin ni mommy
gusto ko sanang isagot na yung 'babaeng nasa harap nya hindi ako pinatulog sa kakaiyak na nagtutunog haunted yung kwarto ko' kaso di naman pwede kaya..
"wala po mommy naglaro lng ako ng Xbox di ko namalayan yung oras..."yan ang isinagot ko kay mommy..
"ganun ba...sige kumain ka na baka malate ka pa kayo ng pasok sige ha mauuna na ako sainyo."
nagpaalam na samin si mommy at maya-maya nun ay sumakay na kami ni Ms. Troublemaker sa kotse ko....tahimik lng syang nakatingin sa may bintana..
"yung salamin mo baka mahirapan kang makita yung lessons natin..tinted kasi.."
"ah hindi dala ko naman yung isa kong glasses mamaya na lng ako magpapalit nakakasilaw kasi yung araw"
di na ako nagsalita kasi tumungo sya parang iiyak na naman ...as if naman na maniwala ako dun sa excuse nya na nasisislaw sya sa araw..alam ko namang mugtong-mugto yung mga mata nya kakaiyak kagabi...
nakarating na kami sa EU at umupo na kami si Ms. Troublemaker ayun tumatawa na dinadaldal kasi nung katabi nya yung Ethan...
-FLASH FORWARD-
tapos na ang klase namin wala naman masyadong nangyari...wala rin akong praktis sa tennis wala pakasi si Coach kaya eto uuwi na lng kami...
tahimik na naman si Ms. Troublemaker sa backseat .....
may nadaanan kaming ice cream parlor...kaya naman pinark ko yung sasakyan sa tabi...pero mukha namang hindi nyab napansin na huminto yung kotse ....di man lang kasi nagbago yung expression nung mukha nya
lumabas na ako ng sasakyan para bumili ng ice cream...nung nasa loob na ako bumili lng ako ng dalawang vanilla ice cream ayoko kasi talaga ng chocolate di ko rin alam kung ano yung gusto nyang flavor di ko rin kasi natanong kaya ginaya ko na lng sakin..
"oh ice cream"alok ko sa kanya ng ice cream na hawak ko..pero di man lng sya tumingin sa kin
kinalabit ko na sya para naman matauhan..nangangalay na din kasi akong hawakan yung ice cream
"Ms. Troublemaker..ice cream oh"alok ko ulit sa kanya nung ice cream ..mabuti naman at inabot nya pero mukha pa rin na wala sya sa sarili nya di man lang kasi lumabas sa kotse ko...sana naman di nya matuluan ng ice cream yung loob ng kotse ko..
"sa-salamat Calvin "sabi nya sakin tapos dinilaan nya na yung ice cream na bigay ko..buti nagustuhan nya yung vanilla
nakauwi na kami sa bahay...pagka uwing-uwi na namin dito sa bahay dumerecho agad sya sa kwarto nya malamang iiyak na naman yun..hayyyy...
BINABASA MO ANG
MS.TROUBLEMAKER MEETS MR. PERFECT
Teen FictionWhat if kung isa kang nilalang sa earth na parang kakambal mo na ang kamalasan at nainlove ka saisang perfect man...matatakot k bng mahalin sya dahil feeling mo madadamay sya sa lhat ng kamalasang nangyayari sayo or iisipin mo n lng na yun na ang ti...