Hindi ko akalaing magiging exciting ang second year college ko dahil kay Christian. Araw-araw na lang akong excited pumasok para lang makita siya. Yung mga boring subjects na feeling ko hindi naman kailangan sa course na kinuha kong mass comm eh naging favorite ko na lang bigla, siguro dahil alam ko sa likod ng mga boring subjects na to may Christian na naghihintay sa akin. Ambisyosa lang.
Hindi naman sa inaangkin ko siya, pero nuknukan lang ata ako ng swerte kasi kami lang ni Carol ang madalas niyang kinakausap sa loob ng klase. Siguro dahil bago siya at kami lang ang una niyang nakilala, kung minsan talaga mabait ang tadhana.
Hay… ang gwapo mo talaga.
Imbes na magtake down notes habang nagdidiscuss tungkol sa history ng cold war ang matandang dalagang teacher namin na si Doray este Ms. Baltazar, abala naman akong tinatake down notes ang features ng maganda niyang mukha. Maputi, makinis ang mukha, matangos ang ilong, manipis ang labi at higit sa lahat napakaexpressive ng chinito niyang mata.
“May dumi ba ako sa mukha?”
Ano daw dumi sa mukha? Pano madudumihan ang mukha niyang maganda, kahit alikabok mahihiyang dumikit sa kanya.
Patay.
Bago pa ko makawala sa imahinasyon ko, hindi ko na nagawang makaalis sa titig niya at sa mga nagniningning niyang mga ngiti.
Nakaramdam ako bigla ng 10.10 na earthquake at parang Mt. Pinatubo na sumabog ang mukha ko sa pula ng tinanong niya ko.
Dubdubdudbud…
“Huh?”
“May dumi ba?” sabay umikot ang daliri niya para ituro ang kanyang buong mukha.
“Ah… wala, wala naman.” Ang mabilis kong nanginginig na depensa.
Ngumiti ito, sabay sabing “ok”.
Ayun, sapul na naman. Parang mabibilis na bala ng baril ang mga ngiti niya, kasi sa tuwing ngingiti na siya, tinatamaan na ko. Ayayay.
Bago pa ko tuluyang mabuking sa hilim kung pagsulyap sulyap kay Christian. Sinubukan ko na lang ulit na makinig kay Mam Doray. Tulad ng dati, wala pa din akong maintindihan sa mga sinasabi niya, hindi dahil sa hindi siya marunong magenglish kundi dahil sa boses niyang siya lang ang nakakarinig. Hay, sa totoo lang mas gugustuhin ko pang mabuking ni Christian na tumititig sa kanya kaysa pagtyagaan ang bulong ni Doray.
Nakakaantok ang hapon. Hindi ko alam kung matutuwa ako o malulungkot. Kinansel kasing bigla ang klase naman kay Mrs. Puff (bakit Mrs. Puff, kasi literal niyang kamukha si Mrs. Puff ng sponge bob, konti nalang at sasabog na siya, este yung damit niya sa sobrang, alam mo na, laki.) dahil may misa sa school. Ang mga nagbubunyi kong kaklase kanina dahil sa walang pasok ay napalitan ng “Eeeehh,, anu ba yan”, “Badtrip”, “Bwisit kala ko makakatulog na ko sa library”, na mga reaksyon ng malaman nila na required ang lahat na mag-attend ng misa.
Sa totoo lang wala naman akong pakialam kung may pasok o wala, required man o hindi, kahit alin na man sa mga ito hindi ko pa din makikita si Christian. Next subject palang naman kasi namin siya kaklase.
“Hoy, Tony tara na!” ang tawag sa akin ni Carol.
“Oo na sandali lang.”
“Sino ba kasing hinihintay mo?” ang tanong ng usisera.
Hinihintay ko si Christian kasi gusto ko siyang makita, kasi baka magextend yung mass at icancell pati yung next subject na kaklase natin siya.
“Wala. Tara na nga.” Hinding-hindi ko aaminin sayo na hinihintay ko si Christian at gusto ko siya. Tandaan mo yan. Ang naghuhumiyaw kong sabi sa aking sarili.
Hindi pa ko handang ipaalam kay Carol ang feelings ko kay Christian. Kahit na alam ko namang mahahalata niya ito pag tagal, dahil na tin sa mga obvious kung pagtitig at pagsulyap sa kanya. Pero hindi pa ngayon. Hindi pa ko ready na tuksuhin sa kanya. Kahit na kinikilig na ko sa tuwing iniisip ito.
Harot.
Kung meron man akong maipagmamalaki sa eskuwelahan ko yan, ay ang mga ganda ng architectural buildings sa paligid na dinaig ang mga hotel at corporate buildings sa Makati. Pati na din ang aming church este chapel na mahihiya ang Vatican kapag nakita ang mga ginto at pamoso nitong altar. Pero in fairness sa chapel namin, masarap magpray kasi may aircon, malas mo nga lang kapag nahuli ang klase niyo at wala kayong choice kundi magstay sa labas. Pero sa lagay naming, maaga kaming dumating kaya nakuha namin ang pinakamagandang pwesto sa lahat. Ang harapan.
Sa harapan kasi makikita mo ang mga gwapong mga knights, pero wala akong crush sa kanila, si Christian pa din ang number one. Speaking of Christian. Sing tindi pa ng scanner ng xray machine ang mga mata ko sa paghahanap kung sang banda nakaupo si Christian. Kahit na hindi ako sigurado na mag-aattend ito ng mass dahil nga sa irregular schedule niya bilang irregular students. Pero at some point nagbakasali pa din ako na baka makita ko siya.
Magsastart na ang misa, pero wala pading maputi at guapo akong Christian na nakikita sa paligid. Ang ibang mga estudyante naman wala pa ding pakialam kahit naguumpisa na ang misa at tuloy lang sila sa pagtsitsismisan at paghaharutan. Pero at some point naingit ako sa iba na katabi ang mga boyfriend nila na nakikipagharutan sa loob ng simbahan.
“Si Christian yun ah.” Ang malakas na bulong ni Carol sa tenga ko. Kung di niya binangit ang pangalan ni Christian baka nasapak ko na siya dahil halos mabasag ang eardrums ko sa bulong niya.
“Asan?” ang mabilis kong sagot sa kanya.
Impossible kanina pa ko tumitingin sa paligid wala man akong nakitang Christian.
“Hayun oh..” tinignan ko kung san nakaturo ang kanyang daliri na nakanail polish na red, sa isang sandali parang gusto ko na ding panail polish kaso black naman.
Nagulat ako at nanigas ng makita ko si Christian sa may gilid ng altar at dahan-dahang kinakarinyo ang mga keyboard ng eskuwelahan.
Lalung nadagdagan ang kanyang kaguapuhan sa suot niyang uniform ng choral na kulay blue na nagpatingkad lalo sa kanyang maputing balat. Para siyang bituin na nagniningning habang tinutugtog ang mga kanta ng mga angel. Hindi ko akalaing ang prince charming ko pala ay isang pianista!
Perfect!
Sabi ko na nga ba eh, hindi ako magiging single for 17 years for nothing, dahil ang taste ko ay exquisite.
Para akong kinakantahan ng mga anghel sa tuwing nakikita ko siyang tumutugtog sa may gilid ng altar. Natapos ang misa na wala akong naalala kundi gaano siya katipuno sa kulay blue nilang uniform.
“Grabe, ang galling ng bago nating pari, nakakainspire yung homily niya kanina noh.” Ang biglang sabi ni Carol.
“huh? Ah oo, nakakainspire nga.”
Bumungad sa akin ang mukhang tangang mukha ni Carol. “Nakadrugs ka ba?”
“Bakit?”
“Daig mo pa ang nakahigh eh.”
“Huh? Hindi noh.”
“Parang wala ka sa sarili.”
“Hindi naman, inspired lang.”
“Inspired saan?”
“Sa homily.” Sabay pacute sa kanya.
Hindi ko talaga makakalimutan ang araw na to. Nakadrugs na kung nakadrugs, pero nahigh talaga ako ng makita ko siya sa unang pagkakataon na kumakanta. Bakit pa kasi kailangang may mga back up pa siyang kasali eh, siya pa lang pwedi na. Oh Christian.
“Napano ka? Para kang tanga.” Ang sabi ng kapatid ko ng marinig niya akong kumakanta ng Ama Namin pagkauwi ko sa bahay.
“Kumakanta.”
“Nang Ama Namin?”
“Bakit ba? Ang ganda kaya ng song na to.”
Iniwan kong nakanganga sa akin ang kapatid ko, sabay pasok sa loob ng kwarto. Sa araw na ito natatak sa puso ko ang tunog na nilikha ni Christian.