"Maria Izabelle Romulo!" Nagulat ako ng tawagin ako ng teacher ko. Ubod ng lakas ng boses nya at talagang ume-echo sa buong classroom.
"Yes Mam?" Sagot ko ng may pagtataka. Seryoso ko kasing sinasagutan ang quiz namin. Napaisip naman ako kung ano bang nagawa kong kasalanan at tinawag ako ni mam.
"Gisingin mo nga yang katabi mo! Kanina pa yan tulog! Kunwari pa syang nakayuko at nakatingin sa papel nya! Pero ang totoo nakapikit sya at tulog!"
Sabay sabay na tumingin at nagtawanan ang mga kaklase ko. Agad ko naman syang kinalabit at ginising.
"Pst pst pst" sabay yugyog ko sakanya. "Pinapagising ka nanaman ni teacher sakin. May quiz natutulog ka"
Ibinukas nya ang mata nya. Kinusot iyon. At nagpatulog ng pag sagot.
Aba! Atribido itong lalaking ito. Sya na nga ang ginising ko, hindi man lang ako nilingon o magpakita ng sign ng pagpapasalamat.
"Sa susunod wag ka ng matutulog ULIT sa classroom. Napapagod akong lage kang gisingin. Hindi ka man lang marunong magpasalamat. Pati ako nadadamay" Pagpaparinig ko sakanya.
Hindi nya ko pinansin. Tumayo sya dala ang quiz paper, inabot sa teacher namin at lumabas.
Hay nako! May attitude problem talaga ang lalaking un. Nakakainis!
Maya maya nagbell na. Nataranta ako sa pag sagot sa quiz paper. Nung natapos ko na, tumayo ako at ibinigay sa teacher ko.
"Mrs. Domingo, pwede nyo po ba akong ilipat ng upuan bukas? Kahit saan po. Ayaw ko na po talagang katabi ung lalaking un. Naiistorbo po nya ang pagaaral ko. Kasi lage kong xang binabantayan na wag makatulog."
Naalala ko, nung nakaraang linggo na inutos saakin ni mam na maging obligasyon ko sya. Ako ang kanyang dakilang taga-gising. Kasi pag nakatulog sya at nahuli ni mam lagot ako. Simula nuon hindi na ko mapag-focus sa discusion kakabantay sa kanya.
"Pasensya ka na Iza, hindi kita pwedeng ilipat kasi wala ng bakante na seat."
Nalungkot ako nung sinabi ni mam sakin yon. Kaya nakayuko akong lumabas ng room.
"Maria Izabelleeeeeee!!" Sa tinis palang ng boses nya, kilala ko na agad. Si Mikaela, bestfriend ko.
Lumingon ako.
"Oh bakit Mikaela Caren Ann? Kung makatawag ka naman sakin parang ang layo layo ko sayo"
Dumeretso lang ako ng paglalakad papuntang hallway. Alam kong hahabol naman sya sakin.
"E kasi naman kanina pa kita tinatawag hindi mo ko marinig. Masama nanaman loob mo ano?"
"Kasi naman --" pinutol nya na ung sasabihin ko dahil alam na nya isasagot ko.
"Oo. Narinig ko naman pinagusapan nyo ni mam. Kaya alam ko na dahilan. Ganun talaga siguro. Dapat mo nalang tanggapin na araw-araw mo syang katabi at magiging dakila ka nyang taga-gising ;)"
"Un nga e. Hay naku! Isang buwan palang kaming magkatabi naiinis nako. Hindi ko maimagine na buong school year na ganun ang buhay ko."
"Pagbigyan mo na, transferee. :) O baka un talaga ang role mo dito sa mundo, tiga-gising. XD"
"Nangiinis ka nanaman. Alam mo namang pikon ako. Tama na nga yang usapan tungkol sa kanya. Bilisan natin ang paglalakad baka malate nanaman tayo sa praktis."