You're mine and mine alone

10 0 0
                                    

"Sino tong Bea na 'to? Bakit siya nagti-text at nagcha-chat sayo sa facebook?" Galit na tanong ko sa boyfriend kong nakaupo sa tabi ko. Ilang beses ko nang nakikita tong babaeng to na ka-chat at ka-text nitong si Kyle. At ito namang boyfriend ko, pumapatol din, nagrereply.

"Kaklase ko lang yan nong high school. May problema sa lovelife kaya ayun, napareply ako. At tsaka wala ka naman dapat ipag-alala. Ikaw lang naman ýong love ko eh." Paliwanag ni Kyle. Hindi mapakali kung paano ako aamuin.

"Hoy! Kung matino kang boyfriend hindi ka magre-reply sa mga texts at chat ng mga babae. Eh ano naman ngayon kung may problema sa boyfriend ýang babaeng yan? Ano ka guidance counselor para takbuhan ng mga taong sawi?" Galit ko paring turan sa boyfriend ko.

"Honey naman, wala lang 'yan. Alam mo namang loyal ako sa'yo di ba? Kita mo  nga sa two years nating magkarelasyon, may ibang babae ba ako? Di ba, wala? May password ka sa -facebook ko, bina-block mo mga babae na feeling mo nilalandi ko, pero hindi naman. Ilang beses na akong nag change ng number kasi sabi mo dapat ikaw lang ang makaalam ng number ko. Sa tingin mo may oras pa akong humanap ng iba?" 

Totoo naman ang sinabi niya. Sobrang possessive ko. May tiwala naman ako sa kanya pero pag sobrang mahal mo ang isang tao natatakot kang makahanap siya ng iba. So, bago pa mangyaring makahanap siya ng iba, binabakuran ko na siya.

"Ngayon, nagrereklamo ka? Sinabi ko naman sayong pwede mo rin gawin 'yan sa'kin. Kunin mo rin password ko. Mangialam ka rin. Pinagbawalan ba kita? Kung gusto mo, ibigay ko na sa'yo."

Kung ako sobrang possessive sa boyfriend ko, 'yong boyfriend ko naman naku parang wala lang. Hindi nagseselos. Well, nagselos na rin naman siya pero parang isang beses lang 'ata yon. Samantalang ako, halos kada linggo may pinagseselosan.

"May tiwala naman ako sa'yo hon. At bina-value ko ang privacy mo. Oo, gusto ko rin malaman sinu-sino china-chat mo, pero hindi ako ganun eh. Alam ko marami ka pang time kasi nag-aaral ka palang. Ako, nagtatrabaho na. Wala na akong masyadong oras para sa mga ganyan." Paliwanag ni Kyle.

Fourth year college na ako ngayon, samantalang si Kyle ay gumraduate na nong March. Palibhasa hindi ako sanay na nakikihalubilo siya sa iba. Nasanay ako na bahay-school lang siya. Walang masyadong barkada at ako lang ang ka-close niya. Pero nong nag graduate na siya, parang nagising ako na hindi lang pala sa akin umiikot ang mundo niya. Marami siyang taong mami-meet pa lang, marami siyang taong magiging parte ng kanyang buhay, at marami pa siyang lugar na mapupuntahan. 

Nakakatakot, sobra. Baka may mami-meet siyang iba. Baka hindi pala ako ang para sa kanya. Dahil sabi nila ang LOVE daw ay nawawala rin, ang nakakapagpatagal daw ng relasyon eh yong COMMITMENT. 

"Alam ko naman 'yon Kyle. Pero mahirap bang hindi um-entertain ng mga babae? Marami pa talaga akong insecurities ngayon Kyle, alam mo 'yan. Ako nga hindi na ako umi-entertain ng iba. Ikaw lang talaga."

"Sige na hon, hindi na ako uulit. Hindi na ako makikipag chat kung kani-kanino. Hindi na ako mag iintertain ng mga babae sa kahit anong paraan. I love you hon."

"I love you too hon. Tandaan mo, you are mine and mine alone".


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon