Gaya ng napag usapan ay nag "date" nga sila.It's just a friendly date.
Naisipan nilang pumunta sa mall since mainit dito nalang sila. They're now watching movie. Dahil parehas silang mahilig sa music Pitch Perfect ang pinanuod nila. After nila manuod ay kumain naman sila nang matapos ay naglaro sila sa Timezone tuwang tuwa si Maddie dahil napaka galing maglaro ni Bea at ang dami na nilang tickets na naipon.
"Mads! Let's dance!" aya ni Bea
"Ikaw nalang ayoko sumasayaw!"
"Dali na!" hinila pa nito si Maddie papunta sa jazz dance wala namang nagawa si Maddie kung di sumayaw
Tawa ng tawa si Bea ang ang cute ni Maddie sumayaw.
"Ang galing mo pala sumayaw e!"
"Hindi kaya! Hm! Tara na ipalit na natin tong tickets!"
Nang makarating sila sa counter ay naipalit na nila ang tickets lalong natuwa di Maddie dahil ang laki ng teddy bear.
"Bei, thank you for this day! Nag enjoy ako!" sabi nito
"Ako nga dapat ang mag thank you e. Sobrang bayad kana sa utang mo saken!" biro nito.
Naglakad muna sila at nilibot ang buong mall.
Pauwi na sana sila ng may nakasalubong silang di inaasahang tao.
---
Kung si Maddie at Bea ay masayang masaya merong isang taong inis na inis sa nakikita nya.
"Akin ka lang Maddie! Akin ka lang!" nag ngingitngit sa galit na sabi nito.
"Boss ano! Mukhang naunahan kana nun ah!"
"Tumahimik ka nga! Baka gusto mong bigwasan kita!" inis na sabi nito at akmang susuntukin ang kausap nya
"Boss tignan mo mukhang paalis na sila!" sigaw nito
Naglakad naman ito papunta sa direksyon nila Maddie. Lahat ay nagulat sa susunod na pangyayari.
*Pak!
----
Napatulala si Maddie ng makita nyang nakatingin sa direksyon nila si Ken.
"Hey Mads, are okay?" tanong ni Bea
"Ah. Oo napagod lang siguro ako!"
"Gusto mo umuwi na tayo?" wika si Bea tanging tango lang ang sinagot ni Maddie
Paalis na sila ng biglang--
*Pak!
Napaupo sa sahig si Bea dahil sa lakas ng suntok na natanggap nya.
"Bea!" sigaw ni Maddie. Umupo pa sya sa sahig upang matignan ang sugat ni Bea
"What the hell? Ano bang problema mo ha Ken?" sigaw pa nito
"Dyan mo ba ko ipagpapalit ha Maddie? Eh weak naman yan e!" sigaw ni Ken. Sa sobrang inis ni Maddie ay akma sya tatayo upang gantihan si Ken pero hinawakan sya ni Bea sa kamay.
"I'm okay!" sabi ni Bea at saka ito tumayo.
"Let's go umuwi na tayo diba pagod kana?!" dugtong pa nito
"Weak ka pala e! Hindi ka bagay kay Maddie!" sigaw ni Ken
Gaganti sana sya pero hinawakan ni Maddie ang kamay nya.
"Hayaan mo na sya!" bulong nito at nginitian naman sya ni Bea.
---
"Ka babae kasing tao nakikipag away!" madiing sabi ni Jho kasalukuyan nyang ginagamot ang sugat ni Bea sa kaliwa nitong labi.
"Aray! Love naman dahan dahan!" sigaw nito.
"Hay naku! Diba tinuruan ka naman ni Tito ng self defense bat di mo ginamit!"
"Lalo pang lalaki ang gulo. Saka baka madamay si Maddie"
"Tinamaan kana sa kanya noh?"
"Huh?"
"Deny pa Bea!"
"Hindi ah! Friend lang kami nun!"
"Sabi mo e!" pang aasar ni Jho at ngumiti ng nakakaloko. "Oh ayan tapos na!"
"Salama Jho!" sabi nito "Pakiss nga." Pang aasar nito
"Hoy Bea umayos ka baka gusto mong dagdagan ko yang sugat mo"
"Dali na love pakiss" pang iinis pa nya at akmang hahalikan si Jho.
Nagulat pa si ng biglang bumukas ang pinto.
---
Holah! Pasensya ngayon lang nakapag UD. Super busy e. :) Thanks for reading.
follow me on twitter @marivicmacho thank youuu.
![](https://img.wattpad.com/cover/45989634-288-k198878.jpg)