"How many times I'm going to tell you na ayoko pang magbuntis?!!"Galit na galit na pahayag ni kate sa kanyang asawa na si Nicholas..
"Damn that promotion Katherine!!!baka nakakalimutan mo?I'm your husband at obligasyon mong bigyan ako ng tagapag-mana..a heir na balang araw ay siyang magpapatuloy ng apelyidong Montejo"...galit na ding pahayag na turan ni nick
"Look Nick,alam mo naman na sa simula palang matagal ko ng pinangarap na mapromote as executive vice-president ng kompanya..Try to understand -
"No! you can't fool me Katherine,wag na tayong maglokohan pa.bakit di mo na lang aminin na your just doing these para may mapatunayan ka sa lolo mo!.."si Don Alejandro Mondragon ay isang matandang walang kabilib bilib sa kakayahan ng isang babae.Para dito ay ang mga kababaihan ay nilikha para lamang manatili sa bahay at magsilbi sa kanilang mga lalaking asawa.ito ay ama ng kanyang daddy na wala ng ginawa kundi ang bigyan ng sama ng loob ito sa kadahilanang di ito nabigyan ng lalaking apo ng kanyang noo'y paboritong anak at panganay na si Alberto Mondragon,ama ni Katherine, na wala ng ibang inisip kong pano mapaluguran ang matanda.
"Pinagbigyan na kita,for 3 years nagtiis ako...At sa tatlong taon na yon naging mapagunawang asawa ako.Damn!ni di mo lang alam kung gaano kalaking pagintindi at pasensya ang ginawa ko sa nakalipas na mga taon para lang ipakita sayo na sinusuportahan kita sa mga ginagawa mo kahit na parang nakakalimutan mong may asawa ka na at yon ay dahil mahal kita..at sa tuwing magsisiping tayo lagi mo na lang pinapaalala sa akin kung kelan ka safe at hindi na para bang isang malaking kasalan kung mabuntis kita,ako na sarili mong asawa.."
Mahabang turan ni nick,kasalukuyang pababa sila ng hagdan sapagka't pinagluto niya ito ng breakfast dahil bibihira na lamang niya itong makasabay sa pagkain dahil wala na itong ibang binigyang prayoridad kundi ang trabaho nito at ang kompanya.ang malambing na paggising dito ay nauwi sa isang pagtatalo ng subukang tangkain ulit ni nick ang usapan tungkol sa pagkakaroon ng anak..
Nasa hapag na sila..
Bumuntong hininga na lamang c kate..ininom ang kanyang gatas at tahimik na sinimulang kainin ang kanyang almusal.Aminado sa kanyang pagkukulang.Matagal nang gstong magkaroon ng anak ni nick ngunit dahil sa kanyang pagpupursige na may mapatunayan kay Don Alejandro,na kanyang lolo ay di niya mapagbigyan ang asawa sa nais nito.Sa isip niya ay malaking hadlang lamang ang pagkakaroon ng anak sa kanyang mga plano at ambisyon..
"Ilang beses na din akong tinatanong nina mama kung bakit ba daw hanggang ngayon ay di ko pa din sila mabigyan ng apo..nasasabik na daw sila dito!"..medyo nagtitimpi pero may diing sabi pa ni nick."At sa tingin mo ba may lakas ako ng loob na sabihin sa kanila na kaya di natin sila mabigyan ng apo kasi ang magaling kung asawa ay wala ng ibang inisip kundi ang lintik na kompanya ng lolo niya!.."
"Please Nick alam mo naman kung gaano ko inasam noon pa na maabot ang kung anumang posisyon ang maaring ipagkatiwala ng lolo sa akin.."
May sasabihin pa sana si Kate ng kunin ni Manang Fe ang pansin ng asawa at akmang may sasabihin dito habang hawak ang telepono..
"Ah iho si Dr.Quirino, gusto makausap ang asawa mo."..
Napakagat labi na lamang si Katherine.Alam niyang mas lagot siya sa asawa sa kadahilanang ang tumawag ay ang kanyang OB/GYN.Si Dr.Alma Quirino.ito ang nagmo-monitor ng kanyang ovulation.
"Manang Fe akin na po ang telepono"..sabay abot dito.Matamang tinitingnan siya ng asawa..
"Hello,si Architect Nicholas Montejo po ito, asawa ni Katherine maari ko po bang malaman kung para saan ang pagtawag na ito sa ganito kaagang oras?..tanong ni Nick sa kabilang linya habang nakatingin sa reaksyon ng asawa na ngayon ay halatang tensyonado at di mapakali..
"Nick let me talk to her please.."si Kate na sinusubukang kunin ang telepono sa asawa.
"Ah,mangyari po lamang Architect Montejo ay gusto ko sanang ipaalala sa inyong may-bahay na ngayon naka-schedule ang pagturok sa kanya ng injectibles"..
"Injectibles?naguguluhang sabi ni Nick.
"Injectibles,yon po ay isang pamamaraan na ginagawa upang di magdalang-tao ang isang babae.Sa madaling sabi ay isa itong uri ng contraceptives.." patuloy pa din sa pagsasalita ang doktor sa kabilang linya ngunit wala na siyang naintindihan sa mga sumunod na sinabi nito.Sa ngayon nakatuon ang nagliliyab niyang mata sa asawang kaharap..Puno ng galit ang bumabalot ngayon sa pagkatao niya..Ngayon ay maliwanag na sa kanya kung bakit kanina pa di mapakali ang asawa nong sabihin ng katiwalang si Manang Fe kung sino ang tumawag at gustong kumausap dito..Patawarin siya ng Diyos baka kung ano magawa niya ngayon sa asawa..
-----------------------------------------------==================---------------------------------------------------
Authors Note:
Ako po ay isang baguhang manunulat..Mangyari ay naisipan kong gumawa ng account dito sa wattpad upang mabigyang katuparan ang pangarap kong sumulat ng isang kwento ng pag-ibig.Ang aking mga gawa ay balak kong isulat sa paraang nasa tingin ko ay mas mapapadali kung ito ay,ang kabuuan ng kwento ay gumagamit ng salitang tagalog.
Ito lamang ay ang panimula.kapag nakita kong nagkaroon kahit ilang nagbasa dito ay akin itong ipagpapatuloy..
Ang pagboto,pag-komento ay malugod ko pong tatanggapin..
mabuhay kayo..