Her Words, His Moves

288 9 1
                                    

Bawat isang tao may pinapahalagahan.

It could be something he or she owns...

But in this story, it's the other way around.

Gusto nilang pahalagahan kung ano ang WALA sa kanila.

And that's how everything STARTS...

***

Bianca's POV

"Sa ayaw at sa gusto mo, hindi ka makikipagkita sa Oliver na yun...naiintindihan mo ba Bianca Patrice?!"

iyan ba ang isusukli niya sa akin? Ang pagbawalan akong makipagkita sa isang taong pinahahalagahan ko?

"HEY! KINAKAUSAP PA KITA! BUMALIK KA DITO!" hindi ko na siya pinakinggan pa, naglakad ako palayo.

Tinatanong niyo ba kung sino siya?

He's Ricardo Ocampo...ang walang kwentang tatay ko.

Pwede niyo akong tawaging bastos, walang galang, b*tch as they say. But you don't know the happenings behind.

Ako si Bianca, isang babaeng lumaki sa piling ng ina. Hindi sila naghiwalay ng tatay ko...kundi INIWAN KAMI NG MAGALING KONG TATAY. Five years old pa lang ako nun.

Alam ko may iniiwan at may umaalis sa buhay ng tao. But everyone leaves for a reason...yung reason ng tatay ko? Pshh iniwan niya kami dahil sa PERA. Pinagpalit niya kami para makuha ang mana niya sa pagtratrabaho sa kumanya ng lolo ko.

Isn't that unreasonable?

10 years after niya kaming iwan...babalik lang siya upang makilala ako ulit? At buhayin ako ulit?

I didn't learn how to trust men after he left us. Naging title ko na sa school ang man-hater, girl that has phobia with guys, weirdo...minsan nga tomboy eh kasi hindi ko magawang lapitan o kausapin ang sino mang lalaki.

But all that changed nung makilala ko si Oliver...

*flashback*

I was a fourth year high school student. Isang honor student at school's brain. Isang simpleng studyanteng tahimik at masipag.

Dahil nga sa tatay ko, hindi ko na magawang kumausap sa lalaki. Nagbago lahat nun nang lumapit sa akin si...

"Hi! I'm Oliver!"

*ignore*

"Uhm, classmates tayo...4-Rose diba? Hihi ikaw si Bianca diba?"

*ignore* Ini-snob ko lang siya dahil ang weird niya...tsaka lalaki rin siya >< Nag-aayos ako ng mga libro sa library non nang bigla siyang lumapit.

"Pipi ka ba? Bakit hindi ka nagsasalita?" tanong niya at sinundan-sundan ako sa bookshelf.

"Alam mo mabait naman ako eh, pwede bang makipagkaibigan sa'yo?"

Psshhh...ang kulit. Bababa na sana ako sa hagdan ng madulas ang paa ko."Aaayy!"

"Ohhh...okay ka lang ba?" sabi niya sabay salo sa akin.

*end of flashback*

Yung mga panahon na iyon na gusto kong ulit ulitin dahil nakilala ko ang kaisa-isang taong binago kung ano ang nakasanayan ko.

"Iyan ba ang tinuro sa'yo ng magaling mong mangliligaw? Ang mambastos sa sarili mong papa?" sinusundan nga pala ako ng tatay ko papalabas ng bahay patungo dito sa garden.

Her Words, His MovesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon