PROLOGUE
maraming rason kung bakit tayo pinanganak sa mundo
hindi man natin alam ito. alam naman nating nabuhay tayo dahil may rason
sa buhay natin maraming darating nang hindi natin namamalayan
maraming darating pero aalis rin
matututo tayo mula sa kanila
at ang bawat matututunan natin mula sakanila ay Blessing
darating sa puntong seseryosohin mo ang isang tao
magmamahal ka nang isang taong hindi mo akalaing mamahalin mo. na iisipin mo nalang isang araw na sana noon mo pa sya nakilala.
matututo kang isakripisyo ang isang mahalagang bagay para lang sakanya.. matututo kang magmahal nang TAPAT at TOTOO .. yung tipong kahit ilang beses nya pang masaktan yung puso mo ,magpaparaya ka nalang para lang matapos na.
matututo kang tanggapin ang lahat nang bagay na kung ano at meron ang pagkatao nya.
dadating sa puntong mamahalin mo sya nang higit pa sa pagmamahal nya sayo. IIKOT ang MUNDO MO sa ISANG TAO .. sya ang magiging dahilan nang bawat pag-ngiti at luha mo.ang dahilan nangbawat ngiti sa pag-gising mo.
pero minsan kahit gaano ka pa ka-TOTOO at ka-SERYOSO, darating parin pala sa puntong halos maguho ang mundo mo sa sobrang sakit na mararamdaman mo . Na sa tagal nang pinagsamahan nyo, darating rin pala yung araw na titigil ang ikot nang mundo mo, na darating rin pala yung araw na isang araw gigising ka nalang para sa sarili mo.
Na yung taong AKALA mo hindi ka KAYANG iwan ay mawawala rin pala sayo
at ang pagmamahal na binuo nyo sa mga araw buwan at taon na pinagsamahan nyo ? ay magiging isang ALA-ALA na lamang pala
.. i just want to share my story about my First Love when we were in HighSchool.. Have Fun reading this . thanks .. yUng name pala na gagamitin ko is code name nalang. mahirap magbroadcast heheh. salamat !