Perfect BoyFriend

126 2 2
                                    

Chapter 1

Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat, ang alam ko lang, halos sumabog na ang puso ko sa sobrang bilis ng tibok nito. Korny mang sabihin pero napakamagical ng moment na yun. Biglang nagslow mo ang lahat. Dun palang ramdam ko na, after 17 years tinamaan na din ako sa wakas. Naconfirm ko pa ang lahat nung nginitian niya ko. Bulls eye, patay.

“Hi goodmorning, ako nga pala si Christian.”

Hindi ko akalain na pwedi ka palang magpakilala na hindi nagiging presko.

Christian.

Sabi ko na nga ba, maganda ang pangalang Christian. Christian. Christian. Christian. Simula ngayon favorite name ko na to, kahit hindi ko alam kung bakit.

“Hello.”

Hindi ko alam kung bakit sa lahat ng pagkakataon bakit ngayon pa ko sinumpong ng kasungitan. Hello? Yan lang ba ang kaya kong sabihin sa guwapong ito?

Hi, auhm, hello, ako nga pala si Tony, nice to meet you! Bago ka dito? Ah ganun ba, gusto mo dito ka nalang umupo sa tabi ko. May papel ka na ba? May ballpen kabang dala, heto o marami akong extra. Basta dito ka uupo ha, ano nga palang favorite color mo….

Wow ganito na pala ako kaharot kung hinayaan ko ang puso kong magsalita. Buti na lang. Salamat sa Hello.

Ngumiti si Christian. At naasar ako, kasi ngayon lang ako nakakita ng taong lumabas sa TV, ay hindi mas pogi pa siya sa mga nasa loob ng TV.

“May nakaupo na ba dito” ang turo niya sa upuang nasa harapan ko.

Teka lang, nakakabasa ba to ng isip? Pano niya nalaman na gusto ko siyang umupo malapit sa akin. Prayer works talaga. Yes!

“Ah wala naman.” Sabi ko at konting matipid na ngiti.

Nakakaasar bat ang sungit ko? Ngiti,ngiti, ngiti. Ngingiti na ko, ngingiti na ko… ngingiti

“Goodmorning Tony!”

Ay patay. Andyan na siya. Sa lahat ba naman ng pagkakataon na ngingitian ko na si Christian at magpapakilala na ko saka ka pa susulpot.

“Wow may bago pala tayong classmate, anung name niya?”

“Chris…”

“Hi I’m Christian. Kakatransfer ko lang.”

Ang cute mo talaga Christian. Hindi mo naman kailangan ipakilala ang sarili mo sa kanya. Nakakaasar.

“Hello goodmorning! I’m Carol. You meet my bestfriend?”

Teka, teka teka, bakit parang mas close pa ata kayo sa amin. Ako ang nauna, ako ang legal… whatever. Ako dapat ang nagpapakilala sa kanya sayo. Ah wait oo nga pala, hindi pa pala ako nagpakilala, kung sumumpong kasi ang kasungitan wrong timing.

Hingang malalim.

“I’m Tony”

Yes nasabi ko din. Sabay konting ngiti. Minsan talaga competition can be a good motivation.

“Hello Tony.”

Sapul. Hinga Tony! Hinga Tony! Naghello lang siya ano ba!!!

“Settle down guys.”

Kung di lang dumating si Mr. Carbonell, feeling ko dadalhin na ko sa clinic, dahil nakalimutan kong huminga.

 One point.

 Touch down.

 Alam na niya ang name ko!!!

Habang nakaupo hindi ko matangal ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa aking harapan. Ang ganda ng likod niya parang ang sarap sandalan. Ang bango pa niya parang laging bagong ligo. Sobra-sobra na to para sa almusal, I mean, sobra-sobra na tong nararamdaman ko para sa kanya, knowing na first time ko palang siyang nakita.

I’m in love…

Perfect BoyFriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon