Chapter 2

61 3 1
                                    

Aj's POV

"IKAW?! BAKIT KA NANDITO? PANO?"

Anong ginagawa niya dito? Akala ko ba matatagalan siya sa states? At pano niya nalaman na nandito ako?

Halo-halong mga tanong ang pumapasok sa utak ko. Ang buong akala ko ilang buwan pa sila doon.

Nang tignan ko siya mula ulo hanggang paa. Wala naman nagbago sa kanya. Maliban sa pananamit niya. Nagmukha na talaga siyang mature sa itsura niya ngayon.

Nakatingin lang siya sa akin.

"AAAAAAAAAAAAAHHHHH!"

O.o bakit siya sumisigaw?

"Teka? Bakit ka sumisigaw? Hoy!"

Hahawakan ko dapat siya sa magkabilang braso niya pero lumayo siya.

"LUMAYO KA SAKIN!" Huh? Anong problema?

"Ano bang nangyayari sayo?" tumalikod siya sakin.

"BAKIT YAN LANG ANG SUOT MO? GANYAN KA BA TUMANGGAP NG BISITA DITO? DI KA MAN LANG NAHIYA SA AKIN!"

Tumingin ako sa sarili ko.

"HAHAHAHAHAHA!" Halos mapahawak ako sa tyan ko kakatawa. Ibang klase! Lumapit ako sa kanya habang nakatalikod siya.

Huminga ako ng malalim at bumulong sa kanya.

"Bakit? Anong masama? Bestfriends naman tayo ah."

---------

JA's POV

May naramdaman akong humihinga sa likod ko.

"Bakit? Anong masama? Bestfriends naman tayo ah." Ouch lang. BESTFRIENDS! Oo nga naman. Tsk!

Humarap ako sa kanya. Ay! nakalimutan ko topless pala tong lalaking to! Tinakpan ko yung mata ko at nagsalita.

"Kahit na! Babae ako noh! Nahiya ka naman dapat. Paano kung hindi ako yung pumasok?"

"HAHAHAHA! Oo nga. Babae ka..."

Lalo siyang lumapit sa akin na mas ikinatindig ng balahibo ko.

"Nakalimutan ko marunong ka din pala maakit. HAHAHHAHA!"

Nakakainis ah! >_< Ang sama niya!

"Hmp! Bahala ka dyan! Eto cookies mo!" Hinampas ko sa dibdib niya yung box. At tuluyan ng umalis ng condo niya.

Ganun na lang yun? Hindi man lang niya ko. Winelcome back? Arrrgh!

Umuwi ako sa bahay ng nakasimangot. Binagsak ko ang katawan ko sa kama. Nako! Bahala siya sa buhay niya! Sana pala nilagyan ko ng lason yung cookies!

------

Aj's POV

Huh? Ano to? Pinagmasdan ko yung box. May letter siya. Kinuha ko yung note at binasa.

Bes,

Kung dati iniinis mo ako na hindi ako marunong mag-bake. Oyan! Tikman mo ang kagalingan ng bestfriend mo:*

Ps. Sana magustuhan mo kundi ikaw ang isisilid ko sa oven! :P

-JA-

Kumuha ako ng cookies at kinain iyon. Di ko namalayan na napapangiti ako mag-isa dito. Ang galing ng bestfriend ko!

Kaso mukha nabadtrip ko yata siya kanina.

Pumasok ako sa banyo at naligo.

Sosorpresahin ko siya!

A/N: Ang story po na ito ay dahil wala po akong magawa ngayong summer at syempre may basehan din po ito. Sana kahit di niyo po magustuhan. Basahin niyo na lang po ;) *bow*

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BESTFRIENDS FOREVER...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon