Chapter 1

11 0 0
                                    

Tok tok!

Napalingon ako sa pintuan nung may kumatok.

"Good Morning Mam!" Bati sa akin ng nurse.

Nginitian ko lang sya. At inabangan ang susunod nyang gagawin sakin. May dala syang tray para sa gamot ko at aparatong pang sukat ng blood pressure. Itinanaas ko ang kanang braso ko para malagay nya ung aparato.

"130 over 100. Bumaba na po ang BP nyo, mas mabuti kesa kahapon". Nilista nya ito sa dala nyang folder. Pagkatapos inabot nya ung iinumin kong gamot pati tubig.

"Same instruction po mam, after 5 mins ung next na gamot naman."

Nagpasalamat ako at lumabas na sya ng kwarto.

Sanay na ako sa ganito. Araw-araw may papasok sa kwarto ko. Kukunin ang blood pressure ko, susukatin ang heartbeat, iinom ng 6 na gamot. Halos buwan buwan na kase akong pabalik balik dito sa ospital gawa ng sakit ko. At tanggap ko na rin un. Ganun talaga siguro kapag tumatanda na. Lumalala na ang sakit at madalas nang aatake ito.

Bumukas nanaman ang pinto. Nilingon ko ulit kung sino un tapos ngumiti ako.

"Ma." Lumapit sya saakin at niyakap nya ako.

"Anak." Yumakap naman ako pabalik.

"Kailan ka pa na ka balik? Akala ko ba magtatagal ka duon sa Amerika?"

"Ma naman. Nung nabalitaan kong isinugod ka ulit dito sa ospital, dali dali akong bumili ng plane ticket pabalik"

"Wala lang naman ito. Dapat hindi ka nagalala pa. Magiging ok din naman ako."

"Kase naman Ma. Sorang malala ung atake mo ng highblood kahapon. Delikado un. Isa pa may iba ka pang sakit na posibleng magtriger din. Dapat alagaan mo sarili mo."

"Wag ka na magalala, ok na ko. Pano nga pala kayo nyan ng bf mo? Nagkita ba naman kayo? Halos 5 days ka lang nawala dito sa pilipinas."

"Yes Ma. Actually nga kasama ko sya pabalik dito ng pilipinas!". Masayang pagbalita nya.

Maya-maya may pumasok na lalake sa pintuan. May dala siyang isang basket na fruitas saka bulaklak. Matangkad sya, moreno, bilugan ang mata at matangos ang ilong.

Ngayon ko lang sya nakita ng personal. Una ko syang nakilala sa computer. Kausap sya ng anak ko gabi gabi. Magka schoolmate sila nung highschool. Pagkagraduate ng college sa america na sya nagtrabaho bilang nurse.

"Mano po tita. Nice to meet you po in person. Ako nga po pala ulit si Jayden Nicholas." Pakilala nya ng may malaking ngiti sa labi.

"Nicholas??" Pabulong kong nasabi sa sarili ko.

The Best GiftTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon