Hello guys, first time ko po ito. I hope magustuhan nyo. And alam ko maraming makakarelate dto. Specially girls. So eto na :) Enjoy, Godbless! :))
Sabi nila, wag ka daw papasok sa isang relation kung hindi kapa handa at kung bata kapa. Pero sabi nman ng iba, age does'nt really matter pagdating sa LOVE. Ano nga ba ang LOVE? For me, it's just a WORD. Yeah, word na nararamdaman ng bwat isa satin. Lahat namn tayo nakakaranas ng LOVE sa family,friends, at kung sino man sa paligid natin. Pero ano nga ba ang LOVE sating mga teenager? Para sakin kasi ang LOVE ay yung kusang dumarating ng hindi mo inaasahan. May iba kasi satin, tunay na DAW pero pag-nagtagal hindi naman talaga.
-IDEAL MAN-
Tayo kasing mga babae may sari-sariling IDEAL MAN. Aminin mo man o hindi MERON YAN :) Hindi nman masamang magkaroon ng IDEAL MAN diba? Pero alam mo yung MALI? Ang umasang MAKAKAHANAP ka ng SAKTO tulad ng IDEAL MAN na gusto mo. Karamihan sating mga babae, gwapo, mayaman,matalino,mabait,maalaga,sikat,matangkad,maputi,hot,heartrob,wlang bisyo at kung ano pa ang gusto sa isang LALAKI. Pero ate, HINDI PAGWAPUHAN,PASIKATAN,PATANGKARAN o PAPUTIAN ang labanan sa LOVE! Prangkahan na ha, IPAPARADA mo lang ba BOYFRIEND mo, masabi mo lang na "May boyfriend ako!"? Wag ganun. Kasi ang tunay na LOVE hindi man sya yung IDEAL MAN mo pero NAPAPASAYA ka nya. Sa tingin mo yung IDEAL MAN mo TYPE,GUSTO o MAHAL kadin nya? Syempre hindi, madalas nalang nangyayari yun na yung IDEAL MAN na gusto mo e matatagpuan mo. Kadalasan sa Fairytale o sa mga palabas nalang ng Tv nangyayaari yon. Hindi naman kasi lahat ng LALAKI PERFECT. At di naman lahat ng GUSTO mo e MERON. MERON nga pero kaya kabang MAHALIN?
Kung ako sayo, magmahal ka ng TAONG kaya kang TANGGAPIN kung ano at sino kapa. Yung taong kahit hindi sya yung IDEAL MAN mo pero lahat ng positive attitude nasa kanya. Yung lalaking kahit hindi kagwapuhan,mayaman,sikat,katangkaran o kaputian eh masasabi mong "The One" Yung lalaking kayang magantay sa tamang panahon marinig lang yung "OO" mo. Yung taong malalaman mong "DESERVING" para sayo. Yung taong gagawin ang lahat mapasaya lang ang araw mo.
-HEARTACHE-
Tayong mga babae nakaranas na ng ganto. Yung tipong NAPAKASAKIT. Oo, masakit pag nasaktan, malamang kaya nga NASAKTAN kasi masakit. Kaya MASAKIT kasi NAGMAHAL ka. Wala namang nagmamahal na hindi nasasaktan e. Kahit itanong mo pa sa MAMA,PAPA,ATE,KUYA,TITA,TITO,PINSAN,NINANG,NINONG,LOLA,LOLO at sa angkan mo lahat sila nasaktan na dahil sa LOVE. Pero beyond that MASARAP talaga magmahal.
May iba't ibang paraan kung paano tayo nasasaktan. Kadalasan ganto,
KALA MO SYA NA, PERO HINDI PA PALA- Yung tipong halos isang taon kang hindi nagBF/GF after nung past relation mo kasi kala mo sya na. Yung tipong UMASA ka talaga na SIYA na nga talaga. Yung tipo na niligawan ka nya, na pinaparamdam nya na parang sya na talaga yung inaantay mo tapos pag kayo na WALA na, pina"OO" ka lang niya tapos WALA LANG? Parang hindi kayo, wala na siyang time sayo, di nagtetext o nagmemsg. sa fb? Pagkaganyan, BREAK na. Ginagago ka lang nyan teh!
Sa mga nanliligaw naman- kung feeling niyo e pinahihirapan kayo ng mga BABAE e wag kana magtaka. Kaya nga nanligaw kayo kasi may mga CHALLENGES talaga kami sa inyo. Pero kung yung BABAE e wagas ng MAKACHALLENGE sa inyo STOP na kuya! Haha HINDI KA NYA TYPE, MASAKIT? Pero yan ang totoo e. Hindi ka nya papahirapan ng ganyan kung may Feelings din sya sayo. Sayang EFFORTS. May mga babae talagang PAASA at hindi nakakaappreciate ng EFFORTS. Yung tipong MANHID! Kung ako sayo STOP na kuya, hanap nalang ng mas DESERVING sa EFFORTS na kaya mong ibigay. :) Marami naman iba dyan ah.
LESSON- Wag umasa agad-agad. Kasi pag UMASA MASAKIT ang dulot nyan. AT TANDAAN!!!! Hindi lang siya ang BABAE o LALAKI sa mundong ito. Meron pang MILYON-MILYONG BABAE o LALAKI na makikilala mo. :)
-RELATIONSHIP-
Hindi lahat tayo may karelation. Teka, ano nga ba ang RELATIONSHIP? Para sa akin kasi, ang relationship ay binubuo ng dalawang tao(malamang). Dalawang tao na may DIFFERENCES. Yung BABAE at LALAKI. Yung tipong dahil dito natuto kang MASAKTAN. Kasi para sa akin ang tunay na nagmamahal NASASAKTAN yan. Yung tipong kahit ilang beses ng NASAKTAN hindi parin titigil kasi nga NAGMAMAHAL. Babae at lalaki kadalasang magkarelasyon. Yung tipong may commitment. Kasi may iba satin tinatawag na RELATIONSHIP yung M.U(MALANDING UGNAYAN,mamaya paguusapan natin yan. :)) Hindi RELATIONSHIP tawag dyan, RELATIONSHIT! XDAng RELATIONSHIP may patutunguhan yan, kasi maligaw man ng ilang beses mararating din nila yung RIGHT DIRECTION. Ang RELATIONSHIP, hindi matatawag na RELATION kung wala ang SELOSAN FACTOR, AWAYAN FACTOR at kung ano pa. Nagkakaroon din ng PROBLEMA ang isang RELATION o RELASYON, kasi dito makikita o mapapatunayan kung gaano KATIBAY o KASOLID ang tinayo nyong RELATIONSHIP. Kaya kailangang kailangan na may kanya kanya kayong partipasyon sa RELATIONSHIP na tinayo o binuo nyo. Hindi naman pwede na IISA lang ang LALABAN kung sakaling magkaroon ng PROBLEMA. Kailangan kasi, DALAWA kayo. Sabi nga sa soldier's code "Whatever happens, NEVER LEAVE YOUR PARTNER!" Kai pagdating sa RELASYON kailangan ISA kayo. Yung tipong dalawa kayo pero kaya nyong maging ISA. Yung tipong lalabanan nyong MAGKASAMA yung problema.
Eto muna, I hope nagenjoy at nagustuhan nyo to. :) Godbless! :*
