Chapter 2

1 0 0
                                    

(Mike's POV)

Ako nga pala si Mikael Erasmos Goshin, transferee mula sa Klienfilter Academy. At dahil first day, wala akong kakilala...haay...mas gusto ko sa old school ko.


"Hi! You must be Mike! I'm Drick Jang, class president ng 4-15." May biglang lumapit sakin na group ng lalaki and nag-introduce ung leader.

"Ah! Yeah, that is me. I'm Mikael Erasmos Goshin. Nice meeting you." Nagsmile ako. Mukha naman silang okay kasama.

"Eto pala barkada ko. We are going to be your new classmates."

"Oh...Nice meeting you guys!"

"Nalibot mo na ba ang Greenfield Academy?"

"Not yet, dude."

"Tara sama sa samin. May pupuntahan din si Drick eh." Biglang nag-offer ung isa sa mga kasama niya.

"Oh sige, sure."

Tahimik lang ako habang naglalakad kami. Nakikinig lang ako sa usapan nila.

"I bought her this wristband. Sa palagay mo, magugustuhan niya kaya ito?" Seryosong tanong ni Drick dun sa kasama niya while hawak nya ung wristband. Napansin kong namumula siya. SIguro ibibigay niya iyon sa nililigawan niya.

"Hayy kelan kaya ako maiinlove? Sino kayang magpapatibok sa puso ko?" Habang iniisip ko to, may biglang tumapik sa likod ko.

"Dude, dito na tayo."

Tumingin ako sa paligid...kakaiba. Walang masyadong tao. Tahimik.

"Bakit ganito dito?", tanong ko.

"Tignan mo ung sign sa pinto. Corridor to ng 4-1. Usually mga matatalino lang pumupunta dito." Medyo nahihiya ung kasama ni Drick habang sinasabi niya ito.

Tinignan ko si Drick. Bigla siyang namula.

Tumingin ako sa may bintana. May nakita akong babaeng nakasalamin. Ang ganda niya. Biglang bumili ang tibok ng puso ko. Bakit ganito? Ano ito?

Lumingon siya. Anong gagawin ko? Nakatingin siya sa direksyon namin. Mas bumibilis ang tibok ng puso ko. Bigla siyang ngumiti. Ako ba nginitian niya? Ano dapat kong gawin? Ngigiti rin ba ako?

Napansin kong bigla siyang tumayo. Lalabas yata siya ng room. Anong gagawin ko? Bawat hakbang niya palapit parang umiikot ang mundo ko. Nahihirapan akong huminga. Ilang hakbang nalang magkaharap na kami. 10...9...8...parang nakaslow motion ang lahat. 7...6...bawat galaw niya kitang-kita ko...5...

"Hi El!", sinalubong lahat siya ng mga kasama ko. Nakita kong nakipag high five silang lahat. Gusto kong lumapit pero parang nakapako ako sa kinatatayuan ko.

Nakita ko habang binibigay ni Drick ung wristband sa kanya. Kitang kita ko sa mga mata ni Drick na gustong gusto niya ung babae. Masaya silang lahat.

El...El...El... Parang tumigil ang mundo ko.

"Dude! Are you okay?", biglang may tumapik sa likod ko.

"Oh, yeah yeah. Who's that?"

"Ah, si El. Siya ung batch valedictorian."

"Batch valedictorian." Napatahimik ako. Biglang nawala ang mga ngiti sa labi ko. Hindi ko siya maaabot. Never magiging kami ni...El.


My GuitaristWhere stories live. Discover now