Chapter 3

3 0 0
                                    

CHAPTER 3

DEN'S POV

"What happened Denise!?" As usual nasigaw nanaman tong si Kiel. Pinuntahan na niya ako dito sa clinic tapos na daw kasi siya mag-enroll.

"Oo nga pala, tanong mo dun sa Nurse. Di ko din kasi alam eh."  Dumiretso si Kiel dun sa nurse para magtanong sa nangyari sa akin. Dumating si Kiel na kasama yung nurse

"Ah, oo nga pala. Di ko pa nasabi. Kasi sabi nung lalaki kanina dito si Aldrin, sabi niya nabangga ka daw niya tapos tumama yung ulo mo dun sa may railings." Pagpapaliwanag nung nurse sa akin. 

"Ah, ganun po ba. Sige po. Aalis na po kami. Salamat po" Inalalayan ako ni Kiel bumangon tapos dumiretso na kami umuwi. Nag-taxi na lang kami since di ko kayang bumiyahe sa masikip.

Nakauwi kami ni Kiel ng 5 o'clock tapos dumiretso na ako sa kwarto ko. Medyo okay naman na pakiramdam ko. Sa makalawa na din ang simula ng pasukan namin kaya dapat ayusin ko na din mga gamit ko. 

Philip Calling..

"Huh? Bakit nanamn napatawag 'to?" tinigil ko na lang muna ang panonood ng tv at sinagot ang tawag niya

[Oy!!]

"Ano!? Bakit ka tumawag?"

[Sungit naman nito! Tabi tayo sa first day sa makalawa ha. Hihi]

"Feeling mo friends na tayo? Duh"

[Dun din naman pupunta yun eh! Bestfriend pa gusto mo?]

"Sapak gusto mo? Sige na matutulog na ako maaga pko bukas."

[Saan ka pupunta?! Mamimili ka ng mga gamit?! Ako din!]

"ANO?! Bibili ka din? Di na, nawalan na ako ng gana"

[Samahan mo naman ako please... Namatay kasi yung aso ko. Wala na ako kasama]

"Anong connect ng aso mo dito?!]

Di naman siya sumasagot kaya naawa na ako. Baka umiiyak na to eh. HAHAHAHAHA

"Aish!! Sige na nga. Bukas! Sa ***** mall. Wag kang malalate ah. Malilintikan ka sakin."

[Yon!! Sige, see you tomorrow Denden!! Mwamwa!!]

Inend ko na yung call niya. Bwiset ang kulit eh. Pero natutuwa din ako kasi ang bait niya. Naalala ko tuloy si ano. Ay, nevermind. Makatulog na lang.

I'm bulletproof nothing to lose.. Fire away! Fire away!!

Aish. Ang ingay! Oo nga pala, inalarm ko to ng maaga. Aalis ako diba diba!

Tinext ko na si Philip para makapagready na siya. Ayaw ko kasing nagaantay ako eh. Siya pag-aantayin ko. Aish.

Naligo na ako at nagbihis na. Onting powder at liptint. Simple lang naman ako eh. Walang arte sakatawan ;) Nag-dress na lang ako ng simple tinatamad kasi ako maghanap ng ibang damit eh. 

Since nagpadala si Mommy ng driver and yaya dito hindi na ako nagiisa.. kasama yung boy na yun. Nagpahatid na lang ako sa driver namin sa **** mall.

"Manong Elmer, pahatid naman po ako dun sa **** mall."

"Sige po ma'am."

Nag-earphones muna ako kasi ang tahimik sa kotse ni manong. Baguhan pa lang din yan dito sa bahay. Baka magtanong tanong pa yan sa akin tungkol sa kung anoano.

From: Philip

Saan ka na? Dito na ako sa starbucks. Breakfast muna tayo!

"Aish." yun na lang nasabi ko at nagreply naman sa kanya

To: Philip

Alright. On the way na ako. Wag kang talkshit ha. Libre mo na din ako. 

TIgnan lang natin. Ginusto mo to eh! Masama na kung masama. Kesa abusuhin mo kabaitan ko. HEHEHEHEHE

"Ma'am nandito na po tayo."

"Sige, salamat manong. Text na lang kita kung papasundo ako ha"

"Sige po. Ingat po."

Lumabas na ako ng kotse namin.. As usual all eyes on me. Kainis naman oh. Madumi ba muka ko? Pangit ba damit ko? Butas ba damit ko? May kulangot ba ako sa muka?! Ugh.

Pumasok ako ng starbucks at nandun sa gilid sa couch nakaupo si Philip naglalaro ng 2fuse. 

"Oy!"

"Nandito ka na pala. Tara order na tayo"

"Wala. Wala ako dito philip!! Kainis ha. Libre mo ba ako?"

"Ano pa ba... " 

"Ano sabi mo?! Umaangal ka ba?" tinaasan ko siya ng kilay. Muka naman effective. Nasiindak ata siya sa akin! ^__^

"Ah.. Hindi! Sabi ko tara order ka na." tapos dumiretso na siya sa counter para umorder

"Good morning Ma'am, Sir. Since anniversary po namin ngayon at kayo po ang unang couple na nag-order dito sa amin. Why don't you try this ma'am?" nakangiti at nageexplain pa sa amin tong bruhildang to

Nagulat ako sa nakita ko! Ano to?! Nahihibang na ba siya? Maghahati kami sa isang straw? Ew. No way!

"Sure. I'll take that. Yung venti na ha." tapos nagwink si Philip don sa babae

"What?! Are you insane? No way. Kukuha ako ng sarili kong straw. Ew ha"

Tapos kumuha ako ng extra straw. Kadiri. Di ko naman siya kilala! Baka may sakit pa to

"Alright. Sorry miss sungit ng girlfriend ko ha. Maganda naman diba? Diba?" Tapos inakbayan niyaako sa harap nung babae. Grabe ha!

Pagtingin ko sa gilid nung babae, may manager siyang katabi na parang kasing age din namin. Maganda din.

"Tara babe, upo na tayo." Tapos tinanggal ko yung kamay niya sa akin. Kadiri siya eh

Pagupo namin sa couch nakita kong malungkot si Philip.

"Uy philip." 

"Ah, oh bakit? May gusto ka pang bilin?"

Muka naman malungkot talaga siya

"Ah, wala. Eh kasi.. Bakit ang lungkot mo?" tapos nag-sigh siya. 

"Ex ko."

"Ex mo? Anong ex? Saan?!"

Tinuro niya sa akin gamit nguso niya yung babaeng sinasabi kong katabi kanina nung babae sa cashier. Oo, maganda nga talaga siya. Ka-age lang siguro namin to.

"Gusto mo ng ice cream? Tara na! Wag ka na malungkot diyan!"

Hinila ko palabas si Philip sa Starbucks at naghanap na lang kami ng Ice Cream house. or something like that..

"Philip! Dito oh. Gusto mo?" Di sumagot si Philip pero tumingin siya sa kamay naming magkahawak. Napabitaw na lang ako bigla nang ma-realize ko yon.

There you'll be (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon