- - - - -" hello dalian mo Timmy akala ko hindi mo pa alam sige dalian muna bumabyahe pa kami papuntang airport " minadali kuna ang pagmamaneho,
" hello nasan kana dalian mo naman " mas lalo akong naaaligaga sa pag mamadali sakin ni Kier
" oo sige malapit nako " sa sobrang pagmamadali ko ay nalaglag ang aking phone,
" ayyy malas naman oh ! ay teka si eomma " pinulot ko ang aking phone gamit ang aking paa pero hindi ko napansin na may makakasalubong nakong isang truck
sa sobrang kaba at pagkakabigla ay nailiko ko sa maling direksyon ang sasakyan , napansin kong tatama ako sa isang malaking poste
" ayyyyyyyy tulungan nyo "
" tumawag na kayo ng ambulansya "
napakadilim ng aking paningin , damang dama ko din ang sobrang sakit na halos hindi ko maikilos ang aking buong katawan ..
- - - - - -
" Timmy ? "
" ay jusko gumagalaw na sya "
" ayan na "
pinilit kong ibulat ang aking mata pero tila may humaharang dito,
" Kier ? Anthony ? nakapiring ba ako bat may takip yung mata ko " tila nagtataka ako dahil puro itim ang aking naaaninagan
" sorry Timmy pero ang sabi ng doctor ay malakas ang pagkakatama ng iyong ulo at nakaapekto ito sa ugat ng iyong mga mata- - I'm sorry b-bu-bulag kana " tila bumagsak ang aking mundo
" hindi !!!!!! anthony kier please wag nyo naman akong lokohin oh? hindi ito magandang biro please kung nakapiring ako please patanggal na oh " ayokong maniwala na bulag nako. ayoko gusto kong masilayan ang mundo ayoko
" sorry Timmy pero totoo ito " nahiga ako at nagtalukbong ng kumot,
" please iwanan nyo muna ako please gusto kong mapag isa " pilit kong binubuksan ang aking mata pero wala padin wala akong maaninigan ni liwanag wala, puro dilim ayoko ng ganto
" sorry timz atsaka nga pala si Timothy tuluyan ng nakaalis ng pinas na US na sya " tila nagpanting ang tenga ko ng marinig ang pangalang yan
" wag na wag nyo ng mabangit ang pangalan nya! dahil sakanya nangyari sakin ito! kaya kasalanan nya lahat, kagaya ng pagkawala ng aking paningin ay gayon din ang pagkatao nya sakin kaya please wag nyo na syang mababangit dahil kakalimutan kuna sya kagaya ng paglimot nya sakin, please iwanan nyo muna ako gusto kong mapag isa " ng marinig ko wala ng mga salita ay nahiga na ulit ako, alam ko kahit na wala akong paningin ay nakaharap ako sa kisame,
" Timmy ang mama mo pala , magsalita ka nalang okay na yan " kapa kapa kong kinuha ang telepono at nanginginig itong itapat saking tenga
" anak .... " hindi kuna mapagiling maluha, kahit si eomma ay ramdam ang hirap ng aking sitwayson
" eomma wala nakong paningin, pano nato natatakot ako puro dilim eomma " gusto ko talagang makakita o makaaninag pero wala puro dilim talaga
" wag kang mag alala anak pupunta na kami agad dyan ng appa mo dadalhin kita dito sa Korea dito ka namin ipapaopera ha " huminga ako ng malalim
" sige eomma dalian nyo sige po ingat kayo eomma saranghae " ibinababa kuna ang telepono saking kama
ibinalik ko ulit ang aking sarili sa pagkakahiga , lumipas ang mga oras ay hindi padin maalis saking isipan si Timothy
Ito ang pinapangako ko Timothy Cruz kagaya ng pagkawala ng aking paningin ganoon din aking pagmamahal sayo
pag nanumbalik ang aking mga paningin pipilitin kong mag bago upang maghiganti sainyo ng hayop mong ama
sisiguraduhin ko madadanas nyo ang sakit at hirap na ipinadama nyo sakin ......
Ang Pagwawakas
BINABASA MO ANG
My Bro My Love [ COMPLETE ] *revising*
Romance*Highest Ranking #169-Romance -Actually never pakong nacutean sa isang lalaki ang masama pa nun ay nagandahan ako sa kapwa ko lalaki and i'm attracted to him !! pano kung malaman nya na nagkakagusto ako sa kanya may chance din kaya syang magkagusto...