Chapter 2- 1st Anniv

8 0 0
                                    

"Isang itim na Polo, Puting Pantalon, Converse Shoes, samahan pa ng red roses" 

Ayos na.....

Tatlong oras nalang ay magkikita na kami ni Samantha sa paborito namin kainan malapit sa plaza. Ang haba pa ng oras para sa akin. Pero siya, kanina pa nagtetext na mag prepare na daw ako kasi siya ay naliligo na kanina.. Babae nga naman, tagal kasing maligo.. :D

Pagkaraan ng ilang oras ay nagpunta na ako sa aming meeting place, suot ko ang hinanda kong damit, dala ang red roses at kasama ang aking pangharana na kanta.

Habang hinihintay ko si Sam ay nagmamasid ako sa aking paligid.  Puno ang lugar ng mga nag da-date. Iba't-ibang klase ng mga lovers: May true love, may galing diskarte at may nagmamadali o bahala na. hehe May napansin pa nga ako na may sumisimple na mahalikan yung partner nya. 

Haist..

Kung anu-ano tuloy pumapasok sa utak ko lalo na at may motel na malapit dito sa meeting place namin..


Maya maya lang ay may nakaagaw na ng atensiyon ko. Grabe... Nandiyan na ang kadate ko, isang red na dress na hapit-hapit sa katawan niya. (lalo tuloy akong nadistract sa iniisip ko)


Habang palapit siya ng palapit, tumayo ako sa aking kinauupuan at sinalubong ko siya para ibigay ang mga bulalak at maginoo ko siyang pinaupo. Tinawag ko ang waiter at inorder namin ang paborito namin mamahaling pagkain sa restaurant na hindi pa namin natitikman kasi mahal eh.. XD


"Nga pala, 

  Naka isang taon na tayo no? 

Parang dati lang  ay pinapahirapan mo ako sa matamis mong oo"


(Di kasi ako makapaniwala, feeling ko,ang good boy ko kahit minsan nagtangka akong mag 2-timer)


"Oo nga eh, pasalamat ka hindi kita nahuhuli" Sagot sa akin ni Sam sabay matamis na ngiti mula sa kanya

"Oi hindi ko magagawa sayo un ah" 

"Teka nga, nandito tayo para isipin yung mga nagyaring magaganda sa atin.."

"Ah, Sam ano plano mo para sa future?"

"Ako, edi yung paghandaan yung buhay na kasama ka."

Napa-wow talaga ako sa sagot niyang yun..

"Hindi magiging madali, siyempre madami pa tayong pagdadaan na mga pagsubok. Pero magiging matatag ako" Sabi pa niya sa akin..


Pagkatapos kumain, pumunta kami sa tabing dagat na paborito din namin puntahan. mga 20 minutes ang nilakad namin kahit hindi kalayuan dahil hindi siya kumportable sa kanyang kasuotan. Pagdating sa tabiong dagat, hinawakan ko siya sa kanyang kamay habang ang isang kong kamay ay nakaakbay naman sa kanya. 

Tinignan ko siya sa kanyang mga mata at sinubukan kong ilapit ang mga labi ko sa kanyang mga labi. Nagdikit ang mga labi namin at dun namin naramdaman ang malakas na pintig ng puso namin.

Tinanggal ko ang polo ko at nilagay isinout ko sa kanyang likuan at dahan-dahan ko siyang inihiga. Hinawakan ko ang kanyang mga mukha at muli kong idinikit ang aking mga labi. 

Nararamdaman ko ang ginagawa ni Sam sa kamay ko habang hawa ko ito, kinokontrol niya ang mga kamay na parang gusto niyang ipahawak ang kanyang mga katawan.

Di nagtagal..

"Kring....."

"Kring"...


"Aray ko", Napasigaw ako ng kaunti.

Balikwas kasi si Sam ng narinig na tumunog ang cp niya kaya naman ay tinamaan ako sa mukha ng kamay niya..

"Si mama, tumatawag"... Sabi ni Sam

"Hello ma... Opo, pauwi na po kami".. Dagdag pa niya.


Sayang naman.. sa loob loob ko lang.


Itinayo ko si Sam sa kanyang pagkakahiga sabay hinalikan niya ako. saka kami umuwi bitbit ang karanasang ito..


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

#ItsComplicatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon