"Ano na Althea Vasquez?"
Inis kong tinignan si Tavia. "Wait lang kasi! Excited?!"
"Anong excited? Gahd. Isang oras na kaming naghihintay." Napatingin ako sa relos ko ng dahil sa sinabe ni Yrica.
Mag-iisang oras na nga akong nag-iisip. Syet. "Sorry na!"
Papayag ba ko sa game?
Kapag pumayag ako, makakaganti ako sa kanya.
- 7 months ago -
Nandito ako sa labas ng classroom namin, nakatambay habang pinapanood siyang maglaro ng sepak.
2 weeks na kaming break ni Ezel. Haaaaay. Ganoon pa din ang nararamdaman ko. Hindi pa din nagbabago. Tsk. Hindi pa rin ako sanay.
"Uy girl, balita ko pinilit lang ni Lira at Vince si Ezel na ligawan si Althea."
Napaayos ako ng upo ng marinig ko 'yon. Hindi ko hinarap ang nag-uusap sa likod ko.
Gash! Hindi ba nila alam na nandito ako?
Teka, pinilit?! Ni Lira at Vince?! Mga kontrabida talaga sa buhay ko.
"Kung pinilit lang, ibigsabihin hindi talaga mahal ni Ezel si Althea?"
WHAT?!
"Ah-ha!"
Nilingon ko na sila. "Kung pag-uusapan nyo ko, siguraduhin nyo munang wala ako dito."
"G-Girl."
"TAKBO!"
Umalis na ang dalawang babae at bumalik na ko sa panunuod kay Ezel.
Niloko mo lang ba ako? Hindi ba totoo lahat ng sinabe mo? Pilit lang ang mga 'yon?
Haist.
- End of Flashback -
O hindi na lang ako papayag, kasi baka mafall nanaman ako at masaktan?
Ako pa naman kasi yung tipo ng tao na madaling mafall. Once na magustuhan ko, matagal bago kumupas yung nararamdaman ko.
Isip, Althea. Isip.
"Ano na? Si Ezel, pumayag na. Wala naman daw problema sa kanya." Inis ko ring tinignan si Jeysi. "Aish! Oo na!"
"Ay! Napipilitan?" Tinignan ko ng masama si Louie. "Tigilan mo ko ha. Wala ako sa mood."
"Sungit."
"Isa." Banta ko. "Dalawa!" Pang-aasar nya. "Louie." Napipikon na talaga ako.
"Tatlo." Dagdag nya.
"Isa pa ha."
"Dalawa pa ha."
"Shut the f*ck up!" Nagtawanan silang lahat sa inasal ko. "PIKON!" Pang-aasar pa ulit ni Louie.
Inirapan ko na lang siya at hindi na pinansin.
"Okay, bukas na ang start ng Day1 ng game. Goodluck!" Nakangising sabi ni Xandrina.
"Paano kapag nagawa namin ang game?" Tanong ni Ezel.
"Malaya na kayo. Hindi na kayo nakatali sa isa't-isa. Pwede na kayo ulit makipaglandian sa iba-- ARAY NAMAN JAMILA EH!" Angal ni Jeysi. "Loko-loko ka kasi. Manahimik ka na. Kanina ka pa eh no, ha!"
Nagtawanan nanaman ulit ang lahat dahil sa inasal ng dalawa.
Ang kulit talaga ni Jeysi tsaka Jamila. Minsan nga naisip ko na baka magkatuluyan 'tong dalawa eh.
BINABASA MO ANG
Game or Love
Fiksi RemajaNakikipaglaro ka pa rin nga ba? O unti-unti ka nanamang nahuhulog sa kanya? #ShortStory