Three Words [ONE SENTENCE!]

1K 13 8
                                    

“Hoy Panget! Gising na at maglilipat na ulit tayo ng Room!”

 

Bumangon ako sa pagkakaubob ko sa Desk ko at kinusot-kusot ko ang Mata ko...

Tumingin ako sa Walang hiyang nanggising sa akin at handa na akong mambulyaw...

 

“Ano ba ang Problema mo Fifi?! Panget ka diyan ng Panget! Kita mong natutulog yung Tao eh! And FYI lang, MAGANDA AKO” hiyaw ko at nang imulat ko ang mata ko...

Wala ng ilaw sa Room O___O

Hala!!! Iniwan na nga ata ako ng mga Kaklase ko! TT^TT

Dali-dali kong inayos ang mga gamit ko at pinaglalagay ko ang mga yun sa Bag ko.

Nagtatakbo ako palabas ng Room namin na patay lahat ng Ilaw at wala nang tao...

Habang natakbo ako ay hinahalungkat ko ang Bag ko kasi hindi ko alam ang Sunod na Subject namin... Hinahanap ko ang Schedule ko para makadiretso na ako sa Kung saan mang Subject Room na yon >o<

 

“Psst!”

Narinig ko yung Pagsutsot kaya nilingon ko...

Tapos may nakita akong babae na sinusutsotan yung lalaking natutulog.

Aiish. Hindi pala ako yung tinatawag =___=

Naglakad na lang ulit ako...

 

“Psst!”

 

Hindi ko na lang pinansin kasi baka hindi nanaman ako yung tinatawag...

 

“Psst!”

 

Haiist... Ano kayang sunod naming subject? Baka maparusahan ako ng kung sino man ang Subject teacher namin TT^TT

 

“Psst!!!”

 

Hay... Wag naman sana! TToTT

 

*POK!*

 

“ARAY KO!!! HAYUP!!!” hiyaw ko sabay sapo sa ulo ko na pinukpok ng Hard Covered na book TT^TT

 

“LANGHIYA! ANO BA YAN?!!” sabi ko sabay lingon sa pumukpok sa ulo ko...

Three Words [ONE SENTENCE!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon