The Lost Gift (One Shot)

34 9 5
                                    

***

Andrea's POV

"Hi Babe!" sigaw ng boyfriend kong si Chris.

Inaya kasi niya ako ng isang date sa isang mamahalin na restaurant.. hanggang ganiyan lang kasi ang mga pangarap ko sa kaniya.

Ako si Andrea Trisha Villaflor and my boyfriend, Chris Fidelino. 3 years na kaming mag boyfriend at kailanman hindi kami naghihiwalay.

Gwapito, macho, makinis kung papansinin mo si Chris... mabait at matalino pa pero ako mabait, maganda at matalino rin kahit pa-paano.

"Upo kana!" tapos kinuha niya yung upuan at pinaupo ako sa tabi niya. Sana nga ngayon na ang oras na aaya na siya ng pagkakasal. Pero hindi ako papayag na pagpakasal sa kaniya kung hindi niya matutupad ang iba ko pang kahilingan.

"Babe mahal mo ba ako!" tanong ko.

"Oo naman! Ano bang klaseng tanong 'yan?" sagot niya.

"Wala lang. Edi kung mahal mo ako gagawin mo ang lahat para makuha mo lang ako?" -ako

"Lahat babe! Lahat gagawin ko para sayo!" natuwa naman ako sa sagot niya.

"Eh kailan mo pa ba ako papakasalan?" tanong niya.

"Kapag natupad mo na ang gusto ko..." -ako

"Eh ano ba yung gusto mo na dapat kong gawin? Alam mo naman na kahit kailan hinding-hindi kita masasaktan di ba? Kaya ano nga!?."

Napaisip ako bigla. Lahat pala ah. Pangarap ko na talagang magkaroon nito dati pa simula nang bata pa ako. Halos araw-araw konh panalangin at hiling bukod sa kalusugan ng mga magulang ko. Alam kong mayaman naman 'tong si Chris at gagawin niya lahat ng hiling ko. Dahil mahal na mahal namin ang isa't isa.

"Ang gusto ko..."

"Hmmm. New Home for my family."

Alam kong nagulat siya sa sinabi ko. Mahal ko siya at alam kong magagawa niya iyon kahit bagong tirahan pa ang nahiling ko.

"Ha! Home! Eh kaya ko ba 'yun!"

"Di ba nga sabi mo gagawin mo ang lahat para sa akin. Kaya ganun!"

"Sige. Pangako ko sayo matutupad yang kahilingan mo. Mahal kita Andrea, mahal na mahal."

Sinuklian ko kagad siya ng malaking ngiti. Pero kapag natupad niya ang pangarap ko ay pwede na akong magpakasal sa kaniya. Hinding-hindi ko siya papabayaan.

*****

Matapos ang usapan ay napagdesisyunan na naming umuwi at magpahinga. Mukhang kailangan niya narin 'toh dahil sa hirap niyang magtrabaho.

Hanggang sa makarating ako nang bahay, agad akong nakatulog. Nakatulog nang may ngiti mula sa aking mga labi.

Mas swerte ako sa araw ko ngayon. Dahil sa susunod pang linggo, kaarawan ko na at doon na niya maibibigay ang regalo niya sa akin.

2 weeks after

KAARAWAN ko na bukas pero habang tumatagal bumubuhos ang lungkot ko. Hindi ko na kasi nakikita si Chris simula nang nakaraang linggo.. alam kong busy siya at alam ko rin na baka ginagawa niya ito para paghandaan ang magiging regalo niya sa akin bukas.

Umupo muna ako sa kama ko habang inaayos nila mama sa sala ang mga gagamitin para bukas. Naisipan ko munang kuwain ang laptop ko at sinubukang mag-online kung naka-online rin ba si Chris.

Pero sa pagkakataong ito.. nakita kong online si Chris.

Agad naman akong nag type ng sasabihin at itatanong para sa kaniya.

The Lost Gift (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon