MBML Chaps 49

2K 80 0
                                    


TIMMY POV

nagising ako ng mga bandang alas dose, pumasok sa isip ko
yung mga sinabi sakin ni Jassy before kaming pumunta dito ,

FLASHBACK

" Timmy can i talk to you "-Jassy

" oo naman ano yun? "-ako

" I think kailangan mong malaman kung anong mangyayari kung ipagpapatuloy nyo pa ang kahibangan nyo ni kuya timothy " -Jassy

" Jassy hindi kahibangan na kami ng kuya mong si timothy nagmamahalan kami "-ako

" okay sabi mo e, pero gusto ko lang sabihin na pag nalaman to ng daddy ni kuya timothy e hindi mo magugustuhan dahil lahat kayang gawin nito para paghiwalayin kayo, o baka mandamay pa sya ng kamag anak mo para lang sa kagustuhan nya tuso ang daddy ni kuya timothy kaya kung akong sayo layuan muna sya hanggang maaga pa "- Jassy

E-O-F

tinignan ko ang mahimbing na pagtulog ng taong mahal ko, patagilid akong humiga sa gilid nya ginamit ko ang aking kamay para maging stand ng ulo ko

" tama bang sinagot kita timothy ko tama rin ba yung sinabi ni jassy na kahibangan lang ang relasyon natin, natatakot ako hindi sa daddy mo kundi sa kaya nyang gawin pag nalaman nya ang relasyon natin natatakot ako kung kailan ikaw na ang lubusang dahilan ng paghinga ko saka kanya kukunin sakin dahil hindi ko kaya ito " sabi ko sa aking sarili habang hinahaplos ng kabila kong kamay ang napaka kinis nitong mukha

inaamin ko sa sarili ko na hindi pa gaanong lubos ang pagmamahal ko para kay timothy siguro gusto palang ang nararamdaman ko sakanya hindi kagaya ng nararamdaman nya para sakin

" gusto mo ng kiss my loves " nagulat ako ng bigla syang magising, binigyan ko sya ng pagkatamis tamis na ngiti

" bukas nalang my loves matulog kana pag mamasdan ko lang ang mukha mo habang tulog ka " hinalikan ko ang kanyang pisngi , siguro sa mga susunod na araw mas titindi pa ang gusto na nadadama ko para dito sa taong nagpapaligaya sakin sa timothy ko

" I love you my loves " isang wait saking tenga, dahan dahan na nyang ipinikit ang kanyang mga mata

buo na ang desisyon ko, Lalaban ako para samin ng boyfriend ko kahit ama pa man nya ang makalaban namin dahil naniniwala ako na kung mahal namin ang isa't isa kahit ano pa mang malaking dagok ang pagdaaanan namin ay makakaya naming hangga't kasama namin ang bawat isa

" I love you too my loves " inihiga ko ang ulo ko sa dibdib nya, at dahan dahan ay naidlip nadin ako

--------------------------

My Bro My Love [ COMPLETE ] *revising*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon