Hey. Alam ko matagal na, simula nung araw na yun,
yung araw na nakilala kita. Ang bilis ng panahon no?
Parang dati lang, ako yug yakap mo, yung yakap mo kapg umiiyak ka.
Yung lagi mong kasama lalo na pag kalokohan.
Ako yung taong sinasandalan mo kapag nalulungkot ka, kapag inuulan ka ng problema.
Tanda mo pa ba? Yung mag aagawan tayo sa gitara pero dahil sa lagi mong nakukuha, ikaw ang palaging kumakanta.
Ang bilis.. Ang bilis namannung araw na sabay pa tayong gagala. Yung sabay tayong aakyat sa bubong at papanoorin yung bituin na kumikislap.
Naalala mo pa ba nung kwe-kwentuhan mo ako ng mga drama mo sa buhay anggang sa maiyak ka nalang? Nakakatawa mang isipin pero sino nga bang mag aakala na iyakin ka pala? Haha.
Uhugin ka palang, kilalang kilala na kita. Ultimo brand ng pabango mo alam ko.
Naalala mo pa ba pag inaasar kitang matanda kasi ang tapang ng pabango mo? Hahaha.
Ang saya talaga balikan.
Wala ng lumabas sa mukha ko kundi ngiti lalo na pag naaalala kita..
Ang saya mo na nga pala no? Sana maging masaya ka ng lubusan sa kanya, Sana mas maging maayoska sa kanya, Magpakabait ka sa kana ah?
Oo alam ko.. Alam ko.. Bumabagsak nanaman ang traydor na luha ko.
Sana wa ka niyang piyakin. Kasi ayokong nasasaktan ka..
Nga pala, sobrng salamat sa lahat ah? At humihingi rin ako ng tawad kung nasabi ko yung totoong nararamdaman ko sayo.
Sana tinago ko nalang.. Sana masaya pa tayo..
Pero ayos lang, magiging masaya rin ako..
Hindin man ngayon pero alam kong darating yung araw na yun.
Yung araw na hinding hindi na ako mabubuhay sa nakaraan
BINABASA MO ANG
That Was Before (One Shot)
FanficI tend to live in the past.. Because most of my life is there.