May mga tinig akong naririnig, mga tinig na gumigising saakin.at sa pagdilat ng aking mga mata ay kadiliman lamang ang aking nakikita. lumalakas ang mga tinig na kanina lamang ay mistulang mga bulong. sumisigaw na sila hindi lamang sa aking tenga kundi pati narin sa ibuturan ng aking puso. Sumigaw ako "sino kayo! mag pakita kayo saakin!!" bigla bigla ay lumamig ang paligid may mga mabibilis na ihip ng hangin. Natatakot ako pero pilit kong nilabanan ito. Malamig ang pawis, nanginginig na mga kamay at tuhod. Patuloy ang pag sigaw ng mga tinig. Sumigaw ako ulit "Sino kayu, Magpakita kayo". Unti unti ay nawala ang mga tinig. Kasabay ng pag hupa ng mga ito ay Lumiwanag ang kwarto. Nawala na ang kadiliman, Kinuha ko ang upuan sa lamesa at umupo sa harap ng salamin. Bumukas ang pintuan. lumapit ang nurse saakin at inabot ang sinasabi nilang gamot. Nilunok ko ang gamot, ngumiti ang nurse at may ibinulong saakin. " wag kang matakot, kami lang iyon".
Sa pag alis ng nurse ay pumikit ako, At muli bumalik ang mga tinig at kadiliman.
BINABASA MO ANG
Kawalan. (Some Short Stories)
Short StoryMga maiikiling kwento na ginawa ko sa kung saan saang sulok ng aming bahay. Sana eh mapag tripan nyu basahin. Un lang. Wala eh.