LRT Loneliness

74 1 0
                                    

Para sayong nagbabasa nito at handang makinig sa kwento ko .

Sumusulat ako ngayon dahil ilang oras na akong naghihintay dito ng tamang LRT. Punuan kasi ngayon. At sumusulat rin ako dahil gusto ko sanang ilabas lahat ng nararamdaman ko.

Alam kong may mga sarili karing problema, pasensya na kung idadamay pa kita sa problema ko. Kaya nag papasalamat na agad ako sayo sa pakikinig mo sa akin. :)

Nag simula ang lahat kahapon. Birthday ng papa ko, syempre may kainan at hindi mawawala ang inuman. Masaya silang lahat at syempre masaya rin ako, hanggang dumating na yung point na lasing na sila papa at mga kainuman nya.

Tinawag nya ang kapatid ko, Matalino ang aking kapatid kumpara sa akin...kaya syempre eh pinagyabang ito ni papa. Lahat ng awards, Top, at mga sinalihan nitong contest na pangmatatalino lang eh pinag yabang ni papa. Syempre na iingit ako dahil kahit kelan hindi ko nakita si papa na proud sa akin o kaya'y ipagyabang sa mga kaibigan nya.

"eh pre swerte ka pala dyan sa anak mo" sabi nung isang kainuman ni papang nag sisigarilyo. "abay oo naman, ito ata ang pag-asa namin" sabay ngiti sa kapatid ko. "pano yung isa mo, yung panganay?" Nagtanong yung isa pang kainuman nya.

Ako yun. Kinabahan ako kung ano ang sasabihin ni papa. Papatawag nya rin kaya ako at ipagmamalaki? pagkakataon ko na siguro yun...pero nagkamali ako.

"ah yun? sus walang mararatinh sa buhay yun" sabi ni papa.

Pakiramdam ko noon ay binagsakan ako ng langit at nilubog sa impyerno. Kumirot ang puso ko, parang kinukurot ito...sa sobrang sakit gusto ko nalang maging manhid at walang pakiramdam.

"grabe ka naman pre"

"totoo naman eh, wala ngang naibibigay na award yun para sa pamilya namin. Magiging tricycle driver lang yun" sinabi ni papa ito na parang tuwang tuwa pa sa sinasabi nya.

Tumakbo ako papuntang CR, binuksan ang gripo...sinara ang pinto at umiyak. Hindi ko alam kung bakit nasabi ni papa iyon. Hindi ko rin alam kung minahal nya ba talaga ako bilang anak. Umiyak lang ako ng umiyak sa CR. Mas nilaksan ko ang gripo ng walang makarinig.

Lumabas ako ng CR. Magang maga ang mga mata. Tumakbo ako pabalik sa kwarto. Blangko ang pagiisip ko. Wala na akong mailuha pero nanatili ang sakit na nararamdamam ko. Pinatay ko na ang ilaw at Natulog na.

Maaga akong nagising kanina, pero nanghihina parin ako kaya na late ng pagpunta rito. Kaya ngayon hinihintay ko nalang ang susunod na Tren.

Mahal ko ang ama ko kahit ganun sya. Mahal ko rin ang kapatid ko di nya naman siguro kasalanan na naging matalino sya. At syempre ang nanay ko, Ang nanay kong laging nandyan para umalalay sakin, kaso wala na sya. Hindi na bale dahil mamaya-maya lang sa pagdating ng susunod na tren ay magkikita na kami.

Kawalan. (Some Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon