Nagsukatan ng tingin ang mag-asawa.
Akmang may sasabihin pa si Nick ng may marinig silang bumusinang sasakyan sa labas.
“Kate! I'm here”…si Selena,ang matalik na kaibigan ni Kate,marahil ay pinapasok na ito ng guwardiya sa labas dahil halos kilala na din ito ng buong trabahador ng mansyon.Tuloy-Tuloy na itong pumasok dahil sa kinasanayan na nitong pumunta doon.Magpapasama sana si Kate dito para pumunta sa kanyang doctor.
“Pasensya ka na kung napaaga ako ng dating.Si Alex kasi—Oh,Nick andito ka pala?Akala ko nasa Bukidnon kayo for your project?
“Excuse me.”sabay tulak ng upuan ni Nick para tumayo at walang sabi sabing umalis..
“Huh?Anong nangyari don?”nagtatakang sabi ni Selena…
Samantala…
Habang nasa sasakyan sila ay naikwento na nga ni Kate sa kaibigan ang naging pagtatalo nilang mag-asawa kaninang umaga.
“Ikaw naman kasi bess eh,bakit ba kasi hanggang ngayon di ka pa din pumapayag sa gustong mangyari ni Nick?Dont you think it's about time na pagbigyan mo naman sa nagyon ang asawa mo?Sige ka,ikaw rin baka maghanap yon ng ibang babae na willing magbigay sa kanya ng tagapagmana?Bagamat nakatuon ang mata sa kalsada ay nakuha pa ding magkomento ng kaibigan..
“Pero alam mo naman diba kung gaano ko kagusto ang mapansin ng lolo.Ilang taon din akong nagsumikap para lang patunayan sa kanya na di hadlang ang pagiging isang babae ko sa ikauunlad ng kompanya.Gusto ko lang naman bigyan niya pa ako ng kahit konti pang panahon bago ko magfocus sa pagiging isang ina ”
“Nandon na nga ako,pero sana naman maisip mo din may asawa ka ng tao.Hindi puro ang lolo mo at kompanya na lang lagi ang pinagtutuonan mo ng pansin.Hindi natin alam kung hanggang kailan makapagbibigay ng pangunawa ang asawa mo para lang intindihin ka”hindi na lamang nagsalita pa si Kate,gaya ng asawa niya may punto rin ito.May tampong gustong kumawala sa kanyang dibdib para sa kaibigan dahil parang mas kinakampihan nito ang kanyang asawa kaysa kanya na bestfriend niya..pinili na lamang niyang manahimik .
Nakarating na nga sila sa St. Lukes MC..Sinalubong sila ng isang pamilyar na nurse.
“Ma'am Katherine,pagpaumanhin niyo po pero pinapasabi po ni Doktora Quirino na pasensya daw po kung di siya makakaharap ngayon sainyo for your schedule.Bigla po kasing may dumating na emergency call galing probinsya nila ilang minute lang po ang nakalipas bago po kayo dumating.
“Bakit?anong nangyari?
“Ah,maam yong mother po ni doktora bigla na lang daw po inatake sa puso.’Pero binilin po ako na irefer na lang po kayo kay Doktor Jimenez para siya na lang daw po ang gagawa ng suppose to be na pag-inject po sainyo.”
“No it's ok nurse Jen,di na kailangan.Just inform me na lang kung nakabalik na si Doctor Quirino.Ok?
Wala ng nagawa ang nurse kundi sundin siya.Sa totoo lang kasi parang nag-aalinlangan siyang iconsider ang pagpapatingin sa ibang doctor kasi sa babaeng doktora lang siya ganon kakomportable.Tama,hihintayin niya na lamang itong bumalik.Siguro naman di ito magtatagal doon.
Sa kabilang dako..
“Elisa?!!” mainit na ulong tawag ni Nick sa kanyang sekretarya.
“Sir?
“Sinong nagsabi na lagyan mo ng cream ang kapeng pinatimpla ko sayo?Di ba ang sabi ko walang cream at asukal?Bakit ba simpleng utos di mo magawa ng maayos?!!”
“S-Sir p- pasensya na p-po kayo….”halatang kinakabahan at nakayukong turan ng kawawang sekretarya.
“i-Ipagtitimpla ko na lng po kayo..
Bigla naman parang nahabag si Nick sa sekretarya.Maging ito ay nadamay sa init ng kanyang ulo.
“Tsk.Tsk.Someone is having a bad day here..Pare aga naman kumulo niyang ulo mo.Relax di ka na naawa don kay Miss Montes.”tukoy ni Will sa sekretarya ng kaibigan.
“Kasimpleng instruction di pa magawa”..si Nick na kasalukuyang nakatutok sa mga plano na nasa harapan niya.
“Hmm..hulaan ko pare,tungkol na naman ba ito kay Kate?biglang nag-angat ng mukha si Nick sabay tingin ng masama sa kaibigan.So far,nahuhulaan niya na kung ano ang dahilan ng pag-iinit ng ulo nito sa ganito kaagang oras.