"Ano ka ba naman Nate? Pupunta ka ba rito o hindi?", galit na galit kong tanong sa boyfriend ko na nasa kabilang linya. Kanina pa niya ito kinukumbinsing puntahan siya. Galit siya, galit na galit kaya dapat lang na puntahan siya nito. Isa 'yon sa mga rules niya. Pag galit siya, dapat siya ang masusunod.
"Hindi nga ako pupunta diyan ngayon babes, bukas na." nagpapaawang sagot ni Nate. Akala niya maaawa ako sa kanya? Sorry nalang siya dahil galit na galit na siya ngayon.
"Anong hindi? Ikaw talaga, pag okay tayo andami-dami mong pangako sa akin. Di ba nag promise ka sa akin na susundin mo lahat ng rules ko?" Napapapadyak na ako kakausap sa boyfriend kong si Nate. Ba't ba ayaw niyang pumunta rito? Ang dali-dali lang nang gusto kong mangyari, ayaw pa niya? Hah! Bwisit talagang lalaki yon.
Matagal ko nang boyfriend si Nate, magda-dalawang taon na kami, and so far okay naman kami. Nag-aaway kami sa mga maliliit na bagay, na pinapalaki ko. Oo, pinapalaki ko ang mga bagay-bagay. Eh, sa gusto ko eh. Ngayon, nag-away lang kami dahil hindi niya ako tinatawagan kanina. Paulit-ulit akong nagsabi na tawagan niya ako. Pero ang kulit. Ayaw talaga. Kaya magdusa kang lalaki ka.
"Shiena naman, ba't na ang kulit mo? Sabi ko na nga di ba? AYAW KO!" Galit na sigaw ni Nate sa kabilang linya.
"Ah, ganun ba Nate? Sinisigawan mo na ako ngayon? Sige, ayaw mong pumunta rito? Akong pupunta diyan sa inyo! Mamili ka ngayon din." Pinagbabato ko na ang mga unan dito sa kwarto ko dahil sa frustration. Pag nagpunta ka talaga rito, patay ka talaga sa akin Nate, bulong ko sa sarili ko.
"Huwag kang pumunta rito sa bahay. Hindi kita lalabasin. Alin ba sa salitang bukas na ang hindi mo maintindihan? Bukas na nga Shiena! Ang kulit mo talaga." Sabi sa akin ni Nate.
"Nate naman, alam mo naman na hindi ako mapakali pag ganito eh. Sinabi ko na sa'yo na hindi ko pinapabukas ang away. Pumunta ka rito or ako ang pupunta diyan. Ang dali-dali lang mamili Nate." Pagkukumbinsi ko pa rin sa kanya.
Palaging ganito ang mga away namin. Palaging ako ang nasusunod. Palaging ako ang pinagbibigyan niya. Oo, mahal na mahal niya ako. Kahit na nasasaktan na siya sa mga sinasabi ko, pero sa bandang huli ako pa rin ang pinagbibigyan niya.
"Oo, sige na. Pupunta na ako diyan. Hintayin mo ako diyan." Sumusukong sabi ni Nate.
Sumilay ang isang ngiti sa aking mga labi. Pero siyempre, hindi ko iyon pinahalata. "Ayun naman pala eh, pupunta ka rin naman pala. Ang dami pang sinabi. Bilisan mo ha!" Galit galitan ko paring sabi sa kanya.
"Oo na. Sige bye."
Binaba na ni Nate ang cellphone niya ako naman dito sa kwarto ko ay napapangiti. Haaay, alam ko na hindi talaga ako matitiis ni Nate. Mahal niya ako at gagawin niya lahat para sa akin kahit wala naman talaga siyang kasalanan. Hihintayin ko nalang siya dito sa bahay.
Apat na oras na ba't hindi pa rin dumadating si Nate? Pinagloloko ako ng lalaking 'yon ah. Isang sakayan lang naman papunta rito sa bahay ah. Naku, Nate! Humanda ka talaga sa akin pagdating mo. Palakad lakad ako ngayon sa kwarto. Hindi ako mapakali at galit na naman ako. Haaays, yung lalaking yon talaga, nakakainis.
Kanina ko pa tinatawagan si Nate, pero walang sumasagot. Ginagalit talaga ako nang lalaking yon. Napaka sinungaling talaga!
*kringgggg*
Nate calling ....Patay ka ngayong lalaki ka! "Hello Nate, asan ka na ba? Napaka sinungaling mo talaga. Akala ko ba ikaw ang pupunta rito? Bakit hanggang ngayon, wala ka parin? Pinagloloko mo talaga ako no?" Dire-diretso kong sabi kay Nate. Galit na galit na ako sa kanya. Iniinis na niya talaga ako eh.
"Hello? Si Shiena po ba 'to? Ito kasi ang last na naka text nang taong may-ari ng phone na gamit ko ngayon." Sabi ng lalaki sa kabilang linya. Kinabahan ako. Hindi ako mapakali. Kung ano man ang nasa isipan ko, sana mali. Hindi ko matatanggap.
"Sino po ba 'to? Opo, ako po si Shiena. Nandiyan po ba si Nate? Nasan po siya?" Malumanay ko paring sabi sa lalaki sa kabilang linya sa kabila nang aking kaba.
"Nabangga po siya habang naglalakad. Hit and run. Patay na siya. Dinala na sa morgue ang kanyang bangkay."
Naibaba ko ang aking telepono. Hindi ko alam ang gagawin ko. Napahagulgol ako. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung hindi lang sana ako nag inarte. Kung hindi ko lang sana pinalaki ang gulo. Sana hindi siya nabangga. Sana nasa bahay lang siya at hindi siya ang nabangga.
Isang taon na ang nakalipas subalit parang kahapon lang nangyari ang lahat ng iyon. Hindi ko parin mapatawad ang sarili ko. Sana, sana. Maraming sana.
Sana may time machine para maibalik ko ang lahat.
BINABASA MO ANG
One Shot Stories
Short StoryThis section is all about my short stories. I hope you enjoy reading my writing. Thank you :D