Prologue

2 0 0
                                    

"AJ, alam mo yung Corpse party?" Tanong ni Renren kay AJ.

Recess nila kaya free na free ang bawat isa na mag ingay sa room ng RB.

Robert Boyle. Grade 9 section B. Magulo, maingay, pala away, pero team work sa lahat ng bagay. Yan ang RB.

"Ah, yung anime? Yun yung may naputol na kamay sa huli diba?" Naalala ulit ni AJ ang pinanood nyang anime horror semi-movie last year.

"Oh? May naputol ang kamay dun?" Tanong ni Renren dahil di pa nya tapos ang anime semi-movie na yun.

Halatang nadismaya si Renren dahil na spoil na yung pinapanood nya. Sa isip isp nya: "Dapat pala di na ko nagtanong sa babaeng to. Tsk."

"Oo yung lalaki dun na may kapatid. Yung si ano... si... sino nga yun?.. Ah si------"

Pinutol ni Renren ang sasabihin ni AJ dahil baka nga ma spoil na ng tuluyan ang movie na yun.

Sa halip ay umupo na lang sya sa kanyang upuan at pinagpatuloy ang panonood.

Mayamaya ay tumabi sa kanya si Tristan/Tano.

"Anong muka yan pre?" Bigla nyang tanong kay Renren dahil nakita nya ang kunot na kunot na noo ni Renren habang nanonood.

Hindi umiimik si Renren dahil naka earphones sya kaya nakinood na lang din si Tristan/Tano sa phone ni Renren.

Maya maya nabored si Tristan/Tano.

"Ha? Di ko nagets yung flow nung story nyang anime na yan." Kamot ulong pagrereklamo ni Tristan/Tano.

"Bobo! Di mo ba nagets? Ung mga magkakaibigan, gumawa sila ng isang ritual." Sabi ni Renren

"Oo, gets ko yung part na yun." Sagot ni Tristan/Tano.

"Kapag ginawa nyo ng matagumpay yung ritual na yun, kayong magkakaibigan ay hinding hindi maghihiwalay ano mang mangyari, kaso kapag may isa man ang nagkamali, mapupunta silang lahat sa ibang dimensyon at dun sila kailangang mag survive para mabuhay." Paliwanag ni Renren na kahit ata anong paliwanag ay di maintindihan ni Tristan/Tano.

Pero sinabi nya na lang na gets nya kahit hindi.

Sa sinuswerte ka nga naman, walang teacher ang RB sa sunod na subject.

Party and rock n' roll to the world ang buong RB.

Nang hindi talaga maka get over tong si Renren ay lumapit na naman sya kay AJ.

"AJ! Natapos ko na yung Corpse party." Proud nyang sabi.

"Oh? Ang ganda no?" Sabi naman ni AJ.

Si AJ  kasi yung tipong lagi na lang busy. Kaya habang kinakausap sya ni Renren ay di man lang nito magawang tumingin sa kinakausap nya.

"Ahm, tara gawin natin yun." Yaya ni Renren kay AJ.

Nagulat naman si AJ kaya napatigil sya ng konte sa kanyang ginagawa.

"Seryoso? Hahaha sige, recruit ka ng ibang kasama." Di naman makapaniwala si Renren sa sinabi ni AJ na seseryosohin nito ang sinabi nya.

Wala naman syang magawa kundi ang sumunod na din dahil wala namang ibang mangyayari kung gagawin nila ang katulad na ginawa nung mga character na anime sa movie na iyon.

Sinama nya si Chey.

Si Chey, ang babaeng mamaw sa Math. Mukang inosente pero sinasabi ko sa inyo na tigre yan.

"Oh bakit naman ako? Dadamay nyo pa ko sa mga katangahan mo!" Tangis ni Chey kay Renren.

"Grabe ka naman. Trip trip lang naman eh." Pumayag na din si Chey.

Dadalawa lang ang na recruit ni Renren. Sina Chey at Tristan/Tano lang. Yung iba nilang kaklase, ayaw nila. Kasi napanood na nila iyon at natatakot silang gawin iyon dahil baka sila magkamali at mapunta sa kakaibang dimensyon.

Nang mag kasama sama na silang lahat....

"Oh? Seryoso? Tototohanin natin 'to?" Sobra sobra na ding naguguluhan at natatakot si AJ. Natatakot din sya sa posibleng mangyari. Dahil ayon sa mga pinagaralan nya ay totoo daw iyon, pero sabi naman sa libro nyang nabasa ay di daw yun totoo. Bahala na. Iyon ang nasa isip nya.

"Ano ba to?" Naiiritang tanong ni Chey. Sa dinamidami nga namang irecruit ay bakit si Chey pa. Di talaga nagiisip ng maayos tong si Renren. Di kasi alam ni Chey ang movie na iyon kaya wala talaga syang kaalam alam dun.

"Ito yung blah blah ever chant." Isa pa namang tatanga tanga tong Tristan/Tano. Wala din syang kaalam alam sa maaaring mangyare.

Tanging sina Renren at AJ lang ang kabadong kabado at takot na takot dahil sa posible ngang mangyari sa kanila. Napakalaki nilang tanga. PRAMIS!

Kumuha ng papel si AJ at pinunit ito ng hugis tao.

Sabay sabay nila iyong hinawakan. Ngunit bago nila gawin ang ritual---

"Simple lang ang mechanics. Apat na beses ninyo sasabihin ang mga pangalan natin. Kunwari ako: Aj, Renren, Tano, Chey, Aj, Renren, Tano, Chey, Aj, Renren, Tano, Chey, Aj, Renren, Tano, Chey. Pagkatapos mong magawa yan, pwede mo nang higitin ang papel na hawak hawak mo. Ang napunit mong papel ay itatago mo lang at iingatan para maging magkakasama sama tayo forever, okay?" Kahit di gets nina Chey at Tano, umoo na lang silang dalawa.

Pumikit ang bawat isa.

Nagbibilang sa kanikanilang mga isip.


Nagpapakiramdaman ang iba,



Yung iba focus na focus sa pagsasagawa ng ritual.



Nang ilang minuto ang nakalipas,


Bumitaw na si Tristan ang kinuha at papel na punit nya. Sunod si Chey, sunod si Ren ren at huling huli si Aj.

At natapos nila ang BLAH BLAH EVER CHANT....

Corpse RBTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon