Ano kayang problema nung mengay na yun? Kaasar lagi nalang Francis ng Francis Nandito naman ako! – Napapakamot nalang ng ulo si tisoy kapag naiisip niya si Francis.
RJ! RJ! Baby buti nalang nakita kita! Tara na samahan mo naman ako sa mall! – Kumapit nang mahigpit ang babae sa braso ni tisoy.
Ano ba leah, Pwede bang layuan mo ako. Hindi ako pwede ngayon at marami akong gagawin.
Dali na! Saglit lang naman!
Hindi nga pwede.
Tse! Pakipot ka pa! Akala mo hindi ko alam na pinopormahan mo si meng!
Ssssh! Sssh! Ssssh! – Biglang nataranta si Rj
Oh diba tama ako! Eh di hamak naman na mas maganda ako kesa dun ah!
Manahimik ka nga leah! Mamaya may makarinig sayo! At isa pa Hindi totoo yung sinasabi mo! Bahala ka na nga diyan. – At iniwan nga ni Rj Si leah at umuwi na siya sa kanila. Pag kauwi niya
Nay?
Oh Rj buti naman at nakauwi ka na, Kumain ka na ba?
Hindi pa nga po eh.
Ay sakto kaluluto lang nang ulam natin, Tara na kumain na tayo.
Kuyaaaaaa! – Lumabas ang isang batang lalaki, 7 yrs old. Cute na mataba.
Oh! Pao pao! Tara dito dali!
Alam mo ba kuya? Nakakuha ako nang star kanina sa school, Very Good kasi ako! Sinusunod ko kasi yung mga sinasabi mo ee! –Pinagmalaki ni pao ang star sa kanyang kamay. Tuwang tuwa naman ang kanilang nanay habang pinapanood sila.
Wow naman, Very good talaga itong kapatid ko. Dahil diyan! Kumain na tayo!
Nay, Ano pong ulam? – Pao
Syempre, Ang paborito nyong noodles!
BINABASA MO ANG
God gave me YOU - Maiden
Teen FictionFAN MADE - Alden Richards / Nico Maine Mendoza - TEEN FICTION SOME PARTS ARE REAL FROM THEIR PERSONALITY AND ALSO FROM KALYESERYE EVEN YOU'RE NOT AN ALDUB FAN YOU CAN RELATE ON THIS VOTE IF YOU LIKE! YOUR COMMENTS ARE WELL APPRECIATED! SHARE THE LOV...