Chapter 1: New Life

47 3 0
                                    

"Last na ba to ma?" sigaw ko kay mama pagkatapos ilapag ang huling box ng mga gamit sa bagong bahay. Grabeeee ang lakiii at ang mga ding ding punong puno ng mga mamahaling bato bahay pa ba to?
Eh parang mansyon nato eh.

"Oo nak. Sawakas at natapos rin tayo. Grabe nak noh ang laki ng bahay. Diba ito yung gusto mo? Malaki, at mukhang magkakaroon ka ng sariling kwarto." Sabi Ni mama habang nililibot ang paningin niya sa buong bahay.

"Mareeee!! Salamat sa pag tulong sa paglipat ng mga gamit sa bahay ko ha?" Singit ni Tita Sabrina sa paguusap namin Ni mama. Si Tita Sabrina ang best friend ni mama. Siya yung kasangga niya sa lahat ng problema ni mama. Kahit na mayaman siya hindi siya matapobre gaya ng ibang mayayaman.
"So how does my new house look?" Tanong niya sa amin ni mama
"Maganda po Tita tapos napaka elegante at ang lakilaki. Gusto ko na ngang tumira dito eh." Nakangiti kong sagot.
"Edi dito kana tumira." Yan ang nakakalungkot sa buhay ni tita, kahit na gaano kalaki ang bahay niya magisa lang siyang nakatira  dito bukod sa tatlong maid at dalawang driver wala na siyang ibang kasama. Wala na kasi siyang asawa at yung tatlo niyang anak nasa ibang bansa nagaaral. Ewan ko ba kung bakit doon pa mag aaral eh pwede naman dito sa Pinas ang arte. Bakit hindi sila nagmana sa mga magulang nila.  Sabi kasi ni mama barkada daw sila ni papa, tita Sabrina at Tito Mark. Ang sweet nga nila eh yung tipong bangayan sila ng bangayan pero sa huli sila parin yung tagkatuluyan. Tapos kahit gaano ka suplado ni Tito Mark eh nagbago daw siya dahil kay tita. Ang sweeeeet talaga nila. Kaso maaga siyang kinuha ni Lord. Mag twe-twenty years na sana sila ni Tito Mark kaso naaksidente ang sasakyan ni Tito Mark nong pauwi na sana siya galing sa trabaho.

"Talaga po? Nakooo huwag na po nakakahiya naman po kasi." Nahihiyang sagot ko
"Nako! Huwag kang mahiya atsaka ako lang naman magisa ang nandito."Nakangiti niyang sagot. Siniko ko si mama pero  tumingin siya sa relo ni tita at binalewala ang pagsiko ko sakanya
"Nako! Ang bilis nga naman ng oras. Kailangan na naming umuwi kasi may trabaho pa ako bukas at ikaw may pasok ka pa bukas." Sabay turo sa akin, hala! First day ko pala bukas.
"Bye Tita Sab hanggang sa susunod na pagkikita!" Sabay kaway nang palabas na kami sa bahay niya.

***Kinabukasan***
"Anaaaaak! Nako nako bilis bangon na at baka mahuli ka sa first day of school mo!" Naririnig kong sigaw ni mama sa labas ng kwarto NAMIN. Oo namin, tabi lang kasi kami tatlo nila papa. Atsaka kung alam lang niya na kanina pa ako tapos at handang handa nang pumasok. Hihihihi excited na kasi akong pumasok.
Ikaw ba naman papasok sa isang sikat at mamahaling school tapos libre pa! St. Mary's Academy oh diba bongga. Si tita Sab na kasi ang magbabayad. Oh tatanggi ka pa ba?
Nang bumukas ang pinto at pumasok na si mama ay ngumiti ako ng pagkalakilaki
"Good morning ma! Kumusta po ba ang ayos ko?" Sabay ikot at pinapakita ang suot kong uniform. And uniform namin ay skirt na above the knee tapos yung upper blouse naman  parang may vest tapos may malaking ribbon sa gitna ng collar bone , tapos yung socks may nakalagay na logo ng school tapos simple black shoes. Yung parang sa Korea kaso hindi siya long sleeve. Siyempre sponsored by Tita Sab. Ang bait niya talaga sa amin lalo na sa akin. Kasi nga diba yung mga anak niya nasa ibang bansa. Sabi nga niya wala na siyang balita sa panganay at pangalawa mabuti nalang daw at yung bunso eh nakakausap parin niya.
"Nako and ganda ganda talaga ng anak ko. Mag aral ng mabuti ha para hindi masayang ang pera ng Tita mo. Nakakahiya kasi na yung pinag aaral niya eh bagsak bagsak ang grade."sabi niya "Ma promise ko po na mag aaral ako ng mabuti." Seryoso Kong sabi sakanya
"Oh siya sige kumain kana at papasok kapa." Sagot niya

Pagkatapos kumain at dumeresto na ako sa school. Pagdating ko grabeeeee ang ganda, angdaming mga puno amoy na amoy mo yung presko. Napapikit ako nang maramdaman yung kapreskohan ng lugar haaaay ang sa---

**BLAG**
"A-aaray!"mahinang bulong ko nang may makabangga ako
"Yan naman kasi Maena eh. Ang tanga tanga, may papikitpikit ka pa kasing nalalaman. Ang tanga mo talaga." Bulong ko habang pinupulot ang mga nahulog kong gamit.
"Mabuti naman at alam mong tanga ka." Biglang sabi ng nakabangga ko.
"Nako sorry po talaga. Hindi ko po sinasadya." Sabi ko habang naka yuko at hindi naka tingin sa kanya.
"Psh!" Sabi niya sabay walk out. Ang suplado naman niya. Nang tignan ko eh nakatalikod na siya. Ang suplado ng ugali tapos parang naiimagine ko na magkasalubong yung kilay niya. Tapo--
Shocks ang ganda ng likod niya. Yung tipong maskuladong maskulado, tapos yung paglakad niya parang nasa modeling. Haaaay sana siya na yung lalaking para sa akin. Yung parang magbabago siya para sa akin. Yung tipong from suplado to santo attitude dahil lang sa pagmamahal niya sa akin. Nang libutin ko ulit yung paningin ko sa school napatingin ako sa mga grupo ng magagandang babae. Haaaay sana magkaroon ako ng new friends sa new school at magkaroon ng new life.

*****
Sabi Ni Wynwyn xD:
Haaaaaai! May nagbabasa po ba? Kung meron hope you liked the first chapter. Sorry po sa wrong grammar at typos. First timer lang po si Author.

My Bestfriend's BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon