TGIH #4

117 8 0
                                    

Chapter 4 – Oh God!

 Kim's P.O.V

*sigh* Ang corny naman. Nasa classroom ako ngayon. At nagtuturo nanaman ang 'aking hatest professor, walang iba kungdi si Sir Panot. Ang boring niya mag turo 'e. Mahina pa minsan yung boses, pero pag yan nagalit ewan ko lang gaano kalakas yung bunganga niya.

"ahh! sheep!"

Sheep sumasakit nanaman ulo 'ko. Kanina pa toh 'e. Pinipilit ko lang talagang makinig saaming prof. Habang pinipigilan ko yung sakit ng aking ulo ay may bigla akong nahagip na nakatingin saakin.

Carl's P.O.V

Sa totoo lang simula nung pumasok si Kim sa classroom 'namin, may nahahalata akong kakaiba sakanya. Oo, magkaklase nga po kami ni Kim matalino ren kaya ako, top student ren kasi ako. Ang wala rin pong nakakaalam na nakatira kami sa iisang bahay maliban lang sa mga matatalik na kaibigan namin. Baka kasi mapagkamalan kaming mag-asawa o arranged marraige. 

Habang nagtuturo si Sir Panot[panot naman talaga yun 'e] ay sumusulyap ako kay Kim, kanina pa kasi siya hawak ng hawak sa may ulo niya at parang bumubulong. Siguro sumasakit ulo niya o may iniisip lang siya. Sinusulyapan ko siya nag tama ang 'aming mga mata. 

Naka bakit-ka-tumitingin-saakin look siya saakin. Samantalang sinagot ko rin siya ng bakit-ikaw-ba-tinitingnan-ko look ko with taas kilay effect pa. HAHA. Nag titigan lang kami, ayaw kong ako ang unang umiwas baka kung ano isipin 'niya. At yun siya ang unang umiwas. HAHA weak, joke.

Nagulat ako ng biglang tumayo si Kim, at dumertso sa harapan. Lahat ng mga kaklase ko nagtawanan. Pero ako hindi, bakit kasi ang tanga tanga niya, ayan tuloy napagtawanan siya. 

Kim's P.O.V

Psh, Ang sakit talaga nung ulo kaya, umiwas na ako ng tingin. Kung hindi lang masakit ulo makikipagtitigan pa ako sakanya ng matagal 'e. Bahala na lang siya sa buhay niya.

Tumayo na lang ako kasi kanina pa sumasakit ulo 'ko. Pumunta ako sa harapan para mag paalam kay Sir Panot nag magc-cr ako ng biglang nagsi-tawanan ang mga kaklase 'ko.

Humarap ako sa likod upang makita yung mga kaklase 'ko. Lahat sila tumatawa maliban lang kay Carl at ang Ebeb 'ko. WTF, ano bang meron?! 

Pinatigil ni Sir Panot ang aking mga kaklase 'ko.

"Quiet guys! quiet! Ms. Samysoon, pwede bang mag CR ka na muna mukhang may dalaw ka 'e." sabi ni Sir.

Eh!? Tiningnan ko yung pants ko sa likod at meron nga ako. Kaya pala kanina pa sumasakit ulo 'ko.

Lumabas na kaagad ako sa classroom namin. Feeling ko ang pula 'ko, kakahiya nman kasi. Lalaki pa yung prof namin, ang wrong timing naman.

Dumertso kaagad ako sa locker ko at kumuha ng alam niyo na at extra pants. Nagdadala kasi ako nun incase of emergency tulad ngayon. Pumunta na ako sa CR ng mga babae at dun nagpalit.

Habang nagpapalit ako, biglang may nagbuhos saakin ng tubig. Hindi lang yun basta tubig, kundi sobrang lamig na tubig. Nanigas ang boung katawan ko at nanghina, feeling ko matutumba ako ng wala sa oras. sheep. Oh God please, somebody help me.

*to be continued

~ o ~ o ~ o ~ o ~ o ~ o ~ o ~ o ~ o ~ o ~ o ~ o ~ o ~ 

Okayyyy. So super short at lame noh? Ewan ko biglang nawalan ako ng idea ee. =))) pero atleast nag UD paren ako! HAHAHA. I’ll try kung makakapag Update ako bukas ;)

-Park Ji Ae

Thank God, It's Him (•‿•) ♥ H I A T U S ♥Where stories live. Discover now