- 7 months ago -
Napatingin ako sa cellphone ko ng bigla itong nagvibrate.
Nagreply na siya.
Kinakabahan ako ng buksan ko ang message nya.
From: Ezel
Magbreak na lang kaya tayo? Lagi na lang ganito eh. Puro na lang away. Nakakasawa na.
Me: Sure ka na ba talaga? Kasi ako nagsasawa na rin naman na eh. Pero ayoko umabot tayo sa ganito.
Sent ...
Gusto kong umiyak, di ko magawa.
Gusto ko siyang pigilan sa gusto nya.
Oo, saglit na panahon lang naging kame.
Pero sa kanya na lang muli ako nakaramdam ng saya matapos kong masaktan ng sobra.
Ng excitement na walang pangamba.
Walang takot kasi alam kong hindi nya ko lolokohin.
Siya din ang kasama ko sa mga bagay na ngayon ko lang naranasan.
Madami kaming memories.
Gusto ko pa siyang makilala.
Gusto ko pa siyang makasama ng matagal.
May tiwala ako sa kanya.
Na hindi nya ko bibitawan.
May mga pangarap pa kami para sa isa't isa.
May mga pangako pa kami na dapat tuparin.
Natigil ako sa pag-iisip ng maramdaman ko nanaman ang pagvibrate ng phone ko.
Hindi ko na pinatagal at binuksan ko kaagad ang message nya. Kailangan ko harapin ang katotohanan.
From: Ezel
Oo. Sorry. Mahal na mahal pa naman kita eh. Kaso napapagod na ko. Nagsasawa.
Hindi ko alam kung anong itatype ko. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Inhale. Exhale.
Accept it, Althea.
If you really love Ezel, you'll let go of him.
I smile bitterly.
Me: Okay. Kung yan ang ikakasaya mo.
Sent ...
Napapikit ako at in-off ko na ang phone ko.
-End of Flashback-
Napailing ako ng maalala ko nanaman ang pangyayaring yon. Ang gabing yon.
Haaaaay. Whatever.
Nasa hallway pa lang ako pero rinig ko na ang pagbea-beat ni MJ sa kanyang beatbox, ang nangingibabaw na boses ni JR at ang kantahan ng buong barkada.
Napangiti ako.
Nandoon nanaman sila sa room namin at sure akong masaya nanaman ang araw na 'to.
Yung iba ko kasing kaibigan, hindi namin kaklase. Pero tuwing friday, wala namang ginagawa, dumadayo sila sa room namin para makipagbonding.
Pagpasok ko, tama nga ako. Nagkakantahan nanaman sila.
"Pagbibigyan na lang sila
Magkandarapa na manligaw sa'yo
BINABASA MO ANG
Game or Love
Teen FictionNakikipaglaro ka pa rin nga ba? O unti-unti ka nanamang nahuhulog sa kanya? #ShortStory