Trizzia's POV
Pagdating na pagdating ko sa school as usual yung mga student payabangan nanaman sa kanilang mga pagmumuka na puro naman retoke. Hahaha.
Dinaanan ko nalang sila at dumiretso na sa bulletin board para tingnan kung anong section ako. Pagdaan ko sa kanila naamoy ko ang mga retoke girls. Amoy tae putspa. Hahaha. Dedma nalang ako at nagpatuloy na sa bulletin board.
Section A
Marjuan Trizzia Seizly Shamir
Notela Nympha
...
...Aaaaa! kaklase ko si Nympha!. Hahaha.
Pero may isang pangalan na nakatawag pansin sa akin. Si Laurence Jeinz Scott. Adviser namin? OMG!! Hahaha.
Siya yung teacher na inii'stalk ko lagi. Hahaha. Crush na crush ko tong teacher nato. hihihi.
"HOY!"
"Ay kabayo ka!"
Si Nympha pala. Hahaha. Nakakagulat tong babae nato. Pero namiss ko tong bespren ko nato. Kahit muka syang kabayo. Pero joke lang. Hahaha.
"Oy bes! Parang nakita ko dito yung JejeStalker mo?"
"Ha? Sinong jejestalker ba?" Takang taka kong tanong.
"Si Julius"
"Ah. E baka naman nag-apply na janitor dto girl."
"Baka. Hahaha. Tara na bes sa room at Iniintay kana nang crush mong teacher."
"Yeah right!"
----
"GoodMorning Class!"
"GoodMorning Sir!"
At sabay sabay pa sila sa malanding tono na ganyan. Lalo na yung mga retoke girls na nakita ko kanina. Dinaig pa nila yung eraser sa board na namamagipak sa puti ang muka.
"Oy lande akin si sir" sabi ni retoke #1
"Akin sya no!" sagot naman ni #3
"Tumigil kayong dalawa! Akin sya at walang makakapigil saken!"
pagkontra ni retoke #3
Mukang napikon itong si #1 at sinampal si #2.
*PAK!*
"Ouch yung iloooooong kooooo!"
Kitang kita ng buong klase ang pagkalaglag ng ilong ni #2 Hahaha.
Mga retokada talaga jusme!
Tumawa ng malakas si #3 na syang kinainis ni #2 at hinampas nito si #3
*BOOOGSH!*
"Maw! Myung ngimin ngo."
Tawanan ng malakas ang buong klase. Pati si sir e tawa ng tawa.
E pano naman halos pati gilagid nya nalaglag na sa lakas ng pagkakahampas ni #2
at nagkabarugan na ang tatlong bruha.
- - -
Habang nagdidiscuss si Sir walang pumapasok sa isip ko dahil sa kapogian nya.
"PPT" 'yan ang tawag ng mga kakalase ko sa kanya.
Poging Poging Teacher daw. Mga bruhilda talaga.Maaga kaming idinismiss ni sir kaya nauna na kong umuwi kay Nympha. Bago ko umuwi dumaan muna ko sa park at tumambay panandalian.
Habang nakaupo ako at nagmumuni muni ay may isang lalaking tumabi sa kinauupan ko.
Nakablack t-shirt sya na may nakasulat na "NEVER GIVE UP"
at naka colored pants na red.
"Baduy naman neto. -,-" Bulong ko.
"mIsS?? mAy SinAshavii khA??!,,"
Ay takte kajejemon! Teka parang pamilyar tong lalaki na to?
Tama!! Eto yung jejestalker ko. Jeje nga talaga.
Siya si Julius Pauloh Dimakatarungan.....
(A/N: At ayan! nagmeet na ang Jeje at mejo pabebeng si Trizzia. Ano kaya mangyayari sa dalawa na'to. Let's find out.)

BINABASA MO ANG
Ang Boyfriend kong Jejemon
Humor"Love is Blind." 'yan ang pananaw ko pagdating sa pag-ibig. Kahit ano pang sabihin ng iba pagdating sa pag-ibig, para sa akin perfect sya. Mahal ko siya, Ipaglalaban ko sya, At mamahalin ko sya. Kahit na Jejemon pa sya. I will let you guys witne...